Chapter 6

16K 764 645
                                    

Veronica

"Mommy!! Wakey, Wakey!!!!"

Nagising ang diwa ko ng maramdaman kong may pumatong sa ibabaw ko at madiin na pinaghahalikan ang buong mukha ko.

"Oh, gosh! Mommy!!!"

Gulat na napamulat agad ako ng marinig ko ang natatarantang sigaw ng anak ko. Nag aalalang hinawakan ko ang mukha nito dahil naluluha na itong nakahawak rin sa mukha ko.

"Why baby? What's wrong?" nag aalalang tanong ko.

Nagtaka naman ako ng punong pag aalala pa niyang hinihipo ang noo at leeg ko kaya agad na napahipo rin ako sa sariling leeg at doon nakumpira ko kung bakit nag aalala ngayon ang mahal ko, i have fever.

"You're hot, mommy!"

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya ngunit agad din akong natigilan ng samaan ako nito ng tingin bago pingutin ang ilong ko.

"I'm serious!" animong naiinis pang bulyaw nito.

"Oh, I'm sorry honey..." panglalambing ko dito at niyakap siya.

"You have a fever mommy, what should I do?" nag alala paring tanong nito.

"Don't worry baby, I'm okay." ngitian ko pa ito upang hindi na siya mag alala.

Ngunit dahil anak ko nga pala siya hindi basta basta maniniwala ang batang ito. Nakataas ang kilay nitong tumayo sa kama at nakamewang sa harap ko.

Lihim naman akong natawa habang nakatingala sa mahal ko.

"You're not okay!" nakangusong pang ungot niya.

"I'm--"

"Maybe you need a biogesex." gulat at nanlalaking matang napatingin ako sa anak ko na malawak pang nakangiti sa akin.

"Baby!" hindi ko mapigilang mahinang mapasigaw kaya naman nagtaka ang mahal ko.

"Why mommy?"

"Sinong nagturo sayo nun?" napapasapo sa noong tanong ko bago umayos ng upo sa kama.

"Si Mommy tita!" proud na proud pang sagot ng mahal ko.

Shit!

That bitch!

Veymie! Humanda ka saking bitch ka!  Kung ano anong tinuturo mo sa anak ko ah!

Naiiling nalang ako at inalalayan na ang anak kong maupo sa tabi ko. Mahina naman akong natawa ng ngusuan ako nito.

"You don't have to worry okay? Okay lang si mommy, fever lang un! Strong kaya ako!" nakangiting pagmamalaki ko pa at nagmamayabang na pinakita ang kunyaring muscle ko.

Agad naman na napataas ang kilay ko ngunit nakangiti parin ng makita kong animong disappointed pang umiling iling ang mahal ko.

"No, you're not." mataray pang sabi niya at nag cross arm pa.

"Hmm??? Why naman?" nakangising tanong ko dito.

"Strong ka lang naman because I'm here, what if mawala na ako--"

"Don't say that!" pagalit na putol ko agad sa balak nitong sabihin.

Nginusuan naman ako nito bago ako irapan kaya agad na pinanlakihan ko ito ng mata.

"Then, be strong for your self mommy! Not just for me! I know you're dying inside but lagi mong sinasabi na, it's okay even it's not."

Agad na natigilan ako dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang napaiwas sa kaniya ng tingin. Masyadong matalino ang anak ko to the point na yung mga bagay na dapat hindi niya pa nalalaman sa mundong ito ay alam na niya.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon