CHAPTER 35: SEBASTIAN

153 3 0
                                    

Nag-usap kami ni Cheska sa isang restaurant dahil yun na rin ang hiling niya kay Sapphire..

'paano mo nalaman na nakauwi na kami?' bungad kong tanong.

'lets just say, I have my ways Seb.. but Im not here to ask you about your vacation.' deretsang sagot nito.

'nadisgrasya si Sapphire..' I cant helped myself from saying it dahil hindi mawala-wala sa utak ko ang nangyari..

'but she looks fine earlier.'

'she does.. and Im glad she is.'

'at bakit mo sinasabi sakin yan Seb?' tumahimik ako. 'Are you accusing me? you think kaya kung manakit ng tao Seb? sa tingin mo isa akong kriminal?'

'I wasnt saying that Cheska.. bakit mo nga pala ako pinapunta dito?' pag-iiba ko sa usapan at nag-iba na rin ang timpla ng mukha niya, her expression softened at lumamlam ang mga mata nito, kinapa nito ang kamay ko at hinayaan ko lang siya..

'hindi mo ba talaga ako pwedeng mahalin Seb?' mangiyak-ngiyak na tanong nito.

'Cheska napag-'

'kahit ngayon lang, piliin mo naman ako.. gagawin ko lahat para sayo. kahit anong hilingin mo ibibigay ko, lahat lahat Seb.  pleaseeeee, piliin mo naman ako.. ako naman ngayon.. ako naman pleaseeeee' tuluyan na itong umiyak sa harapan ko, buti nalang at walang masyadong tao sa restaurant.

'Cheska...' kinuha ko ang kamay ko. 'kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari sayo to, ako ang gumawa nito sayo.. ako ang nagpahirap sayo pero Cheska.. hindi ko kayang iwanan si Sapphire para sayo.. mahal ko siya.. hindi ko kayang iwan ang asawa ko Cheska!' naaawa ako kay Cheska dahil kung hindi din naman dahil sakin ay hindi to mangyayari.. 'Im sorry.. Im so sorry.'

'mahal mo talaga siya no? mahal na mahal mo siya.. naiinggit ako sa kanya.. dahil mahal na mahal siya ng lalaking mahal na mahal ko naman, siguro tama sila.. na kahit kelan hindi magiging tama ang relasyong nagsimula sa isang pagkakamali.' halatang pinipigilan nito ang sariling umiyak pa.

'Cheska..' I felt sorry for her, may kinuha itong sa bag.

'This is your annulment paper.. ikaw ng bahalang umayos Seb, ito nalang ang magagawa ko para sayo, ganyan kita kamahal.'

'Thank you Cheska.. maraming maraming salamat'

'So this is it.  This is the end of the road for us but for the last time,' I stared at her at hirap na hirap siya.. 'Hindi mo ba talaga ako minahal? kahit saglit lang?' tuluyan ng pumatak ang luha niya at aaminin ko, nasasaktan din ako sa nakikita ko kay Cheska.. 'Seb pleaseee..'

'You are a very amazing woman Cheska.. and you deserve all the happiness in the world.. just not with me..' hindi ko magawang sagutin ang tanong niya dahil ayokong mas masaktan ko pa siya, dahil maging ako hindi ako sigurado kung ano ang naramdaman ko para sa kanya.
tumango lang ito at pinahid ang mga luha.. tumayo na rin ako at maayos na ngpaalam sa kanya.

'Seb?' nilingon ko sya ulit. 'Hindi ko magagawang saktan si Sapphire, kaya kung iniisip mo na may kinalaman ako sa sinsabi mong aksidente.. wala.. wala akong alam' Nakunsensya ako dahil muntikan ko na siyang pagbintangan, baka nga.. baka may nagbibiro lang at hindi inaakala na magiging ganun ang kalalabasan, ang mahalaga okay na si Sapphire.

Habang nagmamaneho, nakakadama ako ng lungkot dahil iniwan ko si Cheska na talagang malungkot pero siguro okay na rin yun, hindi ko man inaasahan na tuluyan ng susuko si Cheska pero masaya na rin ako dahil magiginh okay na ang lahat sa pagitan namin ni Sapphire.. Nakangiting pinarking ko ang kotse at nagmamadali ako
ng mapansin kong umiiyak si Sapphire sa may lobby, agad ko aiyang nilapitan at niyakap, napakapit siya sakin..

'anong nangyari? Sapph? what happened?'

May binigay siya sakin at dahil nanginginig pa sya ay ang ibang staff nalang ang nagsabi sakin ng nangyari, pinakita din nila sakin ang pinadalang bulaklak sa patay, pinatapun ko kaagad.

'sinong gagawa nito?' Tahimik lang si Sapphire na nakaupo sa tabi ko, nasa loob na kami ng unit. Nagring ang phone ko at aga kong kinuha.. Its Nico..

('natanggap ko na ang fax.. sigurdo ka na ba?')

'oo, ayokong magbintang pero wala na akong ibang maisip na taong gagawa nito' napasuklay ako sa buhok ko.

('sige pare, ako ng bahala dito. Papagalawin ko ang mga kakilala ko.. Ill update you as soon as may matanggap ako.. kumusta na pala si Sapphire?')

'okay naman siya.. salamat Nico.' hindi rin nagtagal ang usapan namin.

'sino ang gagawa nito? hindi magandang biro yun Seb, hindi yun magandang biro.' niyakap ko siya ng mahigpit, alam kung natatakot siya sa nangyayari. 'muntik niya na akong mapatay sa Tagaytay, now.this? '

'aayusin ko to..wag kang mag-alala aayusin ko to babe.'

Nanatili kami sa ganong sitwasyon ng ilang minuto ng magring ang phone nya..

'Si daddy..' tumango lang ako at sinagot niya ang tawag,.

'yes dad? Opo.. o-okay lang dad, well Im with Seb.. No dad there's.nothing to worry. yes im fine.. we will dad.. yes we will. okay dad..po? kelan lang po? last week? ganun po ba? n-nakaapekto po ba ang sitwasyon namin ng anak niya sa pagreject mo sa kompanya nila?... ganun po ba.. sige dad.. okay dad. salamat po.. sige po' she ended the call then expelled a deep sigh. 'nireject daw ni daddy ang proposal nila..'

'akala ko ikaw ang nagreject?' tanong ko.

'No, its always my dad who has a final say when it comes to his company. Seb?' I stared at her and waiting for what she's about to say. 'paano kung tama tayo? paano kung yung pagreject ni dad sa proposal nila ang naging triggering factor para gawin ni.. ni Cheska to?'

'Babe.. I dont understand, binalik niya ang annulment papers natin at ako na daw ang bahalang mag-ayos? Kung siya nga ang gumawa nito bakit niya padadaliin sa atin ang lahat?' nalilito ako.. I saw Cheska's reaction and I know its genuine,  she seems innocent regarding this issue.

'because this is exactly what she wanted us to feel.. yung malito tayo, yung isipin nating wala siyang alam but come to think of it, walang pwedeng gumawa nito.. at sino ba ang makikinabang kung...kung ma-mawawala ako?' mangiyak-ngiyak na turan ni Sapphire. 'Ayoko ring magbintang..' she added while playing on her fingers. 'but its only Cheska who has all the motives to do this..'

'tama na..' niyakap ko siya ng mahigpit.. 'tama na babe..'

Nakatulog siya pero ramdam ko ng takot niya.. paano nga kung tama kami? paano kung tama siya? Paano kung hindi lang basta-bastang pananakot ang ginawa ni Cheska? Paano kung may plano nga siya?

AUTHOR'S NOTE

HI READERS.. this story is near to its ending but Id like to say thank you sa mga nagbasa ng LOVE AND MISERY. Nakakatouch kasi sa tuwing may humihingi ng updates mula sakin kaya kahit minsan busy ako ay hinahanapan ko ng paraan, last week mejo naging madalang ang UD ko kasi 3 days straight akong nagkasakit kaya this time babawi ako, susubukan kong laging mag-UD hanggang sa ending.

Thank you so much sa mga naglaan ng kaunting oras para basahin ang gawa ko at uulitin ko, minsan hindi ako nag-eedit kaya kung may mga napansin kayong wrong spelling at wrong grammars dito sa story ko eh hihingi nalang ako ng paumanhin mula sa kaibuturan ng aking pagkatao. hehehehehe!

Sana abangan niyo parin ang ending ng LOVE AND MISERY, sa totoo nga eh buong araw kung pinag-isipan ng maayos ang ending nito kasi mahal ko naman lahat ng characters na ginawa at gagawin pa lang kaya inabut ako ng siyam siyam sa pagdedesisyon kung iibahin ko ang original ending na naisipan ko ng gawin.. kasi ano.. kahit ako ayoko naman ng sad ending.. pero ewan ko ba may ugali talaga akong nakakalito.. ganito nalang abangan niyo nalang ang ending nito at kayo na ang bahalang magjudge.. magalit na ang gustong magalit sakin pero paninindigan ko na to..

Thank you sa mga magaganda at sexy kong readers.. muahhhhh!

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon