CHAPTER 33: SAPPHIRE

162 3 0
                                    

'talaga? So ano? nagkabalikan na nga kayo?' Lyka asked excitedly.

'well, sort of but technically hindi naman talaga kami nagkahiwalay diba? lets just say na unti-unti na naming naaayos ang gulo sa relasyon namin..'

'well that's good to hear.. sana tuloy-tuloy na' she replied.

'ahhyyy, oo nga pala may hindi ako nakekwento sayo.'

'ano yun?' dali-dali itong umupo sa tabi ko 'dali-dali..'

Ikwenento ko sa kanya ang nangyaring confrontation namin ni Cheska pati ng daddy niya sa kompanya nung nireveal ko ng ako ang anak ni Mr. Barromeo. Tumatango tango lang siya, okay na to dahil nasa site din sila Liro at Sebastian.. kami lang ang naiwan ni Lyka sa lobby at nagkukwentuhan lang..

'talaga? sinabi niyang baka siya pa rin ang piliin? Aba ha.. ang kapal-kapal ng mukha ng babaeng yun.. eh ano? yung sinampang annulment? kumusta naman yun?'

'eh mag-iisang buwan na next week at 100% positive naman kami ni Seb na magiging okat na ang lahat.. siya na daw mismo ang kikilos para matapos na ang kagulugang to.'

'aba dapat lang no, siya tong nagloko eh, dapat nga matagal niya ng inayos. kakaloka siya ha'

Palipat-lipat nalang kami ng pwesto ni Lyka habang hinihintay silang makabalik.. at pasado alas tres na ng hapon ng nakabalik sila, sabay namin silang sinalubong ni Lyka.

'talaga?' nakangiting bulalas ni Lyka. 'magho-horseback riding tayo?' para siyang batang nakakapit kay Liro.

'oo nga babe.. kaya sige na, mag-ayos na kayo at ng makaalis na tayo.'

'sana kasi nagtext ka man lang tapos ngayon mamadaliin mo ako.. aba ha' nagkatinginan kami ni Seb at hinalikan ko siya sa pisngi.

'I missed you... kung hindi lang delikado sa site ay isasama kita babe eh' malungkot na tugon nito.

'ano ka ba.. okay lang babe.. namiss din naman kita.' he hugged me and I wrapped my arms around him too.

Pareho kaming nag-eenjoy ni Lyka sa pagho-horse back riding.. bata pa ako ng maranasan ko to.. nung mga panahong sa bahay pa namin umuuwi si daddy.

'babe.. ingat ha?' sigaw ni Seb na nasa labas ng fence na iniikot-ikotan namin.

'babe.. ikaw din ha?'

'tse..' natawa naman ako sa sagot ni Lyka sa asawa.. sira-ulo talaga tong babaeng to, may tupak ata.

'hoy.. bakit ang init ng ulo mo sa asawa mo' tanong ko.

'ewan ko ba.. parang naiirita talaga ako sa mukha ni Liro eh' nagkibit-balikat nalang ako sa pinagsasabi niya 'wooo...' sambit ni Lyka ng biglang hindi mapakali ang sinasakyan niyang kabayo. Napalingon akobsa gawi niya 'wooo.'

'what happened? Lyka ingat.. ingat' nag-aalalang bulalas ko not knowing that something bad will happen to me.

'ewan ko bigla.. ayyyyyy!' napasigaw ito ng biglang tumakbo palayo ang kabayo ko.. 'Sapphireeee!'

'wooo... woooooo' ginawa ko ng lahat pero ayaw niyang tumigil sa pagtakbo..'Jusko.... ayyyy!' napahiyaw ako ng tinalon nito ang kahoy na nagsisilbing bakod para hindi makalabas ang mga kabayo sa loob ng parke.

'SAPPHHHHH!' Napalingon ako sa likuran ko at sa di kalayuan ay nakikita kong sakay-sakay din si Seb ng itim na kabayo at may dalawa siyang kasama na nakasakay din sa ibang kabayo.

