CHAPTER 19: SEBASTIAN

189 2 1
                                        

Kanina pa ako hindi mapakali at hinihintay siya dito sa labas ng building, nagtext kasi si Lyka na sunduin ko daw sa baba si Sapphire dahil marami daw tong dala at hindi na siya makakasama dahil mag-s-skype nadaw sila ni Liro. Parang mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko ng makita ko siyang lumabas sa kotse, agad akong lumapit sa kanya.

'Kaya ko na' galit na saad nito ng kukunin ko sana ang maleta.

'Mabigat yan Sapph' pagpupumilit ko.

'Kaya ko na sabi.' Matigas na sagot nito.

'S-sige.' Nasa likod nya lang ako habang naglalakad kami. 'Sabihin mo lang kung nabibigatan kana' hindi na siya umimik kahit halata namang mabigat ang dala niyang bagahe kaya kahit ayaw niya ay bigla kong kinuha sa kanya ang bagahe at bahagya pa siyang nagulat.

'A-ano ba.. ' dirediretso akong naglakad. 'Sabing kaya ko na' reklamo nito.

Tahimik lang kami pareho habang nasa loob ng elevator, kabadong kabado ako dahil napalapit niya sa dibdib ko, puno kasi ang elevator.

'M-mauna kana' saad ko ng dumating na kami sa 10th floor. Hindi na siya umimik hanggang nakarating kami sa unit namin, ilang minuto din kaming parehong nakatayo sa harap ng pinto at bitbit ko parin ang dalawa niyang bagahe.

'A-ang.. ' nauutal na saad nito.

'Ahh oo.. aaahhm a-anniversary natin' tanong ko at pipindot na sana sya pero bahagya siyang nahinto.

'Ikaw na.' Matipid na sambit nito. Pasimple siyang lumingon sakin. 'I forgot na kasi' at parang hinati ng sampung beses ang puso ko.

'G-ganun ba.' Dahan dahan kong nilapag ang dalawang bagahe niya bago ko tinype ang password ng unit.. then the door click open.

Hindi na siya nagsalit ng makapasok kami kaya diretso ko ng dinala ang mga bag niya sa kwarto namin... dati.

'S-san mo dadalhin yan?' Tanong nito

'Sa kwarto natin.. ahh ang ibig kong sabihin sa kwarto mo.' I uttered.

'Dito nalang ako matutulog.' Sagot niya.

'Wag na. Hindi rin ako mapapalagay kung jan ka matutulog alam ko kasing madaling sumakit ang katawan mo pag hindi ka makakatulog ng maayos saka pinalitan ko na ang bedsheet mo, pati ang mga unan, madali ka kasing mangati sa alikabok saka inayos ko na rin ang closet para malagyan mo ng mga gamit mo.' I am trying to hide the tension thats building between us but its hard to move or say something dahil baka isang mali ko lang ay umalis na naman siya ulit.

'S-sige. Salamat' matipid nyang sagot. 'Ahh paki-iwan nalang ng puting bagahe, anjan pa ang mga tea..'

'Ahh may tea na sa ref, bumili na ako. Yung gusto mong twinings? Saka may honey na din jan kasi sigurado akong hindi ka iinum ng walang honey' hindi siya umimik at first pero bahagya siyang lumingon sakin at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya pero doble ang sakit na nararamdaman ko.. ang masayahin kong Sapphire, what did I do to her?

'Paano ka nakakasigurong walang nagbago sa mga gusto ko?' Tanong niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

'Hindi ko alam kung may nagbago o wala pero sigurado ako na may mga bagay na mahirap bagohin... at kalimutan.' Sagot ko bago ako pumasok sa kwarto dahil ang hirap, ang hirap palang magpanggap na okay ang lahat.

'Inayos ko na ang kwarto mo.' Tumango lang siya at hinintay niyang umalis ako sa may pintuan bago pumasok. 'Ahh Sapph..'
Huminto siya pero hindi sumagot o lumingon man lang sakin.

'Goodnight' saglit lang siyang natigilan pero hindi na siya sumagot at sinara niya na agad ang pinto.

Kinaumagahan ay ako na ang nagluto kahit hindi maayos ang pagkakatulog ko. Ayokong paggising niya ay siya pa ang gumalaw. Napalingon ako sa likuran ng marinig kong bumukas ang pinto niya...

'Goodmorning.. nagluto ako ng almusal mo saka may fresh milk na din sa ref, anong gusto mong kaining prutas? Ipagbabalat kita.' Masigla kong bati.

'Hindi mo kailangang gawin yan Seb.' Sagot nito.

'Asawa mo ako kaya-'

'Mag-asawa lang tayo sa papel Seb pero pareho nating alam na kahit kelan hindi na tayo magkakabalikan' sagot nito at hindi ko alam pero parang nawalan ng lakas ang katawan ko sa sinabi niya.

'K-kung ganun bakit a-ayaw mong pirmahan ang annulment paper? Why do you have to go this far kung wala kang plano?' I asked though my heart is bleeding.

'Ayoko lang maging madali ang pagsasama niyo dahil kinamumuhian ko kayong dalawa, lalo ka na, busog nga pala ako.. salamat nalang sa paghanda ng almusal' lumabas siya ng condo at di ko maiwasang maluha.. kalalaki kong tao pero salita lang ni Sapphire ang bilis kong lumuha... kinamumuhian niya ako, hindi siya pumayag sa annulment para pahirapan ako. Sapphire.

Gabi na ng makauwi ako at inabutan ko siyang nagmumukmok sa kusina at may hawak na teacup.

'Hi.. kumain ka na ba? Magluluto ako.. o kaya magpadeliver nalang tayo.' i said.

'Busog ako.' Matipid nitong sagot.

'G-ganun ba? Ahhh m-may dala nga pala akong dvd's baka kasi mabored ka dito. Okay na yung may pinagkakaabalahan ka.' Sinusubukan kong magpakatatag para sa amin ni Sapphire, sinusubukan ko dahol malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya titiisin ko kahit masakit.

Hindi na siya sumagot kaya di nalang din ako umimik. Tahimik akong pumasok sa cr para magbihis ng pambahay at nasa ganung posisyon parin siya ng lumabas ako.

'Hindi mo pupuntahan si Cheska?! She asked.

'H-hindi' I replied.

'Baka sumugod bigla yun dito at magwala' she commented. Hindi na ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot.

Nanonood ako ng dvd at siya naman ay nakaupo parin sa kusina, hindi ko alam kung bakit at kung anong tumatakbo sa isipan niya. Napapalingon ako sa gawi niya pero nagmumukmok lang siya. Maya maya ay tumayo ito hindi ko mapigilang sundan siya dahil alam kong maraming gumugulo sa isipan niya.

'Sapph-'

'Bakit wala kang binago sa bahay?' Nakayukong tanong niya. 'Bakit ganito parin ang ayos ng mga gamit.. bakit Seb!' Lumambot ang puso ko ng humarap siya at may luhang namumuo sa mga maa niya.

'Sapph-' I tried to get near her but she step back.

'Wag kang lalapit.. bakit ganito parin? Sana binago mo, sana pinalitan mo. Sana tinanggal mo na ang mga pesteng pictures natin.. sana.. sana.. ' tuluyan na itong umiyak at nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil ako amg dahilan. 'Bakit ang hirap? Bakit ang hirap hirap makalimut!' Tuluyan na siyang umiyak.

'Sapph.. sorry' thats all I can afford to say, sorry.

'Sana.. sana naaalis ng sorry lang ang lahat ng sakit... ' gusto ko siyang yakapin.. iparamdam sa kanya na kahit kelan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi ko kaya, hindi ko kaya dahil ako ang nagbigay ng lahat ng nararamdaman niyang sakit.

LOVE AND MISERYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon