Chapter 27

14.9K 583 453
                                    

Lincoln

"Seryoso?! Ano ba talagang trip mo sa buhay?" animong naiinis nang ungot ni Zera na nakasunod lang sa likod ko.

Hindi ko na ito pinansin pa at tahimik nalang na nililibot ang aking tingin sa buong paligid. Napakaganda talaga ng japan, napaka aliwalas ng lugar, sayang nga lang at hindi tagyelo ngayon.

Napakaganda ng lugar ngunit ang panget ng kasama ko.

Lihim nalang akong natatawa sa tuwing naririnig ko ang mahihinang ungot ni Zera at minsan ko pang naririnig ang pagpapadyak niya. Bahala ka jan.

"Hoy, Lincoln?! Naiinis na ako sayo ah! Lagi mo nalang akong dinadamay diyan sa mga kagagohan mo--"

Inis agad na napalingon ako sa aking step-sister, hindi naman ito natinag sa aking tingin bagkos mataray pa ako nitong tinignan. Aba.

Sumbong kita kay ate mamaya.

"Kagagohan?" taas kilay na tanong ko dito.

Nginisian naman ako nito pagkatapos ay itinaas niya rin ang kilay niya. Mawawalan na ito ng kilay mamaya kapag isinumbong ko talaga ito kay ate.

"Oo! Kagagohan naman talaga ang tawag sa ginagawa mo! Seriously? Pumunta ka lang ng japan, para ano??? dahil cravings ka ngayon sa chocolates?" hindi pa ito makapaniwalang napabuga ng hininga.

Baho.

"So? Ano bang pake mo?" kunot noong pahayag ko dito.

Inis na inis na pinakyuhan naman ako nito.

"Ano bang pake ko? Gago ka din pala ee! Malamang may pake ako dahil ako ang dinadamay mo sa kagagohan mo! Nung nakaraan din, cravings ka naman sa apple, Saan tayo pumunta? Sa Singapore pa! Tangina, mag kapatid nga kayo ng ate mo! Parehas kayong may sira sa ulo! Yung ugali niyong magkapatid parang lesson namin sa math, ang hirap intindi at ang sakit-sakit sa ulo!"  bulalas pa nito.

Okay.

Hagisan ko kaya ng granada ang bunganga nito? Masyado na siyang madaming sinasabi.

"Tapos?" tanong ko habang nakatingin sa kinukutkot kong kuko.

"Tanginamo talaga! May chocolates naman at apple sa pilipinas, bakit lumalayo kapa?! Wala naman talaga akong pake sayo actually, wag mo lang akong idamay diyan sa kagagohan mo! Kung broken ka, buti nga sayo! Deserve mo yan dahil tanga ka!" pang aasar pa nito at parang bata pang dinilaan ako.

Broken? Napataas naman ang kilay ko.

"Oh?" walang ganang sabi ko.

"Kinginamo! Abnormal dog behavior such a excessive vocalization, compulsion and aggressive behavior are typically triggered by fear phobias, anxiety and stress--"

"Tagalog?" taas kilay na tanong ko pa at animong hinahamon siya.

Saglit pa itong natigilan at maya maya ay alanganing natawa. Huh!

"Mukha kang aso!" inis na sigaw nito at nilagpasan na ako.

Naiiling na natawa nalang ako sa babaeng iyon bago siya napagpasyahang sundan. Actually, wala lang talaga akong magawa, gusto ko lang naman gumala pero totoong cravings talaga ako ngayon sa chocolates, naisipan ko lang na dito nalang kami pumunta ngunit ang haliparot na si Zera ay walang pakisama, lagi nalang akong kinukontra.

Minsan na nga lang makagala ee.

Ilang buwan na din siguro mula ng ako ay  hindi na pumapasok sa University, wala na din naman akong proproblemahin pa dahil maaga akong nakapag exam na. Graduation nalang ang inaantay ko.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon