CHAPTER 34: SEBASTIAN

155 2 0
                                        

Nailipat na ng private room si Sapphire pero tulog pa rin siya hanggang ngayon, ang sabi naman ng doctor wala daw ako dapat ipag-alala dahil minor injuries lang naman daw ang natamo ni Sapphire. Maya-maya ay pumasok na si Liro, siya na kasi ang bumalik sa rancho para matignan ko si Sapphire..

'hindi pa ba siya gumigising?' nag-aalalang tanong ni Lyka.

'hindi pa, dahil daw yan sa gamot.'

'ganun ba, may dala akong kape' inilapag nito ang apat na starbucks sa side table at may dala din itong pagkain.

'pare, sa labas muna tayo' tumango ako tinignan si Sapphire.

'sige na, ako ng bahala kay Sapph.'

Hinihintay ako ni Liro sa labas, he pocketed his two hands at napalingon ako sa kanya dahil halatang balisa sya.

'ano daw?' tanong ko.

'may napansin daw ang mga trabahante na may isang lalaking lumabas sa rancho bago tayo dumating, sakay ng isang itim na toyota..'

'nakuha nila ang plate number?'
nakakunot noong tanong ko.

'hindi daw eh, akala kasi nila nagpabook lang' natahimik ako saglit.. 'Sino ang pwedemg gumawa nito pare? Isinaalang alang nito ang buhay ni Sapphire'

'tatawagan ko si Nico..' Classmate ko dati sa highschool si Nico, businessman ito ngayon pero may kapit ang pamilya sa NBI..

'gising na si Sapphire' naputol ang usapan namin ng lumabas si Lyka, nagmamadali akong pumasok sa loob, inabutan ko siyang humihigop ng kape.

'babe..' lumingon siya sakin at nilapag ang kape sa mesa, niyakap ko sya ng mahigpit. 'may masakit ba? should I call the doctor?'

'wag na.. okay na ako' sagot nito.

'sigurado ka Sapph?' Tanong ni Lyka.

'Oo Lyk... salamat.' tumingala sya sakin at parang gusto kong pumatay ng tao ng makita ang pasa niya sa mukha at sugat sa noo.

'I could kill him' hindi ko mapigilang manggigil.

'shhh... okay na ako babe.' Bumuntong hininga ako at naalala kung gaano kalaki ang nadama kong takot ng makita ko siyang walang malay sa lupa..

Isang gabi lang siyang nanatili sa hospital at pumayag na rin sila Liro na mauna na kaming umalis ng tagaytay para maipahinga na rin ni Sapphire ang katawan niya....hindi ko na sinabi sa kanya ang posibilidad na may nagtangka sa buhay niya dahil ang paliwanag din ng secuirty sa Rancho ay baka may nakaiwan lang o kaya baka may taong wala lang magawa sa buhay ang gumawa non.. tulog na si Sappire sa kwarto namin at nandito pa ako sa terrace, nagpapahangin.

'Imposible... hindi niya magagawa to.. alam kong kaya niyang gumawa ng kalokohan pero hindi niya magagawang ilagay sa peligro ang buhay ng tao.. no, hindi niya to magagawa!' sana nga.. sana nga may taong wala lang magawa sa buhay ang gumawa nun, nilagok ko ang isang baso ng alak bago pumasok sa loob ng kwarto, dahan-dahan akong tumabi kay Sapphire na mahimbing na natutulog.

Mabilis na dumaan ang isang linggo at mejo naghihilum na ang mga sugat sa mukha ni Sapphire, nasa loob kami ng kwarto at nanonood ng movies ng may magdoorbell.

'ako na..' saad ni Sapphire.

'you sure?' tumango lang ito kaya hinayaan ko na.. narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na narinig na nagsalita si Sapphire, agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.. inabutan ko siyang nakatayo at kaharap si... Cheska!

'anong ginagawa mo dito?' tanong ko.. saka lang lumingon sakin si Sapphire at Cheska pero binalik niya rin ang paningin sa asawa ko.

'hindi ako nagpunta dito para manggulo.' malumanay na saad nito.

'So anong ipinunta mo?' lumapit ako kay Sapphire at hinawakan ang kamay niya.

'pwede ko bang hiramin si Sebastian?' dun naman ako napalingon kay Cheska.

'you mean ang asawa ko? hihiramin mo ang asawa ko?' Diniinan ni Sapphire ang salitang asawa, Cheska took a deep breath..

'Oo sana.. hihiramin ko ang asawa mo Sapphire, kahit saglit lang'

SAPPHIRE'S POV

Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil pumayag akong mag-usap sila, hindi ko alam kung bakit niya ako napapayag.. minsan tuloy nabebweset ako kung bakit ako lumaking mabait. ayan tuloy, ako ang hindi mapakali ngayon kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Lyka.

'Oh tapos? pumayag ka? ay bakit naman?' halatang naiinis si Lyka 'sana pinagtabuyan mo'

'Lyka naman. kilala mo ako, tao siyang pumunta dito alangan naman tratuhin ko siyang hayop..' nanahimik ako saglit at nag-isip 'well given na nga na hayop siya, isang malaking hayop pero syempre, iba parin naman yung maayos siyang pumunta dito eh'

'hay naku, kunsabagay nga naman'

'saka-' naputol ang sasabihin ko ng may magdoorbell.. 'sandali Lyka ha, baka si Seb na yan.'

'ganun? Nakabalik agad?' tinungo ko ang pinto pero ng buksan ko, wala namang tao.

'hello? hellooooo? san na yun?' pagtataka ko.

'bakit?' tanong ni Lyka sa kabilanh linya.

'wala naman tao eh.. baka mga bata lang sa kabilang unit'

'ayy naku, pumasok kana sa unit niyo Sapph..' Nagkibit-balikat nalang ako bago isinara ang pinto.

'Ayy continue na nga tayo sa pinag-' hindi ko na naman natapos ng magring ang phone namin sa unit.

'Oh? ano na naman yan?' si Lyka.

'ahhh.. saglit lang Lyk ha, sasagutin ko lang..' Kinuha ko ang phone sa center table 'Yes hello?'

Tawag mula sa receptionist yun, may nag-iwan daw ng bulaklak sa baba, nagtataka ako kaya nagmadali akong bumaba saka tinapos ko na muna ang usapan namin ni Lyka, lumapit ako sa reception area.

'Miss Del Real?' tanong nito.

'Ahh oo..'

'namatayan po pala kayo?' nagulat ako sa tanong niya.

'ha? ah-ahh anong ibig mong sabihin?'

'Guard.... andito si Mrs Del Real.' may lumapit na guard samin at dinala ako kung saan inilagay ang bulaklak.. pero hindi paman kami tuluyang nakakalapit ay napahinto ako ng makita ang tinutukoy nitong bulaklak at naalala ko ang sinabi ng recetionist 'namatayan po pala kayo?'

's-sandali lang guard.. b-bakit?'

'eh, kayo po ang receiver niyan maam eh, nagtaka nga din po kami eh.' napakamut sa ulo ang guwardiya at parang tinambol sa kaba ang puso ko... Bulaklak sa patay?

'Sino ang gagawa nito?' galit na bulalas ko sa reception area..

'naku maam, kasi delivery boy lang po ang nagdala niyan maam eh saka iniwan po to' may inabut siyang card sakin.. My hands are shaking when I accepted the card, umupo ako sa isang sofa s may lobby at binuksan ang card..

'Buti hindi ka napurohan sa Tagaytay.. wag kang mag-alala gagalingan ko sa susunod.. Condolence in advance..' napahiyaw ako at nabitawan ang card.. agad akong nilapitan ng ibang staff ng buiding..

'Sapph? Sapph.. babe a-anong nangyari?' napakapit ako kay Seb ng niyakap niya ako..

'Someone...wants me...dead.' then I felt him stiffened.

LOVE AND MISERYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon