CHAPTER 13: SAPPHIRE

195 2 0
                                    

'Kasal pa siya sakin? Kaya paano sila magpapakasal?' Hindi ko mapigilang magtanong.

'Yun nga sana ang sasabihin ko kaya lang..' huminto si Lyka ng bumalik si Liro.

'What are you guys not telling me?' Tanong ko at nakita kong siniko niya si Liro.

'Ako talaga?' Tumango tango lang si Lyka. 'Ahh ehh kasi matagal ng nagtatanong si Cheska.. '

'Ayy ayoko talagang naririnig ang pangalan niya.' Nagtakip ng tenga si Lyka.. pero sandali..

'Cheska? S-sinong Cheska?' Maang kong tanong.

'Si Cheska.. yung Cheskang naging dahilan ng hiwalayan niyo noon, yung Cheskang nagdala ng isa pang anak ni Seb at yung Cheskang pakakasalan niya ngayon ay iisa... aray!' Bulalas ni Liro ng batukan siya ni Lyka.

'Gago ka talaga' lumingon si Lyka sakin at uminom muna ako ng isang basong tubig dahil parang natuyo ang lalamunan ko. 'At ang bruhang yun, hinahanap ka dahil gusto niya ng asikasuhin ang annulment niyo ni Seb' annulment?

'S-sandali.. parang sumama ang pakiramdam ko.. m-mauna na muna ako sa inyo' tumangkang tumayo si Lyka pero pinigilan siya ng asawa niya at malaya akong bumalik sa kwarto ko at pagkasara ng pinto ay tumulo ang mga luha ko.. ipapaannul niya na ang kasal namin? Kung tutuusin matagal na kaming hindi nagkikita at tanging ang kasal nalang namin ang nagdudugtong samin, ako ang lumayo at ako ang lumimot sa lahat ng sakit na dinulot nilang dalawa tapos ngayon? Ngayon magpapakasal sila? Hindi ko alam na ganito parin pala kasakit dahil akala ko noon, kaya ko na. Hayop ka Seb, napakawalang hiya mong lalaki ka. Wala kang konsensya.. wala kayong konsensya.. sinusunog na ss impyerno ang mga kaluluwa niyong dalawa.

'Ano? Papayag kang ipaannul ang kasal niyo? Aba naman Sapph, oo alam kong gago si Seb at dapat lang na hindi mo na siya balikan pero jusko ha? Ibibigay ko agad ang gusto nila? Ganun ganun lang? Sinira nila ang lahat sayo tapos hindi mo man lang sila pahihirapan? Bigyan mo naman ng malaking sakit sa ulo yang pesteng Cheska na yan' galit na bulalas ni Lyka kinaumagahan. Maagang umalis si Liro kaya kami nalang ang naiwan sa mesa.

'Lyk, ayoko na rin ng kasal nato. Total nandito na rin lang ako ay aasikasuhin ko na ang paglaya ko' I replied.

'Manang, pahingi pa pong kape.. yung walang asukal.' Gusto kong matawa sa tinuran nito. 'Oo deserve mo naman yan kaya lang naman Sapph ang akin lang ay wag mo silang hayaang lumigaya ng ganun ganun nalang. Aba naman, pagkatapos niyang maging kabet ay mapopromote agad siya sa pagiging asawa? Pakyu niya. Bweset siya!'

'Kahit naman patagalin ko ang annulment eh dun parin naman papunta yun.' I commented.

'Pwes, patagalin mo ang pagiging kabet niya, ipamukha mo muna na ikaw ang legal na asawa at siya, ay kabet lang.. Nakuuu, titirisin ko siya..' nanggigil na litanya ni Lyka. 'Kukunin niya sa madaling paraan ang puwesto mo? Naku kung ako sa yo ay paluluhurin ko muna sa asin yang dalawang yan ng isang linggo bago ko pipirmahan ang annulment papers no.'

'Ang brutal mo!' Natatawang sagot ko.

'Mas brutal ang ginawa nila sayo Sapph.. walang kapatawaran, buhay pa sila pero piniprito na sila ng demonyo sa impyerno' tumahimik muna ako dahil ninanamnam ko ang sinabi ni Lyka,

'Wag na Lyk, ayoko na rin pahabain ang pagiging Del Real ko. Sakit na sa ulo ang apelyido niya.' Sambit ko.

'Hay naku, ikaw ang bahala.. naiistress ako sayo. Magshopping nga tayo' she exclaimed at natatawamg tumango lang ako.

Nasa mall na kami ni Lyka at namimili ng bag ng mapansin ko ang isang pamilyar na tindig.. biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. hindi ako pwedeng magkamali.. humarap ang lalaki at parang nalaglag ang puso ko ng masigurado kong siya nga.. Sebastian... hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at naglakad patungo sa direksyon niya ng biglang may babaeng kumapit sa braso nito, si cheska.. nakangiti ito habang may pinapakita kay Seb.. nakatalikod sya sakin at natatakpan ang mukha ni Seb kata di ko nakikita ang mukha nito. Tumalikod ako at dumaloy ang mga luha sa mga mata ko.. ang sakit! Pinahid ko ang luha ng malapit na ako kay Lyka.

'Lumipat tayo ng ibang mall.. ang papangit ng mga nandito' saad ko at sasagot pa sana si Lyka pero nagpatiuna na ako.

'Sapphire hintay naman' tawag ni Lyka at di na ako lumingon.

SEBASTIAN'S POV

Napalinga ako ng tila may narinig akong nagsabing Sapphire pero wala akong makitang babae...

'Hey... gusto mo to? Bagay ba sakin?' Nakangiting tanong ni Cheska.

'Hindi ko alam. Matagal pa ba to? Mauna na ako sayo.' Walang ganang sagot ko at nawala ang mga ngiti niya.

'Seb, hanggang kelan ka ba ganyan? Di ka ba napapagod sa ginagawa mo?' Tanong nito at binitawan ang hawak na bag.

'Ikaw ba Cheska? Hindi ka ba napapagod ipagpilitan ang sarili mo sakin?' Balik tanong ko at napaawang ang bibig niya. 'Mauna na ako, marami pa akong gagawin' hindi na sya sumagot kaya umalis na ako.. gustohin ko mang maawa sa kanya pero hindi ko magawa.. galit ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa ginawa niya sakin. Nang muntikan ng mabankrupt ang kompanya ng daddy ko ay napilitan itong lumapit sa ama ni Cheska dahil may nakapagsabing nagpapautang ito.. pinautang nito si daddy at ginawang colateral ang farm namin sa batangas at ang ibang negosyo niya pero nung hindi na mabayaran ng ama ko ay kinasohan siya ng ama ni Cheska at dun niya nalaman na ako ang anak, ginawa niya lahat para iblackmail ako at ipapakulong daw nito ang ama ko at mawawala lahat ng pinaghirapan namin pati ang farm na pag-aari ng mommy ko, nagmakaawa ang ama ko sakin at dahil may sakit ito at muntikan ng mamatay ng atakihin ay wala akong nagawa.. kelangan kong magsakripisyo para sa kanya at heto ako ngayon.. nakakulong sa isang babaeng kinamumuhian ko.

'Oh akala ko sasamahan mo si Cheska ba't ang aga mong bumalik?' Tanong ni Liro.

'Wala lang.' Sagot ko.

'Tumawag ang daddy mo' Liro muttered.

'Wala akong pakialam' matabang kong sagot.

'He's still your father Seb' kampanteng saad ni Liro.

'Hindi pa ba sapat ang pag-ako ko sa milyon niyang utang sa mga Alcantara para matawag akong anak Liro?'

'Hay naku. Ikaw ang bahala pare.. ahh nga pala.. ano.. ahh anong plano mo sa annulment mo kay Sapphire nung nakaraang araw kasi ay pumunta dito si cheska at nagkasagutan sila ni Lyka dahil gusto niya ng asikasuhin ang annulment' tumayo si Liro at lumipat ng pagkakaupo sa harapan ko.

'Hindi ko alam.. kahit kelan naman hindi ko ginustong ipawalang bisa ang kasal namin. Kahit nung mawala siya pare, halos mabaliw na ako sa kahahanap sa kanya.... yung kasal namin, yun nalang sana ang pag-asa ko na bumalik sya sakin.' Mula ng tuluyan ng umalis si Sapphire ay nawalan na ng direksyon ang buhay ko, naging sunod sunoran ako sa gusto ni Cheska at siguro kung wala si Liro at Lyka para umalalay sakin sa bawat desisyon na gawin ko ay matagal ng nasira ang buhay ko, umabot pa sa puntong binugbog ako ni Liro ng halos hatakin na nila ako pauwi ni Lyka dahil sa sobrang kalasingan ko, araw araw akong lasing nung mamatay ang anak ko at nawala sakin si Sapphire.. kasalanan ko lahat.. napakawalang kwentang tao ko.

'Paano kung bumalik si Sapphire?' Biglang tanong ni Liro.

'Hindi na ako ang lalaking nararapat sa kanya pare, she deserves someone better, a lot better than me.' Bumuntong hininga ako at pinipigilan ko ang sariling lumuha.

'And you think you are not worthy?'

'Oo.. sa laki ng kasalanan ko sa kanya.. sigurado akong siya pa mismo ang magpapaannul sa kasal namin.. baon kami sa utang sa mga Alcantara, at kailangan kong pagbayaran yun. Eto na siguro ang karma ko sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. Isa lang ang halos gabi gabi kong pinagdadasal na sana okay siya.. sana walang nangyari sa kanya dahil ikamamatay ko kung meron'
'Wag kang mag-alala sigurado akong okay siya.' Sagot ni Liro at napalingon ako sa kanya 'd-dahil yun ang pakiramdam ko.'

Nagpaalam na si Liro sakin dahil susunduin niya daw si Lyka kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng e-mails but one email.caught my attention and my heart skip a beat when I saw the sender's name.. Sapphire Del Real..

Subject: Our annulment..

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon