Lincoln
Pinanood ko si Miss Veronica habang unti-unting kumakalma ang kaniyang paghinga. Nakapikit na siya, pero bakas pa rin sa kaniyang mga pilikmata ang mga luhang hindi pa natutuyo. My heart clenched seeing her like this. Hindi ko akalain na ang isang babaeng tinitingala ng marami ay ganito pala ang pinagdadaanan sa loob ng sarili niyang pamamahay.
Tumingin ako sa sahig. Naroon pa rin si Sir Chris, nakahandusay at mahimbing ang tulog dahil sa tama ng kamao ko kanina. Hindi ko naman binalak na patunugin ang mga buto niya at patulugin siya nang ganoon katagal, pero uminit talaga ang dugo ko nang makita kong pinipilit niya ang sarili niya sa asawa niyang may sakit.
Dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si Miss Veronica. Lumapit ako kay Sir Chris at hinawakan ko siya sa ilalim ng kaniyang mga kili-kili. Mabigat siya, amoy alak at sigarilyo, pero wala akong pakialam. Buong ingat ko siyang hinalos palabas ng kuwarto ni Miss Veronica. Ayaw ko siyang magising dito at muling takutin ang babaeng mahal—ang babaeng inaalagaan ko.
Dinala ko siya sa kabilang dulo ng hallway, doon sa master’s bedroom na dapat ay tinutulugan nilang mag-asawa pero madalas ay siya lang naman ang nandoon. Inihiga ko siya sa kama niya, hinubad ang sapatos niya, at iniwan siyang nakatihaya.
"Matulog ka na lang diyan, huwag kang istorbo," bulong ko bago ko dahan-dahang isinara ang pinto.
Bumalik ako sa kuwarto ni Miss Veronica. Bago ako tuluyang lumapit sa kaniya, kumuha muna ako ng palanggana na may maligamgam na tubig at malinis na bimpo.
Nilapitan ko siya. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng lamp shade, lalong lumutang ang ganda niya. Kahit maputla siya dahil sa lagnat, ang amo pa rin ng mukha niya. She’s breathtaking, even in her weakest state. Yung mahahaba niyang pilikmata, yung matangos niyang ilong, at yung mga labi niyang kahit tuyo ay parang gusto mong hagkan para lang mabigyan ng lakas. She’s like a fallen angel na napunta sa maling tao.
"Bakit ba hinayaan mong saktan ka niya?" mahina kong tanong, kahit alam kong hindi niya ako maririnig.
Dahan-dahan kong pinuwesto ang upuan sa tabi ng kama. Inilubog ko ang bimpo sa tubig, piniga nang maigi, at dahan-dahang itinaas ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa noo niya. Nang dumampi ang palad ko sa balat niya, naramdaman ko ang init. My touch was hesitant, as if any sudden move could shatter the peace she finally found. Inilapag ko ang maligamgam na bimpo sa noo niya.
Bahagya siyang napaungol. "Uhmm..."
"Shhh... nandito lang ako," bulong ko habang dahan-dahang hinahaplos ang kaniyang pisngi gamit ang likod ng aking daliri. Ang lambot ng balat niya, parang seda.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya, sinisigurado na hindi ko siya maiipit o magigising. Nararamdaman ko pa rin ang init ng lagnat niya mula sa kaniyang balat. Dahan-dahan kong ipinalupot ang braso ko sa kaniyang baywang at hinila siya palapit sa akin. She felt so small, so fragile.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Hindi naman ako ganito sa ibang tao ah? Ano bang meron sa kaniya at ganito nalang ako umasta?
Naramdaman ko ang kaniyang bahagyang paggalaw. Imbes na lumayo, lalo siyang sumiksik sa dibdib ko, na parang doon lang siya nakakahanap ng tunay na katahimikan. I buried my face in her hair, smelling the faint scent and the lingering smell of her sickness.
May kung anong kurot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ito basta bugso ng damdamin. It was something deeper, something protective. Parang gusto ko siyang itago sa buong mundo, ilayo sa lahat ng sasakit sa kaniya.
....
"Magandang umaga, Tandang Sonya!" magiliw na bati ko sa matanda pagkapasok ko pa lang ng kusina. Ang bango ng sinangag at pritong hotdog ay humahalo sa malamig na simoy ng umaga, pero mas masarap sa pakiramdam ang gaan ng loob ko ngayon.
