Chapter 15

15K 602 514
                                    

"Mamaaaaaa!!!!!" masigla pang sigaw ng anak ko at masayang sinalubong nito si mom na nakaamba na agad ng yakap sa anak ko.

"I miss you, baby girl!" madamdamin pang sabi ni mom, napangiwi nalang ako ng halikan pa nito ang anak ko sa buong mukha na animong nanggigil pa.

"I miss you too mama!" nakangiting sabi din ng anak ko at hinalikan si mom sa pisnge.

Napangiti nalang ako at naiiling na iniwan sila bago maglakad upang magtungo sa dining room. Napasinghal naman ako ng mahina ng maramdaman ko na sumunod sa akin ang magaling kong asawa, muntik konang makalimutan na kasama ko nga pala siya.

Tinignan ko naman ng masama ang gago dahil naramdaman ko na ipinulupot nito ang braso niya sa bewang ko at marahang pinisil iyon, agad na nanindig ang balahibo sa buong katawan ko dahil sa pandidiri kaya mabilis na tinabig ko ang kamay niya bago maglakad ng mabilis.

Agad naman akong nakarating sa dining room at naabutan ko sila dad at ang kakambal kong bitch kasama ang lover niya na seryosong nag uusap.

"Hi." animong wala pang ganang bati ko sa kanila.

Agad naman na napabaling ang atensyon ng mga ito sa gawi ko, Lihim nalang akong natawa dahil pare-parehas na umasim ang mukha nung tatlo habang nakatingin kay Chris na nakangiwi na.

Napangisi naman ako ng marinig ko ang mahihinang singhal ng gago at minsan pang napapamura.

Sinabihan ko naman kasi siya na wag nang sumama dahil walang t-trato sa kaniya ng maayos dito kasi lahat ng nakatira dito ay may malalim na galit sa kaniya.

Kaya ngayon, bahala siya sa buhay niya.

"Goodevening dad." bati ko dito at maliit na nginitian siya.

"Goodevening, honey." nakangiting bati din nito pabalik sa akin bago mapanghusgang ibaling muli ang tingin kay Chris.

Nailing nalang ako naupo sa tabi ni Elijah, agad naman na nginitian ako nito kaya tipid na nginitian ko lang din siya.

"Kamusta naman ang step-mother ko?" nakangising tanong pa nito, napasinghal nalang ako at bahagyang natawa.

Sasagot na sana ako ngunit agad na sumabat ang epal na si Chris.

"Ako na ang asawa niya, hindi na ang tatay mo." nakangising sabi pa nito at hinawakan ako sa kamay.

Inis naman na kinurot ko ang tagiliran niya ng madiin kaya agad na nakangiwing napabitaw ito.

Nakita kong sabay na napataas ang kilay nung lovers dahil sa sinabi ni Chris. Nagkatinginan pa sila at nang aasar na tumawa.

Nagkasundo.

"My baby, talking to you, Mr. Playboy?" mataray na tanong pa ng kakambal ko.

Nakita kong napangisi naman si dad at Elijah dahil hindi nakasagot si Chris sa bitch kong kakambal, nanahimik nalang ito at kunyari pang nag iwas ng tingin.

Natahimik naman kami at maya maya lang ay may maingay na kaming naririnig mula sa hindi kalayuan, agad na napangisi ako dahil magkikita na naman kami ng animal kong pinsan.

Kamusta naman kaya ang panget na mukha niya?

"Oh, nandito na pala ang unggoy." nakangising sabi agad ni Elijah ng unang bumugad sa amin si Steven.

Tinawanan lang ito ng pinsan ko bago batiin si dad at maupo sa tabi nito.

"Hanggang ngayon parin ba, pinagseselosan mo parin ako?" nakangising baling na tanong ni Steven kay Elijah.

Natawa naman si Veymie samantalang si Elijah ay ngumuso lang bago irapan si Steven.

"Pinagseselosan?" takang tanong ko at nagpalipat lipat ng tingin sa kanila.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon