Chapter 21

15.3K 604 755
                                    

"Leng? Ang ganda mo girl! pakopya naman ako nung activity na pinapasagutan kahapon."

"Hoy, leng? Pakopyaaa..."

"Pakopya--Lengleng!!!!! "

Gulat na napalundag ako sa aking pagkakaupo ng may malakas na sumigaw sa mismong tenga ko. Inis na tinignan ko si bakla na syang may salirin ngunit ang tanga ay tinawanan lang ako at animong nagmamadaki pang kinalkal ang bag ko.

Letche.

Inis na napairap nalang ako sa kawalan bago tumulala ulit sa labas ng bintana ng aming classroom. Maliit na napapangiti nalang ako sa tuwing may makikita akong mga ibon na malayang lumilipad.

"Tulala ka na naman."

Walang ganang napabaling ang tingin ko sa bagong dating na si Julius ngunit agad  ding napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil nakita kong nag aalala na naman itong nakatingin sa akin.

"Hindi parin ba kayo nagkakausap ng maayos?" rinig ko pang malungkot na tanong nito, naramdaman kong naupo na ito sa tabi ko.

Malungkot naman na umiling lang ako sa kaniya bilang tugon, nakita ko ding napabaling na ang atensyon ni bakla sa amin na kanina lang ay busy sa pagsusulat-pangongopya ng sagot ko.

"Ano ba kasing nangyari sa Ilocos, bukod dun sa narinig ni fafa Julius?" mataray pang tanong ni bakla ngunit napairap nalang ako nang makita kong nang aasar na ang tingin nito sa akin.

Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Julius kaya inis na hinampas ko ito sa braso. Nakakahiya.

"Tss.. Tss.. Ang katulad mong minor dapat sinusunod ang friendly reminder na spread kindness but not your legs! Ganern!"

Minor? Gago.

"Nakakahiya naman sayo, parang kahapon lang may kinukwento ka sakin na sinubo--"

"Hoy! Gago! Stop me!" mataray pang putol ni bakla sa sinasabi ni Julius, napahawak pa ito sa dibdib niya at animong nasusuka.

"Anong sinubo?" kunot noong tanong ko.

Takang napatingin naman sa kanila dahil malakas na tinawanan lang ako nung dalawang tanga. Eh?

"Wala yun, wag mong isipin yung sinabi ko." naiiling na sabi naman ni Julius.

"K." walang pakeng sagot ko bago magkibit balikat.

"Pero.. Seryoso na leng, ano ba talagang nangyari bakit bigla ka nalang niyang hindi kinakausap ngayon?" taas kilay na tanong ulit ni bakla.

Napabugtong hininga naman ako at malungkot na napatitig sa kawalan bago muling balingan sila ng tingin at mapait na ngumiti. Anong nangyari?

"H-Hindi ko alam..." walang ganang sagot ko.

Hindi naman sila makapaniwalang napatitig sa akin kaya walang ganang nagkibit balikat nalang ako bago mag iwas ulit sa kanila ng tingin.

Limang araw? anim na araw? Isang linggo? Hindi ko na alam kung ilang araw na ba niya akong hindi kinakausap ng maayos, hindi niya ako nilalapitan. Nararamdaman ko naman na may maling nangyayari dahil sa tuwing kakausapin ko siya ay wala akong matinong sagot na nakukuha sa kaniya, lagi siyang magpapalusot na may gagawin pa siya, may pupuntahan, may importanteng kakakausapin pero alam ko naman na lumalayo na siya sa akin.

Pero.. bakit?

Wala naman akong natatandaan na may ginawa ako sa kaniya na hindi niya magugustuhan, ang nakakalungkot pa dun ay napapansin ko na napapaadalas na rin ang pag liban nito sa aming klase.

Okay naman at masaya pa nga kami nung nagdate kami sa Ilocos, okay pa kami nung maihatid niya ako sa bahay ngunit kinabukasan nun ay hindi siya pumasok at sa mga sumunod naman na araw ay nararamdaman ko na dumidistansya na siya sa akin na syang nakakapanghina.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon