'What? So galit na galit na tumawag si Sebastian sayo? Nababaliw ka na ba talaga Ches?' Amy scolded me and I just sighed. Nangyari na, ayoko naman talagang umabot pa sa punto gagamitin ko ang pangalan ng mama niya pero wala akong choice.
'I dont have a choice Amy,everytime na nagkakaharap kami. Lage akong natatalo.' I muttered before I brought the shot glass in my mouth and emptied it.
'What do you expect? Matatalo ka talaga. Asawa yun eh. Kahit anong sabihin mo, o gawin mo at kahit ipamukha mo man sa kanya na wala na sila hello, siya parin ang reyna... titulada siyang Del Real.. saka halata naman na mahal pa siya ni Sebastian eh i-'
'AMY! Mamahalin din ako ni Seb. Saka ano bang problema, kaibigan kita dapat ako ang kinakampihan mo.' I protested and she just shrugged her shoulder.
'I hope tama ang desisyon mo Ches.. baka pagsisihan mo yan sa bandang huli' i just rolled my eyes on her.. 'mag-ccr lang ako' tumayo si Amy at nagpaiwan na lang ako dahil mejo sumasama na rin ang pakiramdam ko, tinamaan na ata ako sa iniinum namin plus maingay din sa bar kaya ayoko sanang pumunta dito eh. Makulit lang talaga tong si Amy.
'Cheska?' Inangat ko ang ulo ko when someone mentioned my name...
'Derrick?' Napatayo ako ng makita kung sino ang nasa harap ko.. Derrick Sarmiento.
'Derrick? Omg Derrick.. its really you' I remained quiet when Amy hugged him but his eyes remained on me.. i swallowed hard.
'Hi Amy.. you're still friends?' He asked and Amy stared at me.
'Unfortunately yes.. antagal ka naming di nakita ahh, hindi ba Cheska?' Tumango lang ako. 'Antahimik mo bigla.' There was a hint of teased in Amy's voice.
'M-mejo nahihilo na kasi ako' tipid kong sagot. Iniwas ko ang paningin kay Derrick.
'Kanina pa pala kayo? By the way, its nice to see you here again..' i smiled and nodded at him.
'Oo nga eh.. its nice to see you too Derrick.. ' sagot ni Amy.
'Sige. I should get going, hinihintay kasi ako ng mga kaibigan ko.' Hindi na ako sumagot. 'But I have this feeling that ill see you again..' he stared at me and I pretended not to notice 'bye girls. Hindi na ako lumingon until he's gone saka lang ako binalingan ni Amy.
'Gwapo na siya noon pa pero mas pumogi siya no?' Amy murmured.
'Hindi ko napansin' sagot ko.
'Di nga? Naku! Kung sana yun ang sinagot mo edi sana masaya ka ngayon' bulalas nito.
'He's a good guy pero hindi ko siya feel' I answered.
'Eh kasi mas feel mo yung married. Kakaloka ka! Yun, mayaman, mabait, gwapo, matangkad.. saka uneasy ka kaya kanina.' Patuloy na panunukso ni Amy at lumagok ako ulit ng alak and I started to trip down memory lane. Classmate namin siya ni Amy sa college nun, he was charming back then and until now, maputi, matangkad syempre kasi captain ball siya ng basketball team namin dati. He was nice, after we graduate at nagsimula akong maging intern sa hospital namin ay nagsimula na rin siyang manligaw, almost 1 year din siyang nanligaw sakin at sasagutin ko na sana siya when I met Seb.. which is not really my plan but things became complicated between me and Seb and when he knew that im dating someone else aside from him he made me choose, him over Seb.. and I am stupid because I choose Seb.. nasaktan siya at lumayo pero kahit kelan hindi siya nagalit sakin.. paano nga kaya? Paano nga kaya kung siya ang pinili ko?
'Hoy!' Untag ni Amy sakin at tamang tama ay nagring ang phone ko, i took it from my bag and I realized my 18 misscalls na pala..
'Hello?... yes this is Cheska....' biglang may kabang nabuhay sa dibdib ko. 'What? Saan? What hospital? Oh my God. T-thank you' parang nawala ang epekto ng alak sakin.
'Anong nangyari? Sinong nahospital' Amy worriedly asked.
'Si Seb.. naaksidente.. aalis na ako' nagmamadaling kinuha ko ang bag ko.
'Ill go with you' nagmamadali kaming umalis ni Amy.
It only took an hour bago kami makarating sa hospital t agad akong lumapit sa nurse station.
'May dinala bang Sebastian Del Real dito?' Mangiyak ngiyak na tanong ko.
'Kaano ano niyo po ang pasyente maam?' Tanong ng nurse,
'Im his fiancee' maagap kong sagot at agad niyang tinuro ang emergency room.
SAPPHIRE'S POV
Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba at panay lang ang dasal ko habang si Lyka ang nagmamaneho, ng matanggap ko ang tawag na naaksidente si Seb ay muntik na akong himatayin sa takot.. nagmamadali kaming pumasok ni lyka sa hospital at tumungo agad sa nurse station.
'Excuse me, do you have a patient named Sebastian Del real?' I asked.
'How are you related to the patient maam?' One nurse asked.
'Im his wife' sagot ko at bahagyang nagkatinginan ang dalawang nurse.
'Excuse me, pwedeng bilisan.' Naiinis na saad ni Lyka.
'A-ahh.. emergency room po' agad kaming umalis ni Lyka at ng makarating kami sa Emergency room ay nakita naming nakaupo sa labas ng emergency room si Cheska at ang kaibigan nito.
'Kaya naman pala nalito ang nurse' bulong ni Lyka, lumingon sila samin at tumango lang ang kaibigan nito pero agad binawi ni Cheska ang paningin. Maya-maya ay may lumabas na doctor.
'Sino ang kaanak ni Mr. Del Real dito?' Tumayo agad si Cheska at lumapit sa doctor.
'Doc, kumusta na ho siya?' Tanong no Cheska.
'Are you his wife?' Tanong nito at saka lang ako sumagot.
'I am the wife.. ' lumapit ako sa doctor at napilitan siyang umalis sa harapan nito. 'Kumusta na ho ang asawa ko?' Napansin kong hinawakan siya ng kaibigan niya.
'Well Mrs. Del Real, maswerte ho ang asawa niyo at hindi naman grabe ang mga tinamo niyang injuries.. pero kailangan ho siyang manatili muna dito for some observations.' Sagot ng doctor.
'Sige po. Salamat ho' I replied.
'Ill let a nurse bring you some papers para maitransfer na siya ng private room. Mauna na ako sa inyu' paalam ng doctor saka lang ako nakahinga ng maluwag.
'Gusto ko siyang makita' basag ni cheska sa katahimikan.
'Ang kapal' bulong ni Lyka.
'Sure... ill give you 5 minutes to see him' sagot ko.
'5 minutes? Sino ka para limitahan ang oras ko para bisitahin siya? Anong karapatan mong pigilan ako?' Galit na sumbat nito at umakyat ata sa ulo ko lahat ng dugo sa katawan ko.
'Binibigyan ka na nga ng limang minuto para makita si Sebastian ayaw mo pa? Pasalamat ka nga at pinagbibigyan pa kita.' I snapped at her and she remained furious.
'Wala kang karapatan' madiin na sagot niya.
'You want to talk about rights? Baka gusto mong sampalin kita ng marriage certificate namin na nagsasabing may karapatan ako as the wife.. mahiya ka nga pati ba naman dito ipaglalaban mo pa ang pagiging kerida mo' bweset na bwelta ko sa kanya. Sasagot pa sana siya ng may lumapit na nurse, siya yung nurse kanina sa nurse station.
'Excuse me po, s-sino ho ang pipirma?' Nauutal na tanong ng nurse.
'Baka gusto mong ikaw na rin ang pumirma Cheska total pinangangalandakan mo naman ang pagiging kabet mo!' Hindi ito sumagot kaya kinuha ko ang ballpen sa nurse at ako na ang pumirma. 'Thank you' natatarantang umalis ang nurse.
'5minutes.. take it or leave it.. tara na Lyk.. hintayin nalang natin sa room si Seb' hindi ko na narinig na nagsalita si Cheska kaya diretso na kami ni Lyka sa private room.
Maya-maya lang ay dinala na si Seb sa kwarto.. tulog siya ng mailipat sa bed at pumasok na rin si Cheska sa loob but I stood beside the bed.
'Your 5 minutes.. starts now' then I left the room.
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
DragosteDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?
