I took the shades from my eyes and it felt so odd knowimg that its been more than a year since I left Phil. and now Im back, ayoko sanang balikan ang bansang to dahil andaming nawala sakin dito, andaming sakit ang binigay nito sakin, more than a year when I promised not to think about all of it
'Hello dad? Yes, im already here. No dad, my friend will come to pick me up.. yep i will. Yes dad, awwweee tell tita Mel that i miss her too and my sisters, ill be back soon enough. Yes, I will dad' biglang sumikip and dibdib ko sa sinabi ng daddy ko 'oo bibisitahin ko ho sila.. opo Ill visit mom.. Yes dad. Bye.. I will' I ended the call and I am tryinh to hold back the tears.
'Sapph? Sapph ikaw nga..' Narinig kong boses ni Lyka at gumaan ang loob ko ng makita siya, antagal.. antagal ko ring tiniis na wag siyang makausap dahil ayoko ng kahit anong balita tungkol kay Seb,
'Lyka..' sinalubong ko siya ng yakap at niyakap nya rin ako ng mahigpit then I suddenly felt her sob. 'Hoy.. anong dinadrama drama mo jan'
'Loka ka kasi.. akala ko kinidnap kana dun at tinanggalan ng kidney. Pati Fb at Ig mo ay deactivated, nawala ka nalang ng walang paalam' sambit nito at di ko mapigilang matawa.
'Langya! Tinaggalan talaga ng kidney? Halika na nga, ang oa mo tara na at marami akong pasalubong sa bestfriend ko.' We walk hand in hand just like the old times. Yung college days na wala pa kaming responsibilidan ni Lyka sa mundo, yung tipong yung pag-aaral lang namin ang inaatupag namin.
'Didiretso na ba tayo sa bahay?' Tanong ni Lyka.
'Bibisitahin ko muna si mama siguradong nagtatampo yun..' sagot ko 'saka ang baby ko' huminga ako para pigilan ang luha sa mga mata ko at naramadaman ko ang pagtapik ni Lyka sa kamay ko.
'Sige..' Lyka started to maneuver the car. I looked outside the window and its true that a year changes nothing here... yeah, nothing.
'We're here' sambit ni Lyka at sabay na kaming lumabas. I felt the cold wind embrace me at hindi ko alam ang mararamdaman ko, after everything ngayon ko lang sya dadalawin ulit. Huminto ko sa paglalakad ng makalapit na ako sa kanya..
'Ma? A-alam kong nagtatampo ka.' I tried not to cry but tears freely escape from my eyes. 'Pero sana naiintindihan niyo kung bakit kelangan kung lumayo, kung bakit kelangan kung umiwas.. mama.. galit po ba kayo sakin?' hinawakan ko siya but unlike before I know Ill never get an answer from the person who raised me alone... dahil hinding hindi na sasagot ang taong patay na.
'Sapph.. ' hinagod ni Lyka ang likuran ko. Hinawakan ko ang lapida ni mama 'im sure hindi galit si tita sayo' Nang araw na inilibing ang anak ko at nalaman ni mama ang lihim ni Sebastian ay hindi niya matanggap na nangyayari sakin lahat ng to, pakiramdam nya kasalanan niya, sinisisi niya ang sarili dahil feeling niya ako ang nakakatanggap ng karma niya nung pumatol siya sa daddy ko na may pamilya. Hindi niya matanggap na naging miserable ang buhay ko pero kahit kelan hindi ko ko siya sinisi.. paano ko sisisihin ang taong ginawa ang lahat para mapalaki ako ng tama kahit bunga ako ng isang pagkakamali? Paano ko sisisihin ang taong tumutulong sakin na tumayo sa tuwing nadadapa ako? Ang taong tumayong ama at ina sakin? Paano ko sisisihin ang taong kahit kelan hindi ako iniwan? Nang araw na abutan ko siyang wala ng buhay sa hospital matapos nitong maaksidente dala ng kalasingan ay parang sinakluban ako ng langit at lupa, pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko dahil sunod sunod na kinuha sakin ang mga taong napakahalaga sakin.
'Sana nga.. sana nga Lyk... sana magkasama na sila ng baby ko ngayon..' inilipat ko ang mga mata sa katabi nitong gravestone.. My baby.. my baby Shanina.. mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?