Chapter 97: Preparations

9.4K 373 378
                                    

[PREPARATIONS]

PANOTCHI'S P. O. V

NASA kabilang linya si Hades at mukhang may kailangan dahil himalang siya ang unang tumawag. Takot 'to sa first move, e.

Dalawa lang 'to. Kung hindi may kailangan, galit siya.

[Bakit hindi mo sa akin sinabi na nando'n pala ang isang tauhan ni Alas?] Bungad niyang tanong kaya mahina nalang akong natawa. "Dahil ayaw niyang ipaalam. Gusto niya lang masigurado na magiging ligtas si Luna pero mukhang hindi naman dapat pala siya sobrang mag-alala dahil nakipaghabulan lang naman ito sa dalawa niyong iniwan para sa kaniya."

Nawalan ng imik saglit sa kabilang linya. [Huh?]

Naiiling nalang akong napahilot sa sintido ko nang maalala ang ikinwento sa akin ni Alas. Alam niya raw na may pagkabaliw si Luna pero hindi niya inaasahang aabot sa gano'ng level ng kabaliwan na makikipaglaro sa kalaban. "Yes at nahampas niya pa ng baseball bat ang kotse mo." Balita ko. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga mula sa kabilang linya kaya kagat labing pigil ko ang pagtawa ko. Galit na 'to for sure. "Nagpadulas kasi siya sa windshield at gumaya naman 'yung dalawang lalaki. Papaluin niya sana 'yung lalaking pababa mula sa taas ng kotse mo pero nakailag kaya windshield ng kotse mo ang natamaan."

[What the fuck is wrong with that woman?!] Hindi niya na napigilang sigaw.

"Calm down. Alas said that it was completely normal," sabi ko, nagpipigil pa rin ng itatawa.

[Normal? Si Luna normal? Is he for real?]

"Bukas na kayong hapon o gabi bumyahe. Magpahinga na muna kayo. Baka mapatay ako ni Alas kapag sumama ang pakiramdam ni Luna," naiiling kong sabi. Mahirap na at baka magkaproblema pa kami ni Alas. Masyado siyang mahalaga sa akin para mawala at mawawala lang siya sa'kin kung may mangyayaring masama kay Luna.

[Wala pa rin bang nakakahalata sa mga dark students? Si Eagle?] Puno ng kuryosidad niyang tanong. Hinawi ko ang kurtina para silipin ang pinto ng mansyon. "Wala, so far tahimik naman sila. As for Eagle, he still believes in me."

[That island...]

"Will be forever out of his knowledge. Let him believe that this is his dark island."

[How about two people you sent as replacement of Luna and Deth?]

May misyon talagang magkahiwalay ang dalawa na ibinigay ni Eagle nung nakaraan pa. Ibang tao ang ipinadala ko roon. Mahihirap ang misyon lalo na ang kay Deth na malaki ang tsansang ikamatay niya. Ang misyon na ito ay ibinigay kay Deth para subukin ang pagmamahal niya kay Elisse. Ang pagtanggap niya sa misyon ay tanda ng loyalty at pagmamahal niya para rito. May namumuong pagdududa na kasi kay Eagle dahil sa inaakto ni Deth kay Luna. Ang ugat nito ay ang pabago-bagong report sa kaniya ni Elisse. Minsan sinusumbong niya si Deth, minsan naman ay pinagtatanggol niya ito kay Eagle. Nang ibinalita ko sa kaniya na tinanggap ni Deth ang misyon, nawala na ang pagdududa niya at nagdiwang si Elisse.

"They're fine. Mission accomplished."

[You're really good at manipulating, huh?] sabi niya na ikinabuntong-hininga ko nalang.

[Gaano ka kasigurado na walang alam sina Knoxx at Elisse tungkol kina Jaxon at Mr. Frederick?]

"Si Frederick lang ang kilala nila kaya siyempre itatago ko siya. Si Jax kasi ay matagal ng nakatago ang tunay na mukha."

[W-What do you mean?]

"Si Jaxon ay parang kabute sa buhay ni Frederick. Bigla na lang sumulpot at nagpakilalang anak dahil patay na raw ang Ina niya at inutusan siyang puntahan ang ama niya. May dala-dala itong birth certificate at siya ang nakasulat na ama. May picture rin ito kasama ang ina na nakilala niya rin agad dahil totoong may nangyari sa kanila nito nang ilang beses at ang huli ay hindi niya ginamitan ng proteksyon. Hindi na siya nag-abalang magpa-DNA test dahil nakikita niya ang sarili niya sa bata noong kabataan pa niya. Ilang araw makalipas mula nang may nagpakilala sa kaniyang bata na anak niya raw, nalaman niyang mahilig manood ito sa YouTube ng tungkol sa mga makeup hanggang sa dumating ang araw na ipinaalam niya rito ang panganib kung mananatili siya sa tabi nito. Ang bata ay nakaisip ng dahilan at paraan para manatili sa tabi ng ama niya. Mukhang matagal na raw kasi itong nangungulila sa ama para maging sobrang desperado. Pinakita sa kaniya ni Jaxon ang galing nito sa pagmamake-up na p'wedeng magamit sa panlilinlang."

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon