'Tapos na ang 5 minutes' i entered the room again at mangiyak ngiyak syang lumingon sakin.
'He's not awake yet' sagot nito.
'Cheska, kahit makita ka niya pagkagising niya, hindi mawawala ang mga sugat niya sa katawan.' Mataray kong sagot, kung wala lang siguro akong pinag-aralan kanina ko pa sinapatos tong babaeng to.
'Kailangan niya ako' pagmamatigas nito, I glowered at her at nakita kong hinawakan siya ng kaibigan niya. 'In our case, we-'
'I dont care about whatever fucking case you have but let me remind you that in our case, kasal kami, in my case, I am the wife so let me ask you again, what was your case? Aweee, in your case you are the liar, homewrecker bitch and pathetic mistress.. may add ons ka pa?' I glared at her.
'Tama na Ches.. lets go' hinawakan siya ng kaibigan niya pero nagmatigas siya.
'No.. Sapphire, bitawan mo na siya. Pakawalan mo na si Seb utang na loob, ako ang dapat kasama siya dito..' she pleaded.
'Talaga?' Dahan dahan akong lumapit sa kanya at akmang pipigilan ako ni Lyka ay huminto ako sa harapan ni Cheska.
'Magiging masaya ba si Seb sayo Cheska kung pakakawalan ko siya?''Mas kaya kung-' hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil isang malutong na sampal ang tinanggap niya mula sakin.
'Magiging masaya? Kinulong mo si Seb sa isang relasyon dahil sa pagkakautang ng ama niya sa pamilya mo, kinulong mo siya sa isang relasyon gamit ang impluwensya ng ama mo, nung madisgrasya siya alam mo kung saan siya papunta? Sayo! Para ipamukha sayo kung gaano ka kalalang babae, kung gaano ka kasama. Baka nagtataka ka kung bakit alam ko, nabasa ko lahat sa cellphone ni Sebastian, sinira mo ang pagsasama namin, ang kaligayahan namin, sinira mo ang buhay nating lahat.. ngayon sabihin mo sakin na magiging masaya siya sa piling mo? Napakamakasarili mo Cheska.' My tears are starting to flow from my eyes at hawak hawak pa rin ni Cheska ang pisngi niya. 'Hanggang saan tayo dadalhin ng kasakiman mo? Pero kahit saan, hindi kita uurungan. Magkasubukan tayo Cheska.. tingnan natin kung saan tayo dadalhin ng pagmamahal mo!'
'Ipinaglaban ko lang kung anong akin Sapphire.' She said, ngayon pareho na kaming lumuluha..
'Wala namang sayo Cheska.. walang sayo.. hindi mo siya pag-aari at kahit kelan hindi siya magiging iyo dahil magkamatayan man tayo, hinding hindi ko siya isusuko..' I wipe my tears and turned my back on her.
'Ang damot mo Sapphire.. ang damot mo!' She whispered.. but enough for me to hear..
'Wala kang karapatang sumaya. Umalis kana kung ayaw mong dito pa mismo sa hospital tayo magkagulo.' Hindi sana siya aalis pero hinila na siya ng kaibigan niya. Maya-maya a pumasok si Lyka sa kwarto at hinagud ang likuran ko.
'Ngayong alam mo na? Anong plano mo?' She asked at napalingon ako kay Sebastian.
'Lyka bakit ganun? Bakit kahit alam ko na, bakit hindi nawawala ang galit ko sa kanya? Bakit nandito parin' umiiyak na tanong ko kay Lyka. She hugged me at nakuntento na akong umiyak sa yakap ni Lyka.
Kinaumagahan ay nakalabas na si Seb sa hospital. Hindi na nakasama si Lyka dahil sinundo niya daw si Liro kaya ako na ang nag-asikaso kay Seb.
'K-kaya ko na.' Pagpupumilit nito ng makarating kami sa condo.
'Hindi mo kaya Seb.' Sagot ko. Inalalayan ko siyang maupo.
'Salamat..' sagot nito at di na ako umimik. Kinuha ko ang mga bag niya at inayos ko ang mga gamit.
'Wag na Sapph. Ako ng mag-aayos ng mga yan''Paano mo aayusin to Seb kung halos hindi mo naman maigalaw yang kamay mo.' Hindi na to nakipagtalo at ng matapos ako ay tahimik akong pumunta sa kusina.
Binuksan ko ang ref at kumuha ng mga gulay at karne.. I glance at him and he's intently watching my every move, napakaawkward ng pakiramdam but I pretended not to notice.. nagsaslice ako ng gulay ng mapalingon ako ulit sa kanya, nanonood lang siya ng Tv bigla siyang tumingin sakin kaya agad kong binawi ang paningin ko..Matapos kong magluto ay agad kong hinanda ang mga gamot na iinum niya, pati ang plato at baso nung tumawag kasi si Liro ay narinig ko siyang nagsabi na gutom na daw siya pero ipinagluto ko lang siya, hindi ko pa ata kayang sabayan siya sa pagkain.
'Nandito sa mesa ang mga gamot na iinumin mo, hinanda ko na rin ang kakainin mo' bulalas ko at pinatay niya ang tv.,
'Aalis ka?' He asked when I took my bag from the table.
'Oo.. ' matipid kong sagot, hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad kong tinungo ang pinto. 'Kumain kana,' I uttered before I went out. Huminga ako ng malalim ng nasa elevator na ako, palabas na ako ng elevator ng mapansin kong naiwan ko ang wallet ko, agad kong pinindot ang floor number namin at nagmamadali akong bumalik sa unit at saktong pagpasok ko ng marinig kong may nabasag sa kusina, wala na si Seb sa sala kaya nagmadali kung tinungo ang kusina, inabutang ko siyang nahihirapang pulutin ang nabasag na plato, napansin ko ring maraming nahulog na kanin sa mesa..
'Ako na.' I bent down to pick up the broken pieces.
'P-pasensya ka na, nadulas kasi.' He said.
'Wag ka ng gumalaw baka masugatan ka.' Tugon ko at kumuha ako ng walis at dustpan.. ng matapos ako sa paglinis ng mga basag ay binalingan ko sya, pansin kong pati sa pagsalin ng tubig sa baso ay nahihirapan siya.
'O-okay ka lang?' I asked him and he nodded at me.
'Oo, nadulas lang talaga sa kamay ko. Kukuha nalang ako ng bagong kanin' tumango lang ako at paalis na sana pero sinilip ko siya ulit.. may bali ang kamay niya kaya nahihirapan siyang kumain, at baka dumugo ang sugat niya kung ipipilit niya
'Pabayaan mo na Sapph.. lumabas kana.. lumabas kana' bulong ko sa sarili kaya tinalikuran ko na siya, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at huminga ng malalim...
'Akin na' I end up walkimg back to the kitchen. Nagulat pa sya ng bigla kong kinuha ang plato at nagsalin ako ng bagong kanin at ulam.
'K-kaya ko na Sapph.' He tried to steal the spoon from me.
'Hindi mo kaya, uubusin mo lang ang plato sa kakabasag mo' i protested.
'S-susubuan mo ako?' Takang tanong niya ng iangat ko ang kutsara na puno ng kanin at ulam.
'Obvious ba? Konsesnsya ko pa kung mamamatay ka sa gutom.' Sagot ko at napansin ko siyang nagpipigik ng ngiti. 'Ngayon lang to' paniniguro ko.
'S-salamat.' He opened his mouth and I akwardly spoon feed him. Hindi naman gaanong nagtagal ang subuan namin.
'Aalis ka diba? Okay lang ako dito Sapph.' He gave me a reassuring smile.
'Tinamad na ako.' I reasoned and he smiled. 'Wag mong iisiping gusto kitang alagaan, tinamad lang talaga ako.'
'Oo alam ko. Wag kang mag-alala hindi ko naman iniisip yan' he replied and I went to my room.. humiga ako at nag-isip...then I realized one thing..
Mahal ko pa rin siya... in fact, mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?