Parang nagbubunyi pati ang small at large intestine ko sa katawan ng makita ang award winning reaction ni Cheska ng makumpirma niyang ako ang nasa harapan niya.. ang sarap niya tuloy kuhanan ng picture at ipost sa instagram.. I looked down when the papers fell down in the ground.'Hindi mo pupulutin?' Tanong ko.
'ahh Cheska.. ' her dad.
'P-pasensya na dad..' balisang pinulot nito ang mga documento.
'Please..' Mr. Alcantara said as he offered the chair to me.
'Thank you' pasimple akong umupo habang abalang pinupulot ni Cheska ang mga papel, she's still shaking when she seated and placed the papers in the table, she cant even looked at me.. tumikhim ang daddy nito at binasa ang deal
'May sugat ka sa mukha.. where did you get that?' Panunuya ko. She bit her lip at napansin kong napalingon ang daddy nito sa kanya. Karma's a bitch.. bitch!
'S-should we go over the contract?' She ignored my question 'kelan ka pipirma Miss Barromeo? Do you want a private contract signing?' She asked..
'Balita ho namin Mr. Alcantara, may mga investors kayong nagpull-out ng investments nila?' I asked nonchalantly.. she turned her attention on me and I gave her a watch-as-I-ruin-your-life kind of smirk.
'But we are doing everything to make up with the loss of-'
'Loss?' I arched my brow and she swallowed hard.
'What she meant is, every company will experience the rough road of business.. but we'll.get through it Miss Barromeo.' Halatang ngiting aso ang binibigay ng matandang to sakin.. pagkatapos niya iblackmail si Seb? Pagkatapos nilang sirain ang buhay ko? Humanda ka Mr. Alcantara.. ill make you feel as if you have no choice but to agree with everything.... simply because you have nothing.. katulad ng ginawa niyo kay Seb.
'But you're in this business for such a long time Sir.. ngayon pa po nagpull out ang mga investors niyo? How can we entrust the credibility of our company in your hands when just in a snapped of anyone's finger.. your company will face bankruptcy? What if Alcantara falls down at nakapag-invest na kami sa inyu? And one more thing Mr. Alcantara... we wont take risk lalo na ngayon at mas dumadami ang competitors namin.' Now, the real show is about to begin.
'What do you mean?' Naiiritang tanong nito while his daughter's knees are shaking infront of me.
'Family oriented ang kompanya namin.. our products, services and even our real estate businesses, nakafocus sa pamilya.'
'Wait..' akmang tatayo si Cheska.
'Please stay Miss Alcantara.. napaka-inappropriate naman kung aalis ka in the middle of the meeting..' i murmured and she clenched her fists. Ganyan nga.. bumalik ito sa pagkakaupo at hinarap ko ulit ang ama nito.
'As I was saying.. the major market of our company are the families all over the world.. and doing business with you is... well lets just say.. it might ruin the company's image.' Kalmadong saad ko at napatitig ito sa nanginginig na anak bago humarap sa kin.
'Deretsahin mo na kami Miss Barromeo...' maotoridad na anas nito.
'Miss Samson?' My secretary handed me an envelope. 'Its a gift.. go on..' nagtatakang napalingon ito sakin.
'Dad..' he stared at her.. 'I-I mean Sir.. a-ako nalang ang magbubukas nyan mamaya.' She's stammering at ang sarap sarap niyang i-video.. akala mo tapos na? Nagkakamali ka Cheska.. nagsisimula palang tayo.
'Tumigil ka.' Singhal ng ama sa kanya at binuksan na ni Mr. Alcantara ang envelope at kitang kita ko kung paano nagngit-ngit ang mukha ng ama nito, galit na nagpalipat lipat ang mata nito sa mga pictures. 'Y-you had my daughter followed?'
'Dad!' She blurted out and her father glared at her.
'No sir.. I had my husband followed.. im sure kilala niyo si Sebastian Del Real?' Napaawang ang bibig nito looking at the pictures of his daughter kneeling down and begging.. pictures of her hugging my husband.
'A-ahh.. ' he's left speechless.
'Your precious daughter is my husband's mistress Mr. Alcantara' i murmured and Cheska is obviously caught off guard..
CHESKA'S POV
Daig pa ng tambol ang tibok ng puso ko..napayuko ako at pinipigilang pumatak ang luha ko.. paano nangyari to? Paanong siya ang anak ni Mr. Barromeo? Paano?
'Cheska!' Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagtaas ng tingin.. sinalubong ako ng galit na mga mata ng daddy ko.
'Ill let my dad decide about this Mr. Alcantara.. ayoko namang personalin kayo so si daddy nalang ang pagdedesisyonin ko.' I clenched my fist.. how could she do this.. 'I think Ill go ahead.. and by the way paano kaya kung lumabas sa media ang pagiging kabet ng anak niyo? What do you think will happen to your company Mr. Alcantara?' Her statement is full of sarcasm and I cant do anything..
'Miss Alcantara.' She stood up.. nag-alalang tumayo rin ang daddy ko.
'Ill let my secretary call you kung nakapagdesisyon na ang daddy ko' hindi na nakapagsalita ang daddy ko ng tuluyan na itong humakbang papuntang pinto..
'Wala ka talagang kwentang anak Cheska.. ayusin mo to! AYUSIN MO TO!!' I almost cried when he yelled at me but I dont think it will help.
'Yes Sir' agad akong lumisan sa opisina nya at hinabol si Sapphire, inabutan ko siya na naghihintay sa may elevator.. she swivel her attention to my side when she noticed my presence.
'I knew it..' she grin. 'Mauna ka na.. susunod ako' saad nito sa sekretarya ng bumukas na ang elevator. 'Ang aga naman para magmakaawa ka sakin..' she said sarcastically.
'We had an agreement.. our company had an agreement! Kaya ka nandito para pumirma at hindi magpakaantipatika.' I know I shouldnt be rude but I cant help it..
'Nagpapakabitter ka.. masyadong obvious.' Nawala ang ngiti nito at napalitan ng iritasyon.'Andami mo namang issues.. isa-isahin natin.. I went here to personally review the contract, 2nd we never gave your company the assurance of closing the deal.. and 3rd malapit ng bumagsak ang kompanya niyo at hindi niyo dini-clare sa amin na may mga nagpull out na investors sa kompanya niyo.. and 4th.. hindi ako bitter.. bat naman ako magiging bitter eh hindi naman ako ang nagmakaawa para lang piliin.. nakakahiya naman sa katulad mong kabet.. asawa pa talaga ang magiging bitter? Pangilabutan ka nga..' akmang sasampalin ko siya pero agad niyang nahawakang ang kamay ko at padabog niyang binitawan. 'Hindi pa tayo tapos, nagsisimula palang tayo at uunahin ko ang pagbagsak niyo'
'Sa tingin mo isusuko ko si Sebastian dahil lang sa pananakot mo? Nagkakamali ka.'
'Pananakot? Bakit? Naaapektohan ka na? Bilib din naman ako sa tigas ng mukha mo no? Saan ba banda sa ako ang mahal niya ang di mo naiintindihan?'
'Kung mahal ka niya.. kung totoong mahal ka niya bakit ka niya niloko? Bakit niya ako binuntis? Ba't niya tayo pinagsabay? Kung totoong mahal ka niya? Bakit miserable ang buhay niyong dalawa ngayon? Alam mo kung bakit?' She clenched her teeth and turned her back on me. 'Ako alam ko kung bakit..' halatang natigilan ito. 'Because once in his life.. he loved me.. at kung nagawa ka niyang lokohin noon.. magagawa niya ulit sayo yan ngayon..' napakuyom ang palad nito at pinindot ang open button sa elevator..
'Kaya wag kang kampante.. dahil baka ako parin ang piliin niya sa bandang huli' yun lang ang huling sinabi ko at tinalikuran ko na siya.. patas na tayo ngayon!
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?