CHAPTER 39: SAPPHIRE

159 3 0
                                    

Parang gusto ko siyang kalmutin, sipain at iuntog ng ilang beses sa pader.. hayop sya, hayop siya.. anlakas ng tibok ng puso ko habang pinapanood ko siyang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko.

'Nagugulohan kana? Bakit? hindi mo ba to pinlano ng mabuti?' I mocked him and he stared at me.. I just gave him a straight face.

'Tumahimik ka! Sa tingin mo aabot ako sa ganito kung hindi ko to pinlano ng mabuti? May magagawa ba yang pagtatapang-tapangan mo kung ngayon mismo barilin na kita? nanlilisik ang mga nito at kahit sobrang takot ang nararamdaman ko, hindi ko pinapahalata.

'Kasabwat mo si Cheska? Mga walanghiya kayo!' bulyaw ko sa kanya at lumapit siya para sampalin ako, napaimpit ako sa sakit ng dumapo ang palad niya sakin.

'Sa tingin mo may oras pa para makapag-isip si Cheska ng ganitong plano eh wala na siyang ibamg ginawa kundi ang habulin ang inutil mong asawa.' he yelled at me and I feel like crying but I held back my tears.. hindi makakatulong sa sitwasyon ko ang pag-iyak.

'Malamang hinuhuli na si Cheska ngayon dahil siya ang pagbibintangan.. ikukulong nila ang anak mo dahil sa kagagawan mo.'

'Edi mabuti.' I was taken aback by his responsed and he laugh.. demonyo! 'Nagulat ka? Bakit? akala mo iiyak ako at magmamakaawa sa harapan mo na patawarin ako dahil tinatakot mo akong ikukulong ang walang silbi kong anak? Edi mas mabuti nga yun eh dahil siguradong hindi nila ako pagdududahan.'

'Anong klaseng tao ka.. bakit mo to ginagawa?' Sinusubukan kong kumalma dahil hindi ako makakapg-isip ng maayos kung magpapadala ako sa kaba ko.

'Bakit? Akala mo may pakialam ako sa bweset niyong buhay pag-ibig? WALA! Pero dahil sayo.. dahil sayo' napalunok ako ng ituon niya sa direksyon ko ang baril na hawak niya. 'Kumalat sa media na babagsak na ang kompanya ko, ang kompanyang pinaghirapan ko at ang gago mong ama, ilang beses akong ininsulto matapos kong magmakaawa na wag niyang ireject ang deal.. lahat yun dahil sayo.. kung babagsak ako.. kasama kitang ililibing sa hukay ko.' inilapit niya sakin ang mukha niya, kahawig niya si Satanas.

'Pweh..' napamura siya ng dinuraan ko ang mukha niya.

'Hayop ka..' napasigaw ako sa sakit ng sinuntok niya ako sa tiyan.. Walanghiya kang matanda ka! I wanted to say but Im suffering from too much pain kaya hindi ko magawang magsalita. 'Sige, galitin mo pa ako at baka makalimutan kong magpigil at bigla kong kalabitin ang baril nato sa ulo mo' I gritted my teeth and clenched my fist...

'Pagbabayaran mo to...' I mumbled at akmang sasampalin niya ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki na kasamang kumidnap sakin.

'Boss.. kanina pa nagri-ring ang selpon mo' napakamoy ito sa ulo ng ibinigay ang phone sa matandang demonyo.. lumabas ito at naiwan akong umiiyak sa sakit..'ikandado niyo yan' narinig ko pang sigaw nito. Napapikit ako at nagdasal..

Jusko.. ikaw ng bahala sakin..

CHESKA'S POV

Isang araw na mula ng mawala si Sapphire, gustohin ko mang makatulong ay hanggang dun lang ang impormasyon na maibibigay ko. Oo sa LA UNION ang huling nakita ko sa laptop ni daddy pero walang specific place ang nakalagay kung saan niya banda dinala si Sapphire. This time sinamahan na ako ni Derrick at Amy sa unit nila Seb.. hindi parin umaalis sila Lyka at mas naging abala ang mga otoridad sa pagpaplano, halos walang tigil ang pagring ng mga phone nila.

'Sumagot na ba ang daddy mo?' mahinang tanong ni Sebastian.. nung isang araw pa siya hindi natutulog at laging aburido..

'Hindi pa Seb.. pero sinusubukan ko.' kagabi pa nila ako inuutusan na subukang tawagan ang daddy ko dahil kapag sumagot ito ay agad nilang mati-trace ang location niya, tuso ang daddy ko.. alam kong hindi niya to sasagutin pero hindi pa rin ako tumitigil.. eto nalang ang alam kong paraan para makatulong sa kanila.

'kumain ka muna Cheska... ako ng bahalang kumontak sa daddy mo' Amy stated.

'Okay lang Amy.. hindi ako gutom.'

'Wag mong iisiping kasalanan mo Cheska.' hinawakan ni Derrick ang kamay ko and I just gave him a reassuring smile.

'Kahit san banda mo tingnan, isa ako sa dapat sisihin.. ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng to eh.' I cried and he embrace me tight.

'hindi mo to ginusto Cheska.. walang may gusto nito.' hinagod niya ang likuran ko.

'Oo Derrick... alam ko.. hindi ko to ginusto pero kasalanan ko to..kasalanan ko.' walang oras na hindi ko sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari.. Hinding hindi ko inakala na aabot kami sa ganito.. na magagawa ni daddy ang ginawa niya, oo galit siya sa mundo mula ng mawala ang mommy ko but I never thought that he could commit a crime like this.. It never occured to me that my father is capable of kidnapping someone but I cant help but blame myself, I was the one who triggered him to do such horrible thing.. I fvcked up.. Big time! Natigilan ako ng sumigaw si Lyka.

'SAPPHIRE? OH MY GOD.. SAPPH. HELLO...' Napalingon kaming lahat kay Lyka na parang nabuhayan ng loob.. agad na tumakbo sa kanya ang ibang pulis at may kinabit sa phone ni Lyka..

'Akin na' inagaw ni Sebastian ang phone.. at sumenyas ang isang officer na walang magsasalita. 'Sapph.. babe...' niloudspeak ni Sebastian.

't-tulong... m-may nakkakakarinisnshjsmdkdu..' hindi maayos ang mga salita ni Sapphire siguro dahil nasa lugar siya na wala masyadong signal.

'Sapphh.. baby... nasaan ka? please talk..' sumenyas ang officer na ipagpatuloy ang usapan nila habang tinitrace ang location..

'Keep her on the line...' bulong ng officer.. 'hold on to her as long as you can..' he added.

'L-Lyka.. na-naririnig-mo b-ba ako.hxusbhxbxybdyxbxghsai' si Sapphire.

'Baby.. please.. just talk.. are you okay? .. babe... talk to me..' walang tigil ang patak ng luha ni Sebastian habang kausap si Sapphire at nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa lalaking nagti-trace ng location niya.. lihim akong nagdadasal... Please... trace it.. do it!

'Babe.. where are you.. can you hear me? Saphh baby...' his voice is shaking.

'Got it.. I got her location..' then Sapphire's line went out.. Nakahabol, thank God

'Now men.. move..' Daddy.. I thought upon realizing that her location is also my father's location.

'please dont hurt him..' I weakly murmured to the head of the operation.

'That we cant promise...' bigla akong nanlumo sa narinig ko.. Oh dad.. what have you done.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon