Chapter 12

17.2K 698 506
                                    

Eunice

"Ahhh!!! Ayoko nang maging tao, gusto ko nalang maging kangkong!"

Inis na nilingon at malakas na binatukan ko ang tangang si Julius dahil sa tenga ko pa mismo ito sumigaw.

Letche.

Nginusuan naman ako nito kaya napairap nalang ako at pinagpatuloy ang aayos ng gamit ko.

"Ayaw mo maging kingkong? Mas bagay sayo--"

"Nyenye nyenye!!!" agad naman na putol ni tanga sa balak sanang sabihin ni bakla.

Inis na dumili pa ito at nakasimangot na nag cross arm. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni bakla at naiiling na natawa nalang kay tanga.

"Nakakatamad na mag aral, sunod sunod yung mga pinapagawa nila, my god! Super stressful, koloka!" rinig ko pang ungot ni bakla na syang sinang ayunan agad nung isa.

"Tama, anong akala nila sa atin--"

"Andami niyong reklamo, tamad naman talaga kayong mag aral." umiirap na putol ko bago ko sila iwan.

"Hoy! Hindi ka ba sasabay sa akin?!" rinig kong sigaw ni tanga.

Huminto naman ako sa paglalakad at walang ganang nilingon siya bago umiling.

"Wag na, alam kong may lakad kapa." sagot ko bago siya ngitian ng maliit.

"Pwede namang ihatid muna kita bago ako--"

"Wag na nga." inis na putol ko dito bago ko siya talikuran ulit.

"Okay, ingat!"

"Take care lengleng ko! Labyah!"

Nailing nalang ako at napangiti ng marinig ko ang pahabol na sigaw nung dalawa. Napayuko nalang ako ng maramdaman kong napunta ang atensyon ng iba sa akin dahil sa pagsigaw nung dalawa.

Habang nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad sa hallway ay nakasalubong ko pa si Ackhim, nakangiti na agad ito ng malaki ng makita ko kaya lihim nalang aking napairap.

"Hi, mag isa ka lang ata ngayon? Nasan ang mga bff mo?" agad na tanong nito at sinabayan ako sa paglalakad.

Wala namang ganang tinignan ko ito bago siya irapan na syang agad na kinatawa niya.

"Sungit mo talaga." natatawang sabi pa niya at inakbayan ako.

Inis naman na tinabig ko ang kamay niya at pinong pino itong kinurot sa tagiliran niya, agad naman na napadaing itong lumayo sa akin at nakangusong tinignan ako.

Mukang pato.

"Para paraan?" taas kilay na pahayag ko dito.

Tinawanan naman ako nito kaya agad na napairap na naman ako.

"Nagbabakasakali lang naman." nakangisi pang pahayag nito kaya napasinghal ako.

"Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" animinong problemado pang tanong ko sa kaniya.

"I told you, kapag in relationship kana saka lang kita titigilan. So, hanggat wala pa, hayaan mo munang iparamdam ko sayo kung gaano kita kagusto." nakangiting sagot pa nito habang nakatitig sa akin.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napailing nalang. Hindi na ako nagsalita at hiyaan nalang siyang magkwento ng kung ano ano habang kami ay naglalakad.

"Ayaw mo bang ihatid nalang kita pauwi?" nag aalangan pang tanong nito ng maihatid niya ako sa harap ng University.

Dito kasi ang antayan ng masasakyan pauwi.

Nginitian ko naman ito kaya parang namamangha pang natulala ito ng ilang segundo sa akin, napakagat labi nalang at naiiling na natawa.

"Wag na, kaya ko naman ang sarili ko." nakangiti ulit na sabi ko sa kaniya bago tapikin ang balikat nito.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon