Lincoln Eunice
Hindi pa man ako nakakasagot nang maramdaman ko na naman ang biglang paghigpit ng kamay ni Miss Veronica sa braso ko. Bago ko pa magawang maigalaw ang kamay ko pabalik, naramdaman ko na naman ang malakas na hila niya.
"Miss Veronica! Teka lang po, yung mga kaibigan ko—"
"Hindi mo sila kailangan ngayon, Astoveza," malamig na sabi niya habang tuloy-tuloy ang paghatak sa akin.
Halos magkandahaba ang leeg ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Sino ba namang hindi mapapatingin? Ang pinaka-istriktong at magandang professor ng university, hinihila ang isang hamak lang na studenyate na katulad ko na parang bata. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, lalo na nang mapansin kong hindi man lang siya bumabagal kahit hirap na akong sumabay sa kaniya.
"Miss, nakatingin po silang lahat..." bulong ko, sinusubukang bawiin ang braso ko pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak.
"Let them look," maikling sagot niya.
Narating namin ang parking lot na medyo malayo sa ingay ng campus. Huminto siya sa tapat ng kaniyang sasakyan pero hindi niya binitiwan ang braso ko. Hinarap niya ako, ang kaniyang mga mata ay tila nagbabanta.
"You're too friendly, Astoveza. Masyado kang madaling lapitan," sabi niya, ang boses ay mababa pero puno ng awtoridad.
Ako pa ang friendly? Dalawa nga lang kaibigan ko.
"Wala naman po silang ginagawang masama—"
"I don't care about their intentions. I care about mine," putol niya sa sasabihin ko.
Sandali siyang tumahimik, tila pinapakalma ang sarili habang nakatitig sa akin. Pagkatapos, marahan niyang binitiwan ang braso ko at sa halip ay hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko sa kaniya.
"Gutom na ako. At ayaw kong kumain sa cafeteria," sabi niya, medyo lumambot ang tono pero nandoon pa rin ang pag-utos. "Let's eat out. My treat."
Ha?
Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Binuksan niya ang pinto ng kotse at sumenyas na pumasok ako.
"Are you coming, or do I have to drag you inside the car too?" hamon niya sa akin na may kasamang maliit na ngisi.
Napabuntong-hininga na lang ako at sumakay. Alam ko namang wala akong laban kapag ganito na ang mood niya.
Tahimik ang loob ng kaniyang sasakyan. Tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang mabangong amuy ng leather at mamahaling pabango ni Miss Veronica ang namamayani. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mabilis na paglipas ng mga gusali ng university.
"You're awfully quiet, Astoveza," basag niya sa katahimikan. Hindi siya lumingon, deretso lang ang tingin sa kalsada habang ang isang kamay ay swabe ang pagpihit sa manibela.
"Wala lang po, Miss Veronica. Medyo nagulat lang po ako sa paghila niyo po sa akin kanina..." mahina kong sagot.
Naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan dahil sa trapik. Dito niya ako nilingon. Yung tingin na parang binabasa ang bawat iniisip ko.
"Nagulat? O nahiya?" tanong niya, may halong pangungutya sa tono.
"Hindi naman sa ganoon, pero professor ko pa rin po kayo sa mata nila. Baka kung ano ang isipin—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, naramdaman ko ang mainit niyang kamay na pumatong sa hita ko. Bahagya siyang humigpit doon, sapat na para mapasinghap ako at mapatingin sa kaniya.
