Ngayon ang unang paghaharap namin tungkol sa annulment at kung mamalasin ka nga naman ay sabay pa kaming dumating. Kasama ko si Lyka at magkasamang dumating si Cheska at Sebastian, may kasama pa silang isang babae na halos di magawang tumingin sakin. Aba buti pa ang kasama niya, marunong mahiya.
'Goodmorning Sapphire.. Lyka.. handan ka na bang isuko ang pagiging Del Real mo? Well you better be' aniya.. ngiting aso.
'Aba't- ' sasagot pa sana si Lyka pero pinigil ko na. Bahala na ang batas sa kanila.
'Hayaan mo na. Tara na' hila ko sa kanya pero di paman kami nakakalayo ay nagsalita na naman si Cheska.
'Nga pala Sapphire..' lumingon ako sa kanila 'akala ko ikaw ang asawa? Bakit ako ang kasama?' Parang dinurog ang puso ko sa narinig.. oo! Ipinaglalaban ko ngang ako ang asawa pero hindi naman ako ang kasama. I stared at her and she smirked.
'Cheska!' Saway ni Sebastian, nakangiting naglakad si Cheska at nilagpasan kami ni Lyka.
'Peste talaga yung babaeng yun. Bweset talaga, kalbohin ko kaya siya.' panggigil ni Lyka.
'Pumasok na tayo. Masisira lang ang araw mo sa babaeng higad na yun' saad ko at sabay na kaming pumasok.
Halos isang oras na rin ang hearing namin at kagabi ko pa ipinagdadasal na sana, sana ay pumanig sakin ang pagkakataon.
'Wag kang mag-alala.. ikaw ang legal na asawa' sambit ni Lyka ng mapansin niyang nagiging uneasy na ako. Ngumiti lang ako sa kanya.
'Nireview ko ang annulment case ninyo' sambit ng judge. 'And I decided to give these following individual one month to live in one house as still, husband and wife..' nabigla ako sa sinabi ng judge at nagsimula ng magalit si Cheska kaya pinapakalma to ng kasama niyang babae, lumingon ako kay Sebastian.. nakatingin siya sakin pero di ko mabasa ang reaksyon niya, ang unang nagbawi ng tingin dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko. 'we'll see if you could still save your marriage.. after then Ill decide wether to annul it or not..' parang nablanko ang utak ko, isang buwan? Isang buwan kaming magkakasama ni Sebastian sa isang bahay? Handa ba ako? Handa ba ang puso ko?
'Anong kalokohan to attorney? Akala ko ba kaya mo tong ipanalo? Malaki ang ibinayad ko sayo..' reklamo ni Cheska.
'Sinabi ko na sayo na ang annulment hindi madaling proseso lalo na kung hindi ito mutual decision ng magkabilang parties.' Paliwanag ng abogado nya saka lang siya lumingon sakin at halatang galit na galit. Tumayo na kami ni Lyka at lalabas na sana ng humarang siya, pipigilan sana siya ng kaibigan niya pero ayaw niya talagang magpaawat.
'Ano to? Sabihin mo, plano mo to ano? Eto ang gusto mong mangyari. Tell me, how much did you pay to come up with that foolishness? Ha, umamin ka?' Hiyaw niya sakin at di ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.'Hayop ka... walang hiya ka..' gaganti sana siya pero napigilan sya ni Sebastian.
'Tama na.. tama na sabi' awat ni Sebastian pero talagang gusto nyang gumanti kaya pinipilit niyang makalapit sakin. 'Ano ba Cheska.'
'Walang hiya ka.. malandi ka!' Sumbat nito at tangkang sasampalin niya ako ng makalapit siya pero nahawakan ko ang kamay niya.
'Sige. Subukan mo Cheska.. subukan mo.. dahil oras na dumampi yang kamay mo sa balat ko sinisigurado kong habang buhay mong pagsisisihan yan' galit kong binitawan ang kamay nya at alam kong nag-aapoy sa galit ang mga mata ko. 'Malandi? Putang ina mo, ako pa ang malandi? Sino ba dito ang pumatol sa lalaking kasal sa iba? Sino ba dito ang nagpabuntis sa lalaking may karelasyon na? Sino ang nanira ng pamilya? Sino Cheska!?? Bakit ba galit na galit ka? Takot kang magsama kami dahil takot kang bumalik siya sakin? Edi agawin mo ulit kung nagkataon, hindi ba eksperto ka sa pagiging mang-aagaw? Nakakalimutan mo ata, mahilig kang makihati' bulyaw ko sa kanya at hindi siya makasagot. 'Ito ang tatandaan mo, maannul man o hindi ang kasal namin, I will always be the legal wife and you will always be the mistress... dahil sa mata ng diyos, sa mga tao at sa batas... AKO ANG TOTOONG MRS. DEL REAL! KABET KA LANG!' I scream at her at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. 'Tara na Lyka, mag-eempake pa ako dahil babalik na ako sa condo namin ni Sebastian..' saad ko nang hindi inaalis ang paningin ko sa kanya, galit na galit siyang nakatitig sakin pero may namumuong luha sa mga mata niya.. kulang pa yan!
Cheska's Pov
'Hayop siya.. hayop siyaaaaa....' sigaw ko at halos maubos na lahat ng gamit ko sa pagkabasag..
'Ahhyyy! Tama na, jusko tama naCheska' awat ni Amy sakin. Kanina pa kami nakauwi at hindi man lang talaga sumama sakin si Sebastian dahil dumiretso sya sa condo niya.
'Bakit? Bakiiiiit!' Napaupo ako sa sahig at nilapitan ako't niyakap ni Amy.
'Tama na Cheska.. wala ka ng magagawa..' she said.
'Bakit ba ayaw niya kaming tantanan.. bakit ba bumalik pa siya.. akin si Sebastian.. mahal ko siya.' Humihikbing sagot ko.
'Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.. ' anas nito.
'Gusto ko lang naman maging masaya.. gusto ko lang naman siyang makasama' nakayukong sambit ko. Walang tigil ang luha ko dahil parang sasabog na sa sakit ang puso ko. Bakit ang saklap ng buhay ko, wala ba akong karapatang sumaya?
'Akala ko ba handa ka? Ginusto mo to, pinasukan mo' Amy mumble.
'A-ang sakit.. a-ang sakit sakit Amy.. sobrang sakit." Umiiyak na sambit ko. Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ko?
Tulog na si Amy sa kabilang kwarto pero heto ako.. parang hindi yata napapagod ang mga mata ko sa pagluha. Alam kong mali ang magmahal ka ng taong pagmamay-ari na ng iba pero ginusto ko ba? Ginusto ko bang makihati? Ginusto ko bang malagay sa isang maling sitwasyon? Walang babaeng gustong maging kabet, walang babaeng gustong maging option lang, walang babaeng gustong maging mistress... pero mapipigil mo ba? Masisisi mo ba ako kung nagmahal ako ng lalaking may umaangkin na?
Ginawa ko naman lahat, lahat lahat.. ako namang ang kasama nya ng iwan sya ni Sapphire.. ako hindi ko siya tinalikuran.. hindi ko siya iniwan pero bakit? Bakit si Sapphire pa rin? Si Sapphire na inabandona ang kasal nila, tinalikuran ang pagsasama nila, iniwan siya at dinurog sya..
Ako ang nandun sa tabi niya, tiniis ko lahat para sa kanya pero bakit di niya yun nakikita? Bakit? Bakit Sebastian.. sobra ba ang hinihingi ko? Gusto ko lang naman maging Del Real. Maging asawa niya...
Ang hirap ipaglaban ang taong matagal ka ng isinuko..
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?
