Chapter 22

14.3K 671 546
                                    

"Ingatan mo siyaaaaaaaa
Binalewala niya ko dahil sayo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ko dahil sayo, dahil sayo." madrama pang kanta ni bakla habang nakapikit at maarteng nakahawak sa dibdib.

Nailing ako at itinuon nalang ang atensyon sa aking pinapanood. Linggo ngayon at nandito kami nakatambay sa condo ni Julius. 

"Heto 'ng huling awit na iyong maririnig
Heto 'ng huling tingin na dati kang kinikilig
Heto 'ng huling araw, ng mga yakap ko't halik---"

"Tangina, ang sakit mo talaga sa tenga Cardozo!" sigaw pa ni Julius at nakasimangot na lumabas mula sa kwarto niya.

"Ulol!" ganting sigaw din ni bakla at pinakyuhan si Julius.

"Anong gusto mong kainin, Lincoln?" tanong pa ni Julius ng makalapit sa puwesto namin.

Walang ganang nilingon ko ito at nagkibit balikat sa kaniya bago umiwas ulit ng tingin. Narinig ko naman ang bugtong hininga nung dalawa na ipinagsawalang bahala ko nalang.

"Mag mall nalang tayo, gusto ko ding gumala today." rinig kong sabi naman ni bakla.

"Sige." sagot naman ni Julius.

Naramdaman ko namang tinignan nila ako na animong inaantay ang sagot ko kaya nagkibit balikat nalang ako naunang nang tumayo sa kanila at walang sali-salitang na naglakad palabas.

Agad naman na napasunod sa akin yung dalawa, rinig ko pang nagbubulungan sila pero hindi ko maintindihan ang kanilang pinag uusapan.

Sasakay na sana ko sa sasakyan na binigay ni Veronica sa akin. Yeah, ginagamit ko parin naman yun. Nang bigla akong hatakin nung dalawa at sapilitang ipasok ako sa sasakyan ni Julius. Inis naman na napairap ako.

"Samin ka nalang sumabay, mahirap na baka maisipan mo pang magpakamatay, sayang naman yung luha na ibubuhos namin sa lamay mo." nakangisi pang sabi ni bakla at tumabi sa akin sa back seat.

"Hindi pa naman ako ganon katanga para magpakamay." inis na sabi ko sa kanila at walang gana na tumingin nalang sa bintana.

"Hindi natin sure yan." rinig ko pang sabi ni Julius tanga.

Tahimik lang ako sa buong biyahe namin habang nakikinig sa dalawa na walang ginawa kundi nagkwento sa akin ng kung ano-ano. Tanging tango nalang ang ginagawa ko.

Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa mall, nakunot ko naman ang aking noo ko dahil marahan pa akong inaalalayan pababa ni bakla ng sasakyan kaya inis na sinipa ko ito sa tuhod na syang malakas na ikinatawa lang niya.

"Hindi ako lumpo, gago!" inis na bulalas ko dito.

"Broken lang daw siya." pang aasar naman ng tangang si Julius.

Inis na inirapan ko lang sila at mabilis na naglakad papasok ng mall. Hindi makapaniwalang napasinghal ako ng mabilis silang nakasunod sa akin at parehas na kumapit sa magkabilang braso ko.

"Ano ba? Para kayong mga tanga." inis na sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakakapit nila sa braso ko.

Ngunit ang mga tanga ay hindi nakinig at parang unggoy pang lumambitin sa braso ko.

Dahil mabigat sila ay sabay sabay na natumba kami sa sahig. Inis na pinagsisipa ko sila dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao ngunit ang mga tanga ay nagsitawanan lang.

Mabilis na tumayo ako at nagmamadaling iniwan yung mga nakakahiyang mga tangang iyon. Nailing nalang ako at bahagyang natawa dahil sa nangyari.

Mga gago.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon