CHAPTER 16: SAPPHIRE

172 2 0
                                    

Parang tuod na nakatayo si Cheska at Sebastian at gustong gusto ko silang pagsasampalin pero kabilin bilinan ni Lyka na kumalma ako dahil magmumukha lang daw akong kawawa kung ilalabas ko ang emosyon ko, stay cool.

'A-anong ginagawa mo dito?' Bulalas ni Cheska, pasimple lang akong tumitig sa kanya.

'Hindi ba obvious sayo, ako ang asawa. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Ano namang papel mo? Abogado ka na ba ngayon?' I stated sarcastically hindi agad ito nakaimik at bumalik sa pagkakaupo.

'Sapphire? K-kelan ka lang nakabalik?' I turned to face Sebastian.. halata sa mukha nito ang pagiging stress, gustong gusto kong haplusin ang mukha niya pero pinigilan ko lang dahil hindi ako nandito para makipagbalikan.

'Atty.?' Baling ko sa abogado.

'So my client here has decided not to sign any annulment paper.. and I advise you to get your own lawyer if ipagpapatuloy mo parin ang annulment' saad ng abogado.. and I stared at Cheska.. halatang nagngingitngit siya sa galit.

'Hindi ka pipirma? Pwes anong rason at pinapunta mo pa kami dito? You are wasting our time sana nagpadala ka nalang ng notice'
Cheska burst in anger.

'Exactly my plan.. to waste your time. Saka nasan naman ang excitement kung ipapaFax ko lang sa inyo? Ayaw niyo nito? Instant reunion.. the Husband..' nilingon ko si Sebastian who's looking intently at me 'the wife.. obviously that's me..and... the mistress' I arched my brow at her at padabog syang tumayo.

'How dare you call me a mistress?' Galit na bulalas nito.

'Bakit? What should I call you pala? The sister? The mother? Oh sige pagbibigyan kita.. edi the other woman, pinahaba mo lang eh.' Kalmang sagot ko.

'Walang hiya ka.' She exclaimed.

'Bakit ikaw meron ka ba?' Tumayo na rin ako at tinapatan ko siya.

'Hayop ka talaga--' Cheska.

'Tama na Cheska.. ano ba tama na' pinigilan siya ni Sebastian

'Save your strength.. mahaba habang proseso pa ang annulment.. you dont want to show in court weak.. right? Mauna na ako, mukhang wala na tayong dapat pag-usapan dito eh..thank you atty.' tumalikod na ako sa kanila.

'Sapph wait..' narinig kong sambit ni Seb kaya binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa umabot kami sa parking lot.'sapph please.'

'Awwee.. kanina ka pa ba nakasunod?' I asked.

'Sapph.. bakit hindi mo pipirmahan?' Tanong nito at ang sarap niyang sabuyan ng muriatic acid sa mukha.

'Bakit? Atat ka ng pakasalan si Cheska? Ha?' Kahit anong gawin ko ay di ko magawang magpigil ng emosyon. Namumuo ang luha sa mga mata ko, mahigit isang taon.. isang taon ko din siyang hindi nakita..

'Kahit kelan hindi ko ginustong-'

'Seb!' Agad kong pinahid ang namumuong luha ng dumating si Cheska. 'Anong ginagawa mo dito?'

'Pwede ba Cheska.. tantanan mo muna ako' Galit na sambit ni Sebastian pero hindi natinag si cheska.

'Anong ginagawa mo dito? Bakit sinusundan mo siya!' Ang kapal, at siya pa daw ang galit.. asawa ang peg?

'Natural.. asawa niya ako eh!' Sagot ko at galit siyang lumingon sakin.

'Pwede ba Sapphire, stop being sarcastic, antagal mong nawala tapos bigla mong sasabihing asawa ka nya? Nagpapatawa ka ba' bulalas nito.

'Tama na Cheska.' Sita ni Seb sa kanya pero hindi sya tumigil.

