Kanina pa kami nakauwi pero kanina ko pa napapansin na parang wala sa sarili si Sebastian, sa kotse palang ay di na siya umiimik pero hinayaan ko nalang kasi baka napagod din siya.
'Babe? Lets sleep na?' I said while he's checking his emails
'Sige na babe, mauna kana may gagawin pa kasi ako' he answered and I just nodded.
Pumwesto na ako sa pagkakahiga at iniisip ko kung anong nangyari kay Sebastian eh kanina naman okay na okay siya, nagbago lang ng dumating si Cheska. Bakit kaya? Ayaw niya kayang nakikipagkaibigan ako sa kanya?
Im about to drift away when I felt his weight in our bed, maya maya ay nakayakap na siya sakin and he burried his face on my hair.'Bakit?' Tanong ko while he's hand is busy rubbing my belly.
'I love you.. you and our baby' sagot nito and I smiled involuntarily.
'I know.. babe whats bothering you?' Hinarap ko siya and he planted a gentle kiss on my lips.
'Babe.. ' niyakap niya ako ng mahigpit at ibaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. 'Im sorry kung nasaktan kita noon.. at natatakot ako na baka masaktan kita ulit. Natatakot akong iwan mo ako ulit.
'Babe, the twin of happiness is sadness. The twin of joy is pain, and in a relationship, hindi mo maiiwasang makasakit at masaktan dahil wala namang perpektong relasyon babe but since we're almost a family now, kunting push nalang eh makikita na natin si baby Shanina, wag kang mag-alala, through thick and thin tayo.' Sagot ko sa kanya.
'Thank you babe.. thank you so much' nakatulog kaming magkayap at wala akong planong bumitaw. Walang wala, hindi ko alam kung anong gumugulo sa kanya pero mananatili kami ng anak ko sa tabi niya dahil ang anak namin ang nagdudugtong samin ni sebastian.
2 months after we got married ay mas lalong lumambing sakin si Sebastian at lahat ng ginagawa niya ay nagpapasaya sakin, lahat!
'Babe? Can you please remove the blindfold na?' Reklamo ko habang papasok kami sa unit.
'No pa, sandali nalang to..' inalalayan niya ako hanggang sa huminto kami 'wag ka munang maninilip ha? Dont open your eyes until I told you to do so' unti-unti niyang tinanggal ang blindfold.
'Can I open my eyes na?' I asked.
'Sige na babe, open your eyes.' He replied and I gently opened my eyes.
'Happy birthday....' nabigla ako ng makita kong nasa loob ng unit ang mga officemates ko at sila Lyka and Liro, and of course si mommy. I cant hide my smile at napayakap ako kay Sebastian and he kissed me.
'Happy birthday my love, my one and only, my wife, my life, my Sapphire' my tears fell because of the happiness that he's constantly giving me. Nagsimulang maghiyawan ang mga kaibigan ko kaya bumitaw na muna ako at nagpasalamat sa mga taong nandito at never ending greetings kaya I took time to say thank you.
'Happy birthday anak.. I love you'
'Thank you mama.' Niyakap ako ni mama at pupunta na sana ako sa kusina ng maramdaman kong mejo nanikip ang tiyan ko pero binalewala ko lang.. maya-maya ay sumakit ang tiyan ko kaya pumasok muna ako sa kwarto ng mabusy si Sebastian.
'Baby, bakit? Mejo sumasakit kasi baby. May problema ba?' Hinimas ko ang tiyan ko at mejo tumigil naman ang sakit ng tiyan ko so I took a deep breath bago tumayo.
'Babe? May problema ba?' Biglang pumasok si Sebastian,
'Wala naman babe, halika na. Baka hinahanap na nila tayo.' Saad ko at kumapit ako sa braso niya at inalalayan niya akong lumabas.
'Sapph.. blow your cake na.' Sambit ni Lyka so I stood in the center while Seb is holding the cake. I closed my eyes and wish.. Lord, wala na siguro akong mahihiling para sa sarili ko pero para nalang sa anak ko.. good health lang para sa baby girl namin. Then I opened my eyes 'thank you' then I blew the candle at nagpalakpakan na sila.
'Happy birthday ulit.' Nakakatuwa naman ang mga nangyayari ngayon, nasa paligid ang mga taong mahal na mahal ko.
'Happy birthday again Sapph, so uuwi na rin kami at kami nalang ata ang naiwan' I hugged Lyka tight, nagsiuwian na rin kasi ang mga bisita.
'Sige Lyk, thanks for coming.' Hindi na namin sila hinatid dahil mejo napagod na rin ako at dapat nadaw akong magpahinga sabi ni Sebastian.
Minsan may mga plano talaga ang Panginoon sa buhay natin, pararanasin ka niys ng sakit para mas maappreciate mo yung mga taong hinding hindi susuko sayo at mamahalin ka parin. Minsan din kailangan mo lang magpatawad dahil ang kapatawaran ay ang tanging paraan para mapalaya mo ang sarili sa sakit.
Everything in my life are falling into places. I have my family, my friends, I have a loving husband and we are expecting a lovely child.
What else could go wrong in my life?
Everything could....
AUTHOR'S NOTE
Hello readers, im not sure kung nagugustohan niyo na ang flow ng story na to but im taking a risk because there's a huge changes in the next few chapters of LOVE AND MISERY. Saka may switch of personalities and traits of the characters din.
Im always a fan of happy endings naman but I just thought to put some spice in my story.
Saka kung napapansin niyo na konti lang ang POV ng lalaki yun ay dahil hindi ako masyadong marunong pag lalaki na.
And my last concern is hindi po ako nag-eedit minsan kasi may tamad problems na po ako pagdating sa editing kaya pagpasensyahan niyo na ang wrong grammars at spellings minsan.
Thank you guys for reading.
![](https://img.wattpad.com/cover/34698692-288-k627366.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
DragosteDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?