Ang sakit ng makita ko silang magkasama sa mall kanina.. hindi ko maintindihan ang sarili ko.. bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako? Hindi na ba matuto ang puso ko? Kumulo ang dugo ko ng makita ko si cheska.. hayop sya.. anong klaseng babae ba siya? Putang ina niya.. pinatay nila ang anak ko.. sinira niya ang pamilyang binuo ko, sinira niya ang buhay ko..
'Ill make her pay for everything,' biglang bulalas ko at lumingon sakin si Lyla.
'Ano raw?' Tanong ni Liro na nagmamaneho.
'Ano Sapph?' Nilingon ako ni Lyka
'Pagbabayarin ko si Cheska.. tama ka.. ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasaklap ang maging kabet.' I said at nagkatinginan si Lyka at Liro.
'Babe, bilisan mo nga ang pagmamaneho.. kelangan naming mag-usap ni Sapphire.' Baling ni Lyka sa asawa.
'Babe dont tell me-'
'Tumahimik ka. Ayokong makarinig ng unsolicited advice.' Napakamot sa ulo si Liro at maya-maya lang ay dumating na kami sa bahay nila.
'Babe.. manood ka ng series ng game of thrones.. wag mo akong kakausapin muna.' Sambit ni Lyka
'Ano? Ano na namang pinaplano mo? I mean niyo?' Lumingon sya sakin.
'Pssshh.. sige na at... wag na wag kang chichismis kay Seb.. malilintikan ka sakin' walang nagawa si Liro kundi ang umakyat sa kwarto nila.
'So anong plano mo?' Baling ni Lyka sakin
'Ill talk to them regarding the annulment.. ill meet them under unexpected circumstances. Pagbabayaran ni Cheska ang ginawa niyang pagsira sa pamilya ko' napakuyom ang palad ko sa sobrang galit na nararamdaman ko kay Cheska ngayon.
'Sigurado ka na ba jan Sapph? Baka pagdating ng panahon eg matalo ka ng sarili kong emosyon?' Paniniguro ni Lyka.
'Oo, I already did the first step.' Halatang nagulat si lyka.
'What do you mean?'
'I sent him an e-mail, I told him that i wanted an annulment and that I already consulted an atty.' Simpleng sagot ko 'I even send it to Cheska. Sigurado akong nagbubunyi ang demonyong yun ngayon'
'Akala ko ba patatagalin mo?'
'Oo naman, my first step is to kill her hope of becoming Mrs Del Real.. in the most brutal way.' Sagot ko and I can feel my blood rose..
Kinabukasan ay agad akong kumunsulta sa abogado ko para mapatibay ko ang kaso ko.. hindi ako papayag na basta basta nalang kaming maannul na hindi manlamg sila pagpawisan.
'Atty. Sanchez.. Im Sapphire Del Real and this is my friend, Lyka Almazon' we shook hand and she offered us to sit. 'Thank you'
'So, you are against the annulment?' Tanong nito at tumango ako.
'Ano pong pwedeng gawin para pigilan ang annulment? Saka may posibilidad po ba na maannul agad ang kasal namin kahit ayoko?' Tanong ko. Hindi ako pwedeng pumunta sa isang gyera na walang dalang bala.
'In your case, since you are against the annulment ay magkakaroon ng mahabang proseso para jan at hindi na nakasalalay sayo o sa asawa mo amg desisyon dahil ang mismong judge na hahawak sa case ang magdedecide, im telling you Mrs. Del Real.. this process will not be easy lalo na sayo na against ka sa annulment'
'Trust me Atty. Ive been to many battles in life at hindi ang annulment na to ang magpapasuko sakin. By the way Atty. ano ho ang mga posibleng ibato nila sakin para mapanalo nila ang kaso? I dont want to be caught off guard. Gusto ko handa ako sa mangyayari' tanong ko. Heto na to, hindi na ako aatras.
'Since yung party ni Mr. Del Real ang naghain ng annulment may mga tinatawag tayong grounds of annulment, 1st if during the marriage ay walang parental consent or under age but in your case, pareho na kayong nasa tamang edad o kaya naman pwede nilang gamiting ground if you are physically incapable of consummating marriage, o kaya pwede ring gamiting grounds for annulment if one party involve in marriage has mental illness.' Paliwanag ng abogado.
'Eh atty. paano ho kung gamitin nila yung pagkawala ni Sapphire ng mahigit isang taon?' Tanong ni Lyka at napalingon ako agad sa abogado.
'Well the separation of a couple either with or without communication is not considered as grounds for annulment so malamang hindi nila pwedeng gamiton yun given the fact na andito ka naman.' Napatango ako at laking pasasalamat ko na hindi ito pwedeng gamitin laban sakin.
'Paano ho kung may makita silang lusot? Ano hong pwede kong gawin?' Tanong ko.
'If ever magkaroon sila ng malakas na laban ay wala kang ibang choice kundi ang kasohan ang asawa mo' sagot nito at lumingon ako kay Lyka.
'Ano po ang ibig niyong sabihin?' Tanong ni Lyka.
'Hindi ba ayun sa statement mo ay kaya gusto niya ipaannul ay dahil gusto niyang magpakasal sa iba at ayun din sayo ay may meron na siyang mistress during your marriage?' Tumango ako at hinawakan ni Lyka ang kamay ko, I gave her a reassuring smile. 'Kung meron kang sapat na ebidensya ay pwede natin siyang kasohan ng concubinage.'
'Malakas ho bang ebidensya ang pagkakaroon niya ng anak sa babae?' Tanong ko.
'Pero patay na ho ang bata' nawindang ako sa narinig ko at napalingon kay Lyka, hindi ko alam. Dahil buong akala ko ay may anak na sila ngayon.
'Well, if may proof naman na anak niya nga sa asawa mo ang bata ay pwede pa ring gamitin yun laban sa kanya. But, kasal na ba kayo ng magkaroon sila ng anak?' Matiim na nakatitig sakin ang abogado.
'B-bakit po?' I asked.
'If he had a child before the marriage then we cant used it against your husband, however if you have concrete evidence that he is seeing his mistress during the marriage, we could still used that as a strong evidence against him' malumanay na paliwanag nito, matapos kung malaman na patay na ang bata, siguro kahit nabuntis niya si Cheska nung kasal na kami ay hindi ko parin gagamitin ang anak nilang namatay laban sa kanila, wala na rin akong anak at hindi ko maaatim na gamitin ang alaala ng isang anghel para makuha ang gusto ko.
'I have to warn you that a long annulmemt case is costly Mrs. Del Real.' Tumitig sakin si Lyka.
'Wala pong problema Atty. kahit magkano ho' i replied.
'Kung ganun will proceed to your case at magpapadala narin tayo ng notice sa kabilang parties.' Tumayo ang abogado at tumayo na rin kami ni Lyka.
'From now on, we'll work together on your case Mrs. Del real, thank you for trusting me.' We shook hands and I said thank you before w left.
Nasa sasakyan na kami ng magsalita si Lyka.
'Eh paano yan? Hindi ba wala ka pang trabaho? Paano mo susuportahan ang kaso mo?' Tanong nito habang nagmamaneho.
'I dont need to work if im a daughter of a multi-billionaire business tycoon Lyk' I smiled at her at muntik na kaming mabunggo ng bigla bigla itong nagbrake..
'Jusko Lyka.. ano ba? You're getting us killed.' Bulalas ko.
'S-sandali lang. Nagbibiro ka ba? Anong ibig mong sabihin?' Gulat na tanong nito.
'Im Sapphire Marie Barromeo.. youngest daughter of Leandro Barromeo.'
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?