'Ano bang gusto mong patunayan? Ha? Ano bang pinaglalaban mo? Antagal mong nawala tapos babalik ka para guluhin kami? Ba't mo to ginagawa? Gusto mong patunayan na kaya mo pa syang agawin sakin?' matapang na sabi nito at kumulo ang dugo ko.. ako ang nang.agaw? Taena!

'Dahan dahan ka sa pananalita mo Cheska dahil kung tutuusin hindi bagay sakin ang salitang mang-aagaw dahil sa pagkakatanda ko AKO ANG LEGAL NA ASAWA AT KABET KA LANG!' Sigaw ko sa kanya at akmang sasampalin niya ako ng pigilan siya ni Sebastian.

'Hayop ka.. pagbabayaran mo to. Pagbabayaran mo to' bulyaw nito.

'Talaga? Magkano ba? Handa akong magbayad maisampal ko lang sayo ang realidad na kabet ka lang kaya gumising ka sa kahibangan mo!' Kampanteng sambit ko sa kanya at mas lalo lang siyang nanggalaiti sa galit.

'Hindi mo sya makukuha sakin.. hinding hindi.' Pagmamatigas nito.

'Subukan natin saka pwede ba.. umayos ka nga. Wala pa nga akong ginagawa pero heto ka sa harap ko parang asong ulol na tumatahol.' Magsasalita pa sana siya pero hinila na siya ni Sebastian,

'Ano ba, bitiwan mo ako.. hindi pa tayo tapos.. hindi pa tayo tapos.. ano ba Seb.' Nagpupumiglas ito.

'Pwede ba. Tama na' hinila sya ni Seb palayo sakin.

'Hindi pa tayo tapos' patuloy na sigaw nito kahit nakalayo na siya.

'Talagang hindi pa.. dahil nagsisimula palang tayo.' I whispered to myself before I slid inside my audi.

Parang buhay pa rin ang adrenaline ko sa katawan dahil sa pagkikita namin ng dumating ako sa bahay nila Lyka.. wala si Liro dahil may business trip daw sa Japan, sinalubong ako ni Lyka at di ko mapigilang di humagulgul.. ang sakit pala.. ang sakit pala na nasa harap mo lang ant taong mahal mo pero di mo magawang yakapin.. niyakap ako ni Lyka at pinatahan..

'Tama na.. tama na.. sana sumama nalang ako sayo' she gently tap my spine at mas lalo lang lumalala ang pag-iyak ko.. 'manang.. pahingi pong tubig' nagmamadaling nagdala ng tubig si Manang Lerma.
Pinaupo niya ako at ibinigay ang isang basong tubig.

'A-ang hirap.. ang hirap pala Lyk.. ang hirap magpanggap na matapang sa harap ng taong kinamumuhian mo pero mahal na mahal mo naman. Ang sakit.. napakasakit na hindi na ako ang kasama niyang umuwi.. napakahirap' patuloy ang pagluha ko sa harap ng bestfriend ko.

'Shhhhh.. sige lang.. iiyak mo lang yan.. sige lang' Lyka tap my shoulder and hugged me again. Putang inang puso to, hanggang ngayon nagpapakatanga parin.

Kanina pa ako hinatid ni Lyka sa kwarto ko para pagpahingahin pero heto ako.. walang tigil ang pagluha ko.. miss na miss ko na siya..

'Anak, bigyan mo si mama ng lakas para ipagpatuloy ang laban na to..' niyakap ko ang unan hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Nag-inat muna ako.ng katawan bago bumangon at buksan ang pinto.

'Kumusta ng pakiramdam mo?' Lyka asked.

'Muche better.. pasensya kana kagabi ha?' I said.

'Okay lang ano ka ba.. halika na..' patayo na kami ng pumasok si Manang Lerma.

'Lyka.. may naghahanap sayo sa baba' saad nito.

'Sino daw ho? Ang aga naman ata' nagtatakang saad ni Lyka

'Cheska daw' at nagkatinginan kami ni Lyka.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon