CHAPTER 4: SAPPHIRE

225 6 0
                                        

Para akong lumulutang sa hangin ng makalabas ako sa hospital. Bakit hindi ko to napansin? Paano nangyari to? Kung hindi pa ako muntikan ng mahimatay ay di ko pa malalaman? Paano kung hindi ako naging maingat dahil wala akong alam? I shook the thoughts away and tried to walk firmly.

'Kaya ko to... kaya namin to' and then I gently rub my palm on my belly. 'Kaya natin to baby' Pumara ako ng taxi pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagtext si mama na pumunta dun si Sebastian, baka andun pa siya at inaabangan ako hindi ko pa siya gustong makita.

'Ano? Eh tarantado pala talaga yang Sebastian Del Real na yan eh. Matapos ka niyang parausan tapos eh nagloko siya? Nag.iwan pa ng lecheng likido niya.' Bulalas ng kaibigan ko, wala naman akong ibang maisipang puntahan kaya dumiretso na ako sa condo nilang mag-asawa.

'Lyka naman, baka biglang dumating si Liro at marinig ka' sita ko sa kanya.

'Naku ano ngayon, buti nga at marinig niya para machismis niya sa gago niyang kaibigan at malaman nito na isa na siyang dakilang ama' bumuntong hininga lang ako habang nagsasalin siya ng tubig sa baso. 'Buti sana kung dakila' dagdag pa nito.

'Hindi ko nga alam kung paano ko to itatago sa kanya eh' bulalas ko.

'Ano?' Sigaw nito at muntik pa tong mabilaukan.

'Dahan dahan naman' I muttered then I took some tissue to offer her.

'Anong sabi mo?' Padabog nitong kinuha ang tissue. 'Teka nga, ano bang plano mo jan sa anak mo ha Sapphire? Anong itatago? Itatago mo sa ama niya? Aba eh nahawa ka na ba sa kagagohan niyang si Sebastian?' She sat across me and crossed her arms above her chest

'Lyka, masyadong malala ang ginawa ni Sebastian sakin, at ano? Ngangawa nalang ako sa kanya na panagutan niya ako matapos ko siyang ilang beses na ipagtabuyan?' I mumble. Matagal bago sumagot si Lyka, kilala ko siya nag-iisip pa siya ng tamang rason na isasampal sa kin, tumayo ako at nagslice ng chocolate cake.

'Sinabi ko bang ngumawa ka?' Sambit nito ng makabalik na ako sa pagkakaupo ko. 'Ang akin lang, pareho tayong lumaking walang ama Sapph at alam natin pareho kung gaano kasaklap ang pakiramdam nun. Saka papagorin mo lang ang sarili mo sa pagtatago, sa tingin mo ba habang buhay kang makakapagtago kay Seb? Knowing him? He could be persistent. At pwede ba you are no longer just Sapphire Amora but Sapphire with a baby so stop thinking about yourself, simulan mo ng kalimutan ang sarili mo dahil may anak ka na. Papayag ka bang lumaking walang daddy yang inaanak ko?' Mahabang litanya nito at di ko mapigilang mapaluha. Oo nga, napakaselfish ko naman dahil ang tanging inisip ko lang ay ang pride ko pero ang kapakanan ng anak ko isinantabi ko lang. Kung itatago ko siya sa ama niya, sisisihin lang ako ng anak ko dahil lumaki siyang walang ama.

'Oh tissue.. hay naku' I gently took the tissue and wipe my tears.

'Hindi ako nag-iisip ng maayos eh' sambit ko.

'Buti alam mo pero syempre hindi kita pangungunahan. Ikaw pa rin ang magdedecide kung kelan mo sasabihin kay Seb saka Sapph, siguro nga slightly gago yang si Seb-'

'Anong slight, gago talaga siya' I added and we both laugh.

'Sira oh eto nga, alam nating gago siya but come to think of it, you've been with him for 3 years at ngayon lang naman siya nakagawa ng mali, I mean hindi sa kinukunsinte ko siya pero friend, kung may tao mang dapat mong kapitan sa pregnancy mo bukod sa sarili mo ay si Sebastian yun. Sigurado naman akong hindi ka niya pababayaan Sapph. Mahal ka nun, siguro nagkamali siya pero mahal ka nun at halata namang nagsisisi yung tao. Kelangan mo siya dahil diba nga sabi nila once na buntis ang babae parang nakalibing na rin ang isang paa nito sa hukay, kelangan mo ng mag.aalaga sayo friend. Gustohin ko mang alagaan ka eh hindi pwede dahil may malaking baby rin akong inaalagaan eh' natatawang saad nito. Ngumiti ako, tama si Lyka bakit ko naman to sosolohin eh pareho naman naming ginawa ni Sebastian to saka hanggang kelan ko siya titiisin? Eh kung yung puso ko halos araw araw siyang hinahanap.

LOVE AND MISERYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon