CHAPTER 17: CHESKA

180 2 1
                                    

Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang yabag ng mga paa mula sa hagdan.. pababa si Lyka, bestfriend ni Sapphire. Nakatingin siya sakin at kung nakakamatay lang ang paraan ng pagtitig nito sakin ay baka kanina pa ako bumulagta dito.

'Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?' Deretsang tanong nito.

'Gusto kong makausap si Sapphire.' I replied

'Wala bang nakapagsabi sayong pamamahay namin to ni Liro? Bakit dito mo hahanapin ang asawa ni Sebastian' sumikip ang dibdib ko ng binanggit nito ang salitang asawa..

'Hindi ako tanga, sigurado akong dito siya didiretso.' Matigas na sagot ko.

'Hindi ba? Akala ko tanga ka kasi pumatol ka sa lalaking may asawa.' Napakuyom ako ng palad sa sinabi nito pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

'Hindi pa sila kasal ng maging kami.' I commented.

'Hindi pa nga pero nagsasama na sila so technically, kabet ka nga.' She said nonchalantly..

'Sobra ka naman ata makapagsalita Lyka. Sa tingin mo ba ang bestfriend mo lang ang biktima dito?' I said.

'Kelan naman naging biktima ang tulad mong daig pa ang anay kung makasira ng tahanan? Saka kung nandito man ang bestfriend ko, hindi niya responsibilidad ang harapin ka. Kaya makakaalis ka na' tinalikuran niya ako.

'Sabihin mo sa kanya na kahit saang korte haharapin namin siya.. gagawin ko lahat para mapawalang bisa ang kasal nila.' I murmured.

'Ko? So ikaw lang ang kumikilos? Kawawa ka naman.. sige na. Makakaalis ka na.' Nanginginig ang kalamnan ko sa galit pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Umalis ako sa bahay nila at halos paliparin ko na ang takbo ng kotse ko at parang humiwalay ang kaluluwa ko ng muntikan ng may tumawid na bata at grabeng brake ang ginawa ko... putlang putla ako at nagmamadaling lumabas ng kotse para siguradohing okay ang bata..

'Goodness.' Buti nalang at hindi ko.talaga nabunggo ang bata.

'Jusko.. ano ka ba.. hindi ka nag-iingat sa pagmamaneho.. palibhasa wala ka pa sigurong anak.. halika na Anna' galit na sumbat ng ina ng bata at kinarga niya to paalis sa lugar..

'Meron..' anas ko at tumulo ang luha ko.. 'may anak sana ako.. ' patay na. Lumuluhang bumalik ako sa kotse ko and I bowed my head to the steering wheel.... Pinahid ko ang luha ng magring ang phone ko.

'Hello dad?'

(Where the hell are you?)

'M-may pinuntahan lang po ako dad... pero papunta na ako sa kompanya'

(You better be. Nakapairesponsable mo talaga) nang mawala na sa linya ang daddy ko ay di ko mapigilan nag umiyak ulit.. kaya ko to.. patutunayan ko sa kanila na worth it ako..

Busy si daddy sa ginagawa nito kaya di nito napansin ang pagpasok ko.

'Sir?' Saad ko.

'Maupo ka' he muttered without looking at me.

'Bakit po?' I asked kaya inangat niya ang ulo niya.

'Gusto kong asikasuhin mo yung project natin sa Las Piñas.'

'P-po? Pero paano po yung anak ni Barromeo?' Tanong ko.

'May inaasikaso pa daw kaya baka next week na magpapakita.. kaya asikasuhin mo muna ang ibang bagay..' tumango lang ako

'S-sige po sir' patayo na ako ng magsalita ito ulit.

'Kumusta ang annulment ni Sebastian sa asawa nito?' Nanigas ang katawan ko bago ako nagsalita.

'M-malapit na pong matapos,' i lied..

'Siguradohin mo lang na hindi lalabas sa media yan... nakakahiya kung nagkataon' galit na saad nito at tumango lang ako ulit.

15 years old palang ako ng mamatay ang mommy ko dahil sa sakit, dinamdam ng daddy ko yun at nagsimula na tong maging aloof sa mga tao pero sakin ay nanatiling mabuting ama ito until Seb come's along...

'Ano? So anong gagawin mo? Papatayin ka ng daddy mo kapag nalaman niya yan Cheska ' bulalas ni Amy.

'Alam ko.. pero anong magagawa ko. Eh ayaw niya, hindi siya pipirma.' I said..

'Natural. Siya nag asawa, karapatan niya yun. Eh kung pakawalan mo nalang si Seb.. para hindi na to lumaki' sabi nito habang nagsasalin ng juice sa baso

'Ive come this far for Seb at isusuko ko nalang sya? No way Amy.. hindi ako papayag. Walang pwedeng maghiwalay samin.' Sagot ko sa kanya.

Hindi ako mapalagay kaya naisipan kong tawagan si Seb pero hindi siya sumasagot so I decided na puntahan nalang siya sa opisina niya.

'Nasa meeting? Ganun ba? Sige salamat. Pakisabi na hihintayin ko siya.' Saad ko.

'Kasisimula palang po ng meeting nila baka matagalan po yun maam' his secretary stated.

'Sige.. magkakape nalang muna ako' umalis na ako at naisipan ko munang magpunta sa malapit na coffee shop. Papasok na ako sa cafe ng makita ko agad si Sapphire na nakaupo sa isang table, di na ako nagdalawang isip na lapitan siya.

SAPPHIRE'S POV

May meeting la daw si Lyka kaya naisipan ko munag hintayin nalang siya dito sa coffee shop dahil ayokong magpunta sa kompanya nila at baka magkrus lang ang landas namin ni Sebastian. Tinitext ko ang kapatid ko sa US ng mapansin kong may lumapit sakin.

'Ang aga namang-' pero natigilan ako ng tumingala ako pero si Cheska ang nakita kong nakatayo.

'Anong ginagawa mo dito? Sinong hinihintay mo? Si Seb ba? Ha?' Diretsang tanong nito.

'Kung oo, anong pakialam mo?' Sagot ko at sumandal ako sa upuan.

'Wala ka bang delikadesa? Talagang pinamumukha mo saking naghahabol ka?' Matapang na bulalas nito.

'Delikadesa ba kamo? Eh ikaw ba? Naubos na ba ang delikadesang baon mo at harap harapan mong binabakuran ang asawa ko?' Talagang diniinan ko ang salitang asawa.

'Asawa mo na iniwan mo, asawa mo na ngayon nasa piling ko. Kasal nalang ang nag-uugnay sa inyo kaya wala kang karapatang angkinin siya' sagot nito at halatang may ibang nakakapansin na samin.

'Tama ka, kasal ang nag-uugnay samin ni Sebastian and that gives me all the right to own him. Ako pa rin si Mrs. Del Real at wala kang magagawa dun dahil kahit anong gawin mo, mananatili kang mistress.' Tumayo ako nagpakatatag. Tama, kung meron mang mas may karapatan samin, ako yun! Ako lang!

'Hayop ka-' akmang sasampalin niya na ako ng biglang may pumigil sa kamay niya t itinulak siya kaya muntikan na siyang matumba buti at nakahawak siya sa upuan,

'Talagang ayaw mong tantanan si Sapphire no?' Naiiritang tanong ni Lyka. 'Saan mo ba pinag-aralan yang kakapalan ng mukha mo at ikaw pa talaga ang may ganang gumawa ng eksena.'

'Wag kang mangingialam dito Lyka..' ganti ni Cheska. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

'Makikialam ako dahil bestfriend ko ang ginagago mo. Aba eh, totoo nga kung sino pa ang kerida ay siya pa ang matapang, hoy gumising ka. Kabet ka lang kaya wag kang umastang asawa.' Bulyaw ni Lyka at nagpalinga-linga si Cheska ng mapansing nagbubulongan ang mga tao sa paligid.

'Matapang lang kayo dahil may papel pang nagsasabing kasal kayo mi Seb, tingnan lang natin kung mapawalang bisa na ang kasal niyo.. ' huling hirit nito bago padabog na nilisan ang coffee shop.

'Okay ka lang?' Baling ni Lyka sakin.

'Oo.. wag kang mag-alala, hinding hindi ako magpapatalo sa babaeng yun' I fiercely answered.

Game on!

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon