Chapter 5

16.8K 762 399
                                    

Inis na piningot ko ang ilong ni bakla dahil pagkapasok na pagkapasok ko palang ng room namin ay agad na sinugod ako nito at marahas na kinukuha ang bag ko mula sa akin.

Pilit naman itong umiiwas sa akin at pilit paring inaagaw ang bag ko.

"Bakit ba--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman kong may isa pang tao na umagaw ng bag ko. Inis na nilingon ko ito ngunit nginisian lang ako ni tanga at nagsimulang hinalughog ang bag ko.

"Pakopyaaa assignment ah?!" sigaw pa nito at mabilis na binagsak ang bag ko sa lapag bago siya magtungo sa seat niya.

"Hoy! Pakopyaaa din ako!" sigaw din ni bakla at inagaw ang notebook ko kay Julius.

Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil halos masira na ang notebook ko dahil sa pag aagawan nila. Kunot noong pinulot ko ang bag ko sa lapag at parehas binatukan ang dalawang tanga.

Agad namang nagreklamo ang mga ito, sasamaan sana nila ako ng tingin ngunit agad ding napangiwi ng mapansin siguro na mas masama ang tingin ko sa kanila.

"Sayang ang pag papaaral sa inyo ng magulang niyo, wala din naman kayong natututunan." inis na sabi ko sa mga ito bago maupo sa seat ko.

Nakita ko namang ngumuso lang yung dalawa pero mabilis paring nagpatuloy parin sa pangongopya.

"Sayang naman yung perang binibigay sayo ng sponsor mo sa scholarship kung hindi ka magpapakopya diba?" nakangising sabi pa ni bakla.

"Tama ka diyan!" gatong pa ni Julius tanga. Nag apir pa yung dalawa.

Napairap nalang ako at hindi na sila pinansin pa. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa.

Ilang sandali lang ay may narinig na kaming takong na papalapit sa room namin kaya agad na nag siayos ng upo at nagsitahimikan ang mga kaklase ko.

Ang nakasimangot na mukha ni Prof. Montero ang unang bumugad sa amin ng mabuksan nito ang pinto ng among room.

Walang gana itong naglakad papunta sa table sa unahan at inilapag ang gamit niya bago walang emosyon na tumingin sa amin.

Hindi ko itatanggi na maganda talaga itong si Prof. Montero, para siyang isang dyosa na bumababa mula sa langit ngunit kakatakutan mo talaga ito sa loob ng classroom, ayaw niya kasi ng kahit anong ingay na magmumula sa amin kapag nandito na siya sa loob, ayaw niya ng makalat, ayaw niya ng mabaho, ayaw niya ng tangang studyante. Sa lahat ng terror na professor dito sa University siya ang dapat na pinaka kakatakutan mo dahil hindi siya nagdadalawang isip na ibagsak ka.

Malayong malayo ang ugali niya sa kapatid niya.

Nagsimula na itong mag discuss sa harap kaya lahat kami ay tahimik lang na nakatutok lang sa kaniya ang tingin.

"Leng..." rinig kong mahinang tawag sa akin ni bakla.

Hindi ko ito pinansin dahil baka mayari ako kapag nagkataon.

"Lengleng..." medyo lumakas na ang tawag nito sa akin at kinakalabit na ako.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung paano tumigil sa pag didiscuss si Prof. Montero at makamandag na tumingin kay bakla na nasa akin lang ang atensyon.

Agad na napaiwas ako patagilid ng makita kong kinuha nito ang eraser at ibato iyon sa puwesto ni bakla.

Agad naman na namutla ang mukha ni bakla, at lihim nalang akong natawa dahil sapol na sapol talaga sa mukha niya yung eraser.

"Get out." malamig ngunit mariin na utos ni Prof. Montero kay bakla.

"S-Sorry po." paumanhin pa ni bakla bago tumayo.

Can't Help Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon