Nasa bahay kami nila Liro, ngayon kasi ang anniversary nila. Kasama kong dumating si Sebastian kaya panay ang tukso ni Lyka sakin.
'Tigilan mo nga ako. Nagsabay lang kami dahil nga nasa talyer pa ang kotse niya' I defended myself from her never ending teased.
'Oo na.. oo na.. pero kahit nagkandaletche na ang buhay niyo ay di parin mamatay matay ang chemistry niyong dalawa ni Seb ha.' She added at itinuro niya si Seb at Liro gamit ang nguso niya.. nag-iinuman sila ni Liro sa poolside habang inaayos namin ang dinner table.. maya-maya ay dumating na ang mommy ar daddy ni Liro.. sinalubong sila ng mag-asawa.
'Thanks for the ride.' Biglang bulong ni Seb sakin at parang tumalon ang puso ko.. his voice.. his husky voice. I just smiled at him at nakipagbeso na ako sa magulang ni Liro ng makalapit sila.
'Im glad you are both here.' Bulalas ng mommy ni liro. 'Alam niyo ba na sinasali ko kayong dalawa sa mga dasal ko na sana maayos pa yang relasyon niyo'nagkatinginan kami ni lyka.
'Sana po tita' sagot ni Sebastian at parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko, siniko ako ni Lyka kaya umayos ako ng upo.
'Halata ka' bulong ni Lyka kaya napatikhim ako.
'Lets eat na po' pag-iiba ko sa usapan at nagsimula na kaming kumain ng bigla akong nauhaw, im about to get the glass pero nagkasabay ang kamay namin ni Seb at nahawakan niya nag kamay ko, para akong napaso at agad kong kinuha ang kamay ko, nakita kong nagkatinginan si Liro at Lyka.
'Paabot ng tubig Liro' sambit ni Seb at tahimik na kinuha ni Liro ang tubig pero bago siya bumalik sa pagkain ay lumingon muna to sakin at kay Lyka.. bweset talaga tong asawa ni Lyka. Nagsalin ng tubig si Seb at tahimik akong bumalik sa pagkain. 'Tubig' nag-angat ako ng tingin at nilapag ni Seb ang baso sa harap ko. halos sabay na napatikhim si Lyka at Liro kaya napatingin samin ang parents ni Liro.
'Awwweeee.. napakalambing naman nitong si Seb.. sayang naman kong magpapaannul talaga kayo' bulalas ng mommy ni Liro.
'Ma!' Sita niya sa ina niya.
'Eh naku sigurado naman akong hindi papayag si Seb na pakawalan tong si Sapphire, naaalala mo pa ba mahal ng iuwi siya ni Liro dito dahil sa sobrang kalasingan ng umalis si Sapphire?' Natigilan ako at napalingon kay Lyka.. 'aba eh, parang batang umiiyak at hinahanap si Sapph-'
'Naku dad, gumawa ako ng lasagna.. siguradong magugustohan niyo yun' Lyka butt in at tumikhim ulit si Liro..
'Ay mamaya na yan, nagkukwentuhan pa nga tayo eh.. nasan na nga ba ako mahal?' Tanong nito sa asawa.
'Yung naglasing si Seb saka-'
'Ma, anniversary ko ho. Bakit sila Seb ang pinag-uusapan natin' this time it was Liro who cut in at sinenyasan si Lyka.
'Ayy oo nga po dad.. kayo naman.' Nagkatinginan ang parents ni Liro.
Lumingon ako kay Seb at nakatingin lang siya sakin.Tumutulong ako kay Lyka na magligpit at bumalik naman sa poolside sila Liro at seb kasama ang in laws ni Lyka.
'Unti unti na kayong nagiging okay ni Seb ah' bulalas nito,
'Wala sa plano kung makipag-ayos kay Seb Lyk.' Tugon ko.
'Manang, kayo na ho ang tumapos nito ha, halika nga' hinila niya ako sa sala nila at pinaupo 'ikaw ba sigurado kang hindi ka mas masasaktan kung ipinagpatuloy mo yang plano mo? Hindi ba't plano mo lang naman na pahirapan sila at sa bandang huli bibigay ka sa annulment? Yan bang plano mo eh hindi ikaw ang lugi?'
'Wala na akong pakialam kay Seb, masyado niya akong sinaktan. Hindi ko na kayang makasama siya ulit. Napakalaki ng galit ko sa kanya Lyka.. hindi ko alam kung paano mawawala tong nararamdaman kong galit' sagot ko at unti unti na namang sumisikip and dibdib ko.
'Sigurado ka bang galit para kay Seb lang yang nararamdaman mo?' Sabay kaming napalingon ni Lyka sa nagsalita.
'Ma' Lyka's mother-in-law
'Hindi ko sinasadyang makinig hija pero pwede ba akong makiupo?' She asked.
'Sige po tita' i replied.
'Yang daddy ni Liro? Naku noon? Ilang beses kong nahuli yang nambabae.. pero sige parin ako ng sige sa pagsasama namin hanggang dumating yung araw na nakunan ako sa dapat sana kuya ni Liro, nakunan ako dahil nahuli ko siyang may iba sa office niya..' nakikinig lang kami ni Lyka sa mommy ni Liro 'like you, nagalit din ako sa mundo.. I even filed an annulment pero hindi sya pumayag at ako naman nagmatigas, kasi alam mo galit na galit ako sa kanya nun.. pero hindi sya tumigil sa pagsuyo sakin hanggang sa napatawag ko siya.' Nakangiting saad nito 'alam mo kung bakit? Kasi napatawad ko na rin ang sarili ko'
'Po?' I asked.
'Kasi sinisi ko siya na nakunan ako pero deep in my heart, alam kong may kasalanan ako dahil ako ang nagdadala sa bata pero hinayaan kung mawala ang anak ko, but then I found the courage to forgive myself. It took long enough to do that, pero pinatawad ko ang sarili ko at tinanggap ko lahat ng nangyari.. tinanggap ko dahil ang galit sa kanya at galit sa.sarili ko ang nagkukulong sakin. Dahil sa galit na yun, natatabunan ang pagmamahal ko sa kanya at sa sarili ko.. hindi sa sinisisi kita hija pero sana.. sana wag kang papayag na matalo ka ng pagsubok sa buhay.. at lalong wag kang papayag na ang galit na yan ang maging rason para masira ang pagsasama niyo... binuklod kayo ng panginoon at wag mong hayaang isang tao lang ang sisira sa inyu.. mahal ka niya.. mahal na mahal ka ng asawa mo.. nagkamali siya.. pero pinagbayaran niya lahat yun.. hindi lang ikaw ang nawalan Sapph.. nawalan din siya ng anak at ng asawa..' hindi ko namalayang umiiyak na ako at hinawakan ni Lyka ang kamay ko.
'Galit din ako kay Seb pero nung nawala ka, walang araw na hindi siya naglalasing, lage namin siyang inaabutang ni Liro na umiinom sa kwarto ng anak niyo.. nagbago si Seb ng mawala ka, naging tahimik at laging tulala.. bago ko lang din nalaman yung dahilan kung bakit siya pumayag sa mga gusti ni Cheska.. dahil lang yun sa utang kaya pala kahit nung nawala ka ay hindi ko siya nakitang sumaya sa piling ni Cheska.. alam mo bang umabot sa punto na binugbog siya ni Liro dahil ayaw na nitong tumigil sa pag-inum.. yun yung araw na dinala siya ni Liro at umiyak siya sa harapan namin.. nagmamakaawang sabihin namin kung nasaan ka..' hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.. ang hirap pakinggan ang paghihirap ni Sebastian, ang hirap malamang nasasaktan din siya.
'I-I have to go' tumayo ako.
'S-san ka pupunta?' Lyka asked.
'Uuwi na muna ako Lyk, tita.. nagugulohan na po ako' i cried and Lyka stood up to hugged me.
'Pag-isipan mong mabuti Sapph.. pero kahit ano pang maging desisyon mo.. rerespitohin ko.' I just nodded and went out..
'Sapph? Sapph' narinig kong tawag ni Seb pero hindi ko siya nilingon at diretso akong sumakay sa kotse.
'Bakit mahal parin kita?' I murmured to myself.
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?