'Seeeebbbb' mangiyak-ngiyak na sagot ko.. parang sinlakas ng takbo ng kabayo ang kaba sa dibdib ko. 'tama na pleaseeee, huminto ka na' tuluyan ng pumatak ang luha ko, sobrang nanginginig ang buong katawan ko sa takot, parang gusto ko ng tumalon dahil sa lakas ng tabko ng kabayo.. Mas lumakas ang sigaw ko ng bigla nalang pumreno ang kabayo at nagwala... hindi ito tumigil sa pagwawala, napakapit ako sa lubid na nakatali dito. 'AYYY!!!!!!!!!!' And the last thing I saw was the face of Seb running towards me bago ako tumama sa matigas na bagay. 'Sapphhhhhh'

SEBASTIAN'S POV

Kung pwede ko lang paliparin ang kabayong sinasakyan ko ay ginawa ko na para abutan ang kabayong tumangay kay Sapphire pero mas tumindi ang kaba ko ng makitang huminto at nagwala ito, agad akong bumaba sa kabayo ng makalapit kami para sana saklolohan si Sapphire pero huli na at huminto sa pagtibok nag puso ko ng makita ko siyang nahulog sa lupa at hindi na gumalaw. 'SAPPHHHHHHH!' nagsitakbohan na rin ang mga kasama kong humabol kay Sapphire at tinulungan ako kay Sapphire na nawalan ng malay.. parang tambol ang tibok ng puso ko ng makitang may dumadaloy na dugo sa mukha ni Sapphire mula sa noo nito.

'Sapph.. Sapph' hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya na sila Liro mismo ang tumawag. 'jusko.. babe.. please gumising ka.. Sapph'

Nasa labas kami ng emergency room nila Liro at Lyka, maya-maya ay dumating ang dalawang tauhan ng horse ranch na pinuntahan namin kanina pinaliwanag nila na may nakita daw tatlong laruang ahas sa pinagyarihan ng pagkahulog ni Sapphire na siyang naging dahilan ng pagwawala ng kabayo at naihulog nito si Sapphire..

'dun din po mismo sa iniikot-ikutan lang nila ni Maam Lyka, may nakitang laruang ahas kaya siguro nastress ang dalawang hayop at nagwala ang isa.. humihingi po kami ng paumanhin sa nangyari Sir.. maam!' tumango si Lyka at napakapit kay Liro.

'bakit niyo naman hinahayaan ang ganun pangyayari sa rancho niyo?' galit na saad ni Liro na nakaakbay kay Lyka.

'yun nga po ang pinagtataka namin Sir eh.. wala naman hong mga bata na pwedeng maglaro ng mga ganung klaseng laruan sa rancho namin kaya hindi po namin alam kung paano nagkaroon ng ganun sa rancho'

'Anong ibig niyong sabihin?' napatayo ako at napahawak sa bulsa.. nakakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi nito.

'imposible po kasing galing sa rancho namin ang mga nakitang laruan na naging sanhi ng pagwawala ng dalawang kabayo dahil wala pong anak na bata o kahit apo ang may-ari ng rancho at malawak po ang sakop naming lupa, malayo sa mga kapit-bahay kaya nakakapagtaka kung bakit may mga natagpuang ganoon sa lugar namin.' pagpapaliwanag nito.

'ang ibig niyong sabihin may sadyang naglagay ng mga laruang yun para may maaksidente?' nabe-bweset na tanong ko.

'ayaw naman ho naming kumpirmahin pero parang ganun na rin po Sir.. at malamang po ay kayo ang target talaga ng gumawa non' mahinahong paliwanag nito.

'ano???' hindi ko mapigilamg di magtaas ng boses.

'kayo lang ho kasi ang guest namin ngayong araw dahil kayo po mimso ang humiling na ipaprivate ang oras ninyo hindi po ba?' paliwanag ng isa. 'at halatang sinadya po sir dahil yung lugar na may laruang ahas ang tanging lugar na matatakbuhan ng kabayo kapag nakawala sa kwadra o sa lugar na iniikotan ng mga ito..' napakuyom ang kamao ko at napalingon ako sa pinto ng emergency room, sinadyang saktan si Sapphire? 'gayunpaman ay hindi ho namin pababayaan si maam dahil sa rancho ho nangyari ang aksidente..' hindi ko na alam ang sunod na sinabi nito.. napaupo ako at nag-isip.. sino ang gagawa nito? Kung sino ka man, wag na wag kang magpapahuli.. mapapatay kita'

And it did not stop there.. danger just keep on coming.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon