LUNA'S P. O. V
Ang iba ay napabuntong-hininga sa pagsang-ayon namin ni Gavin habang ang iba naman ay nagsaya lalo na ang mga nakaisip nito.
"Aray! Aray! M-Masakit na Stella, e!" Sigaw ni Zai nang pingutin siya ni Stella at hinila palabas.
"B-Bakit ako kasama?!" Sigaw ni Vincent na nakahawak sa gilid ng pinto. Hinila rin kasi siya ni Zai. "Tangina, Wolf! Tulong!"
"Malaki na kayo! Kaya niyo na 'yan!" Sigaw ni Wolf na nakayakap sa braso ni Eunice at nakahilig ang ulo sa balikat nito. Napakalanding nilalang!
"Holding hands na!" Sigaw ng baliw na si Sander na nakaluhod pala sa baba namin. Pinaghawak niya ang mga kamay namin ni Gavin. Nang iangat ko ang tingin ko kay Gavin nakaiwas pa rin ito ng tingin.
Tinulak ko ang braso niya gamit ang isang daliri ko. "Huy! Ayos ka lang?"
Agad naman siyang napalingon sa akin na parang nagulat. Nang makabawi siya ng pagkagulat ay saka lang siya tumango-tango.
"Mukha kang hindi ayos."
"Siyempre kinikilig," natatawang sabi ni Sander na hinihila na ni Wolf papalayo.
"Huh?"
"Team Xenor ako, e," biglang sabi ni Tev.
"Bet ko si Gavin for Ate," sabi naman ni Rance. "Sa kapatid ko ako siyemrpre."
Bakit may team? Anong bet?
"Mas bagay sila ni Kuya Deth."
Napatingin kaming lahat kay Jax. "H-Huh?"
"Oo. Naglalandi-" Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinakpan ang bibig niya. Tangina.
Kinakabahang nilingon ko silang lahat. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang gulat sa mga mata ni Deth. "Pagpasensyahan niyo na si Ja-si Aron, may nakain lang siyang hindi maganda."
Tangina, I'm fucking distracted and nervous!
Umiling-iling naman si Jax habang ako ay tumatango-tango at pilit na ngumingiti. Niyakap ko siya at hinagod-hagod ang likod niya sabay bulong sa tenga niya. "Mapapahamak tayo."
Binitawan ko na siya at nang lumayo ako, nakita ko sa mga mata niya na mukhang naalala niya na ang sinabing dapat sikreto lang na magkasama kami ni Deth sa pagliligtas sa kanila.
"So bakit nga bagay sina Luna at Deth?" Natatawang tanong ni Chaos. Tangina nitong chismoso na 'to! Malamang nakakaamoy na naman siya o 'di kaya may alam siyang magkasama kami ni Deth sa misyon?
"Bagay sina Kuya Deth at Ate Luna kasi trip ko lang?" Sagot ni Jax na pahina nang pahina ang boses na halatang walang matinong maisip na dahilan.
Okay, tangina?
"Hindi rin talaga sila p'wede." Umiling-iling si Sander. "May girlfriend si Deth. Hindi ba, Deth?"
"Sander, shut up," may diing sabi ni Stella, galit na.
Bahagyang namilog ang bibig ni Jax. "Ay meron po?"
Inginuso ni Sander si Elisse sa likod kaya agad itong nilingon ni Jax.
"Aron, tama ba?" Tanong ni Elisse na bigla nalang naubo kaya inabutan siya ng tubig ni Deth.
"Opo."
Nang makainom siya ay inabot niya na kay Deth ang baso at nginitian bago muling harapin si Jax. "Ako ang girlfriend ni Dark."
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Jax, tila nagloloading bago nagsalita ulit. "Talaga po ba?" Tanong nito na ang tono ay nagdududa talaga.
Narinig ko ang mahihinang pagtawa ng mga gunggong sa likod ko kaya matalim ang mga matang nilingon ko sila dahilan para magkani-kaniyang ubo at tigil sila sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Teen FictionBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️