Chapter 1

46.3K 961 760
                                        

Lincoln Eunice Astoveza

​Paggising ko pa lang kaninang umaga, ramdam ko na ang bigat ng lahat. My lips were still a bit swollen, and my cheeks, god, my cheeks still felt the ghost of Miss Veronica's hand. Hindi ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang madilim na berdeng mga mata niya at ang mapusok na halik na mauuwi lang pala sa sunod-sunod na sampal.

​I felt used. Confused. And most of all, galit na galit ako.

​Nakunot ko ang aking noo nang makita ko ang pamilyar na itim na sedan ni Julius sa tapat ng aming bahay pagkalabas ko. Plano ko sanang mag-commute ngayon, but apparently, the universe had other plans for me. Nakapamewang na nilapitan ko ang sasakyan niya at malakas na kinatok ang bintana.

​Mabilis na napangiwi ako nang bumukas ang bintana. Kahit nakangiti si tanga ngayon ay mahahalatang kulang siya sa tulog. His eyes were bloodshot and puffy, and his hair was a bird's nest. Mukha siyang tanga-I mean, tanga naman talaga siya, pero ngayon, level-up ang pagmumukha niya.

​"Good morning, my best friend!" bati nito sa akin. Napangiwi na lang ako nang humikab siya nang malapad sa harap ko nang hindi man lang nagtatakip ng bibig.

​"Bastos," bulong ko. "Anong ginagawa mo rito? Why are you here this early?"

​Walang gana ang boses ko at agad na nag-cross arms sa harapan niya. I wasn't in the mood for his energy, especially after the hell I went through last night.

​"Sinusundo ang mahal kong kaibigan? I'm making up for last night, bebs. I know I was a mess," nakangising patanong na sagot niya, pero halatang pilit lang ang sigla niya.

​Napairap na lang ako nang makitang binuksan na niya 'yung pinto sa passenger seat. I hesitated for a second, but I didn't want to be late for my first class, which, unfortunately, was with her. Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na sa sasakyan niya.

​The moment I sat down, the scent of strong air freshener and a hint of leftover alcohol hit my nose. Tahimik lang si Julius habang pinapatakbo ang sasakyan, which was extremely unsettling. This guy is the human equivalent of a radio that won't turn off. He talks about everything, from his breakfast to the stray cat he saw on the street. He doesn't care if you're listening or not; he just goes on.

​But now? He was staring straight at the road, his grip on the steering wheel a bit too tight.

​"Problema mo?" tanong ko sa kaniya habang nasa bintana lang ang tingin ko. Sinusubukan kong iwasang isipin ang Monday class namin, pero ang hirap.

Rinig ko ang malalim na buntong-hininga niya kaya agad akong napalingon sa kaniya. Malungkot itong nakatingin sa daan at mabilis na sinulyapan lang ako. His lower lip trembled slightly, and his eyes were starting to well up.

​"Binasted kasi ako, bebs," bulong niya.

​Lihim naman akong natawa. Not because I was happy he was hurt, but because his expression was just so pathetic. Nakanguso siya at mabilis na namumula na ang mga mata niya, animong anytime ay iiyak na parang bata na nawalan ng candy.

​"Deserve," walang ganang pang-aasar ko sa kaniya. "I told you, she's out of your league."

​"Grabe ka naman! Physical pain na nga ang nararamdaman ko, dadagdagan mo pa ng emotional damage?" reklamo niya.

​Hindi ko mapigilang mapadaing sa sakit nang bigla niya akong hampasin nang malakas sa hita. Inis naman na tinuktukan ko siya sa noo gamit ang knuckle ko.

​"Hoy, gago ka! Kapag tayo talaga nabangga, hinding-hindi kita papatawarin hanggang sa kabilang buhay!" natatawang sabi niya habang hinahawi ang knuckle ko.

Can't Help Falling Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon