CHAPTER 38: SEBASTIAN

169 3 0
                                    

Nasa loob kami ng unit namin kasama sila Lyka, Liro at ang nanginginig na si Cheska bumaba si Niko, yung kaibigan ko na tumutulong sakin, may kapit sila sa NBI dahil marami siyang kaanak na may posisyon dun, maging siya ay minsang nagtrain para maging pulis.

'This is Andrew..' Tumango ako ng may ipinakilala siya sakin. 'Show him' utos nito.. hindi na ako mapalagay parang sasabug na ang utak ko sa kaiisip kung nasaan si Sapphire, may mga police at Nbi agents sa loob ng unit namin na pinatawag ng daddy niya para makatulong sa amin. 'Kopya to ng cctv sa Tagaytay ranch nung maaksidente ang asawa mo, see that guy na pumasok sa entrance 1 hour before your arrival? nagmamadali siyang umalis ng rancho 30 minutes bago kayo dumating..' may pinindot ito ulit sa laptop 'eto naman ay kuha ng cctv ng isang restaurant na halos katabi lang ng site niyo na sumabog, Andrew paki-zoom ng lalaking yan.' tumalima ito agad.. ' 2 hours before the explosion, dumating siya sa area niyo.. at kung titingnan mong mabuti.. iisa lang ang lalaking yan sa lalaking nakunan sa Tagaytay ranch Seb' paliwanag ni Niko..

'P-parang kilala ko siya.' napalingon kaming lahat kay Cheska na katatayo lang.

'Anong ibig mong sabihin?' natatarantang tanong ko.

'I-isa siya sa mga lalaking bumaba ng van nung kinidnap si Sapphire.' parang nanlumo ako sa narinig ko at napasabunot sa buhok ko.

'Paano kami nakakasigurong wala kang kinalaman dito?' matigas na pahayag ni Lyka.

'Hon.. wag na' sita ni Liro sa kanya.

'Totoo naman ahh, sino ba ang makikinabang kapag nawala si Sapphire? hindi ba ikaw din naman? paano kung dinadramahan mo lang kaming-'

'Dont you dare accused me of something like that.. pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo.' she scowled at Lyka

'Tama na..' awat ng isang pulis sa kanila..'maam tama na po'

'ako na nga ang tumutulong ako pag pinagdududahan niyo..' mangiyak ngiyak na sabi ni Cheska.

'Stop it..' sigaw ko at natahimik silang dalawa ni Lyka. 'Sa tingin niyo makikita ko si Sapphire kung magtatalo kayo?'

'Pare' hinawakan ni Niko ang balikat ko.

'Tang-ina!' napamura ako dahil gulong gulo ang utak ko.. 'I have no idea where to find her.. I have no idea if she's fine, if she's safe! Ang gago gago ko kasi.. I should have not left her alone..' napasuntok ako sa pader at inawat ako ni Liro.

'Tama na Seb.. walang may gusto ng nangyari..' awat ni Liro sakin,

'If its not Cheska then who? Sino ang gagawa nito.. sino? Sino ang tatangay kay Sapphire? Saan niya dinala? Nasaan siya!' I didnt know that I could cry infront of everyone until now.. napayuko ako, nagagagohan ako sa sarili ko.

'Sir sa tingin niyo po ba hindi ito kidnap for ransomn?' napatingala ako sa isang pulis na nagsalita.

'Mahigit sampung oras ng nawawala si Sapphire, if its kidnap for ransomn bakit hanggang ngayon wala pang kumukontak samin? at kung kidnap for ransomn to, bakit nila pinagtangkaan ang buhay ng asawa ko sa Tagaytay.'

'May punto si Sebastian.' napalingon kaming lahat sa nagsalita, daddy ni Niko. 'This is General Mahipus..' siya ang sinasabi nilang kapit nila sa NBI.
'Hindi ito kaso ng kidnap for ransom dahil ang mga kidnapper hindi maghihintay ng sampung oras para kuntakin ang pamilya ng biktima, they wont pro-long it because the more they wait the more time their giving us to find them.. pag-isipan mong mabuti Seb kung sino pa ang pwedeng gumawa nito from there, we can find clues of your wife's whereabout'

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon