CHAPTER 6: SAPPHIRE

208 3 1
                                    

Mahaba ang naging usapan namin sa bahay at ilang beses na.kamuntikan na akong umiyak ng ilang beses na pagsalitaan ni mama si Sebastian ng hindi maganda. Minsan ko lang makita si mommy na magalit at isa na yung kanina pero nag-iba ang timpla ni mommy ng malaman niyang buntis ako. Umiyak ito at niyakap ako ng mahigpit, alam kong nag-aalala lang sya para sakin dahil mula pagkabata laging sinasabi ni mama na ayaw niyang maranasan ko ang nangyari sa kanya, she wants me to find my own lovestory

'Wag kang masyadong mag-isip babe.' Napukaw ang atensyon ko ng magsalita si Sebastian habang nagmamaneho.

'Im sorry babe' Alam kong may kasalanan si Sebastian, hindi naman ako ang tipo na pagtatakpan siya dahil sa mahal ko siya kaya lang syempre gusto kong maging maayos na ang lahat lalo na't malapit na akong magkababy.

'Babe kasalanan ko rin pero what matter's most is alam na ng mommy mo.' I just smiled at him and he brought my hand to his mouth and plant a small kiss on my knuckles.

'Babe, bisitahin natin ang daddy mo' bahagya siyang natigilan pero maya maya ay tumango na rin.

'We will.. we will babe.'

Gabi na ng makarating kami sa unit at dahil na rin sa pagbubuntis ko ay ang bilis kong napagod at nakatulog na. Around 9am na akong nagising, pero wala siya sa tabi ko, patayo na sana ako ng mapansin kong may mga pictures na nakasabit at ng tumingala ako ay punong puno ng pink balloons ang kwarto namin. Napangiti ako at tumayo ako sa kama, may mga nakataling iba't ibang pictures namin sa balloons, mga travels namin, mga foodtrips namin, movies dates, monthsaries, anniversaries and just some randomn pictures of the two of us, di mawala-wala ang ngiti ko ng pumasok sya sa kwarto.. may dala siyang chocolate cake at ang gwapo gwapo niya sa sout niyang white tshirt at sweatpants. Nakatayo ako sa kama at lumapit siya, bahagya akong yumukod para humalik sa labi niya.

'Good morning' he said as he offered the cake to me, may dedication na 'Thank you Sapphire ko, i love you so much'

'Awwweee babe' napatakip ako sa sarili kong bibig dahil sa kilig na nararamdaman ko, my Sebastian is really back.. hindi ko na namalayan na nag-uunahan ng tumulo ang mga luha ko and he wiped it using the back of his hand.

'Shhh... lets call today a thank you day babe.. thank you because we are back together and ill never get tired of giving you countless surprises babe' he muttered at mas lalo lang akong umiyak.

'Ano ba yan. Ang aga-aga eh pinapaiyak mo ako. Thank you babe' I said and he carried me from the bed I tiptoed to kiss him when he gently put me down.

'I texted Lyka and Liro, maglunch tayo with them.' Nakangiting sambit nito at tumango lang ako.

'Babe.. ' He smiled at me and I realized that sometimes giving someone a second chance is not bad at all, you just need the courage to let them enter your life again.

'I love you.. magbreakfast ka na'

Nasa mall na ako kasama si Lyka dahil nagpahuli sila Liro at Sebastian may inaasikaso daw kasi sa opisina, saka maaga pa naman. Sinamahan muna ako ni Lyka na maglibut sa mall.

'So kumusta naman kayo ni Seb?' She asked.

'Okay na mam Lyk, minsan nga nagigising ako sa mga surprises niya. Having him back isnt a bad idea after all.' All smile kong sagot.

'Aba dapat lang no. Oh eh, hindi na ba siya basta bastang nawawala? O nabi-busy sa phone niya?' She took a glimpse on me and I smiled.

'Puro ako ang inaasikaso niya minsan nga eh pag nagriring ang phone niya o kaya may nagteyrxt ay ako ang pinapabasa niya. We are happy Lyk' ang saya lang sa pakiramdam. 'Bibisitahin nga namin ang daddy niya next week eh.'

'Talaga? Pumayag si Seb? Diba may issue sila?' Nagtatakang tanomg ni Lyka.

'Siya lang naman ang may issue sa daddy niya saka we are expecting a baby and it would be nice if maging okay na sila, magiging lolo na ang daddy niya no' I replied.

'Sabagay Sapph, sana nga maginh okay na sila.' Lyka commented.

'Lyk, punta nga tayo sa babies section,' aya ko sa kanya.

'Sige pero dumaan muna tayo sa jewelry shop, malapit na kasi ang anniversary namin ni Liro.'

Pumasok kami ni Lyka sa isang jewelry shop at tumingin tingin na rin ako ng relo para sa lalaki, puro si Seb lang kasi ang nagbibigay eh.

'Sapph, Liro texted nasa parking area nadaw sila' Lumingon ako kay Lyka bago tumango.

'Sige so tara na. Mauna nalang tayo sa resto'

Papasok na kami ni Lyka sa restaurant ng magring ang phone ko, its Seb.

'Hi babe.. opo nasa resto na kami. Okay. Sige we'll order nalang. Sige babe.' I ended the call and pocketed my phone.

'Sapphire? Ikaw nga.' Sabay kaming napalingon ni Lyka.

'Cheska? Cheska right?' I blurted out when I realized it was her who brought me to tje hospital.

'Oo, hi kumusta ka na?' Nakangiting tanong nito.

'Im fine, by the way si Lyka bestfriend ko.'

'Oh hi, I remember her. So what are you guys doing here?' She asked.

'Ahh we're having lunch with our boys. Ikaw?' Balik tanong ni Lyka.

'Ahh I had lunch with my brother.' Sagot nito. She's really pretty. 'Pauwi na nga ako eh'

'Ganun ba? Sayang naman. Ipapakilala pa naman sana kita sa fiancee ko' I stated.

'Naku, im kinda in a hurry kasi. Next time nalang. But here's my calling card' may dinukot ito sa bag at ibinigay sakin.

'Awwee thank you. I should call you next time. Its nice to see you'

'Yes. See you around, bye Sapph, Lyka' paalam nito at tumango lang kami ni Lyka. Pumasok na kami sa restaurant.

'She's really nice and pretty' Lyka said ng maupo na kami.

'She is.' May lumapit na waiter samin at kami na ang nag-order para kina Seb, di rin naman nagtagal at dumating na rin sila Liro, abala na kami sa pag-uusap tungkol sa trabaho kaya di ko na nabanggit kay Sebastian na nagkita kami ng babaeng nagdala sakin sa hospital.

Everything seems perfect the way I want it to be... but I guess fate has other plan for us.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon