Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.
👀
================
Lincoln Eunice
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman ko ang marahang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Ang init nito ay tila isang banayad na haplos na nanggigising sa aking diwa mula sa napakagandang panaginip, o baka naman, mula sa isang realidad na higit pa sa anumang panaginip.
Good morning.
Agad akong napainat, nararamdaman ang kaunting sakit at bigat sa aking katawan. Isang paalala ng bawat galaw, bawat haplos, at bawat ligaya na naranasan ko sa piling niya. Agad akong napalingon sa gilid ko upang hanapin ang babaeng kasama ko lang kagabi. Gusto ko siyang makita na natutulog pa, gusto ko siyang masilayan sa ilalim ng liwanag ng umaga. Ngunit agad akong nakaramdam ng kurot sa puso nang makitang wala na siya roon. Malamig na ang bahagi ng kamang kinahihigaan niya, tila ba matagal na siyang bumangon.
Mapait na napangiti na lang ako sa sarili ko. Siguro umalis na siya. Siguro bumalik na siya sa buhay kung saan hindi ako ang priority.
Huminga ako nang malalim at pilit na kinalimutan ang lungkot.
"Birthday mo ngayon, Eunice. Happy lang dapat," bulong ko sa sarili ko.
Pinilit kong tumayo at magbihis, kahit na tila ayaw pa ng katawan ko. Pinili ko ang pinaka-komportableng damit ko, kahit na ayaw pang bumitaw ng diwa ko sa mga alaala ng kagabi.
Huminga ako nang malalim bago pinihit ang door knob. Paglabas ko ng kwarto, habang humihikab pa at medyo magulo ang buhok, tila tumigil ang mundo ko. Nanlaki ang mga mata ko at literal na napatigil sa paglalakad nang makita ko ang babaeng hinahanap-hanap ko lang kanina.
Nandoon lang pala siya sa mag sala. Naka-cross ang mga legs habang nakaupo sa sofa, seryosong-seryoso sa binabasa niyang libro. Napakagat-labi ako habang pinagmamasdan siya. She was wearing my oversized t-shirt, yung puting shirt na paborito ko. It looked so big on her, making her look incredibly fragile yet effortlessly sexy. Ang kaniyang mapuputi at makinis na legs ay kitang-kita sa ilalim ng laylayan ng damit. Damn! Para akong asong ulol na naglalaway sa kaniya ngayon.
Pero ang mas nagpatayo ng balahibo ko at nagpapula sa buong mukha at tenga ko ay nang mapagtanto ko kung anong libro ang hawak niya. Possessive Series... 'yung kay Tyron!
Oh, my god! Bakit at paano niya nahanap 'yan? Naka-tago 'yan sa ilalim ng mga textbook ko, ah!
Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napaangat ang tingin niya mula sa libro. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi, isang ngiti na tila walang bakas ng pagod mula sa gyera namin kagabi. Ibinaba niya ang libro sa kaniyang hita.
"Good morning, love," bati niya. Ang boses niya ay malambing, puno ng pagmamahal na tila ba natural lang ang lahat sa amin.
Napakagat-labi na naman ako para pigilan ang pagsilay ng ngiti ko. My heart skipped a beat. Shit! Kinikilig ako sa tawag niya sa akin. Yung angas na sinusubukan kong panindigan, parang asukal na natunaw sa init.
"G-Good morning din..." tipid na sagot ko, sinusubukang iwasan ang tingin niya at panatilihin ang kontrol sa sarili.
"How was your sleep?" nakangising tanong niya habang dahan-dahang tumatayo. May kung anong mischief sa kaniyang mga mata na nagpaalala sa akin kung paano niya ako tinitigan kagabi bago kami tuluyang mawala sa sarili.
Lihim akong napairap pero deep inside, sumasabog ang puso ko. Ang kapal din ng mukha niyang tanungin ako niyan matapos niyang kuhanin ang lahat sa akin!
