Inis na hinahawi ko ang mga tao at nagpalinga linga sa paligid upang mahanap ang aking tangang kaibigan.
Nandito kasi ako ngayon sa bar dahil nag text lang naman sa akin si tanga na sunduin ko daw siya kasi hindi na niya kayang mag maneho dahil lasing na lasing na daw siya.
Argh! That moron!
Magpapakalasing tapos hindi naman pala kaya!
Napaka laking tanga!
Imbis na matiwasay na akong natutulog ngayon at nananahinip ay hindi dahil may tanga pa akong kailangang asikasuhin.
Dahil busy ako sa paglilibot ng tingin ay hindi ko napansin na may tao na pala sa likod ko at nabunggo ko ito ng umatras ako dahil may taong biglang sumulpot sa harap ko.
Bubulyawan ko sana ito ngunit agad akong natigilan ng unang bumugad sa akin ang napaka gandang mukha niya. Nakangisi ito ngayon sa akin at maigi akong pinagmamasdan.
Agad akong napayuko dahil bigla akong kinabahan sa presensya niya, isama mo pa yung tingin na ipunupukol niya sa akin.
"A-Ahhmm..S-Sorry po, Miss V-Veronica." ang nakayukong paumahin ko dito.
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya akmang tatalikod na sana ako ng biglang hapitin nito ang bewang ko at pwersahang iharap ako sa kaniya. Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya at lalo na sobrang lapit ng mukha niya sa akin, isang maling galaw nalang ay magdidikit na ang aming mga labi.
H-Hala...
"You know me?" marahang tanong nito habang may ngisi parin sa labi.
Malamang kilala ko siya, kilalang kilala dahil professor ko lang naman siya sa isang major subject ko.
Actually bagong Professor lang namin siya dahil siya ang pumalit kay Professor Ang na sa kasamaang palad ay pumanaw na.
Hindi ko na ito sinagot pa at agad na nanginginig ang kamay tinaggal ko ang pagkakapulupot ng kamay niya sa bewang ko bago mabilis na iniwan siya sa puwesto niya.
Habol hininga naman akong napasandal sa pader na napaghintuan ko habang mariin pumikit. Agad na napadilat din ako ng marinig ko na tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag.
~Julius tanga Calling ~
Inis na napakamot muna ako ng kilay bago padabog iyong sagutin.
"Hoy! Nasan kana?!" agad na tanong nito.
Kunot noong nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil malakas itong sumigaw sa kabilang linya.
Tangina.
"Ikaw ang nasaan na?!" inis na bulalas ko dito habang nakapamewang akong napatingin sa paligid.
"Nasa parking lot na ako--" hindi ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin niya dahil agad na pinatayan ko na ito ng tawag.
Napabugtong hininga muna ako para pakalmahin ang sarili ko upang maging maayos ang kundesyon ko.
Baka kasi biglang masapak ko nalang si tanga, Kawawa naman.
Maglalakad na sana ako paalis ng may biglang humila na naman sa bewang ko at iharap ako sa kaniya.
Nagulat at nahigit ko ang hininga ko ng pagharap ko ay si Miss Veronica na naman pala ito, ngunit ang mas nakakagulat pa dun ay may kung anong malambot na bagay ang mabilis dumampi sa labi ko.
Gosh...
Yung labi niya!
Nakadikit sa labi ko!
Magrereklamo na sana ako dahil-- tangina! First kiss ko iyon tapos nanakawin lang niya?!
No, freaking way!
Ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ng maramdaman kong mabilis na gumalaw ang labi niya at mariin akong hinalikan na siyang nagpalambot sa tuhod ko. Mabilis naman niya akong naalalayan habang patuloy parin sa paghalik niya sa akin kahit pinanatili kong tikom na tikom lang ang aking bibig.
Jusko!!!!
Lola!!!!
Hindi na virgin ang labi ko huhuhuh.
Habol hininga akong napahawak sa pader dahil sa paghihina nang maramdaman kong tumigil na ito sa paghalik sa akin ngunit agad din akong napahiyaw sa sakit ng malakas na sampalin ako nito sa kaliwat-kanang pisnge ko.
"What the--"
"How dare you?!" sigaw pa nito sa mukha ko bago muli akong sampalin ng isa pang beses at iwanan ako na nakanganga lang na nakatitig sa bulto niyang papalayo.
What the fuck?!
Argh!!!!!!!********
Kung naalala niya po yung babaeng nakita ni Eq na kasama ni Julius? Sa Chapter 19.
Siya po ang bida natin dito.
Anyway, Nasa bar po talaga ang true love hehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/310448881-288-k580210.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling
Romance2 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme Read responsibly ProfxStudent Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Than...