CHAPTER 28: SEBASTIAN

191 1 0
                                        

My one hand is controlling the steering wheel while my other hand is trying to reach Amy. Cheska's friend.

'Yes.. its me.. Si Seb to.. Hindi ko matawagan si Cheska! I need to talk to her.. no... I mean now! No Amy, this is urgent... okay.. okay salamat' I ended the call.

Tahimik ang condo ni Cheska, I know het combination. My birthday so I entered her condo instantly. Wala siya sa sala, wala din siya sa kitchen niya, even in her room so I went to her mini bar and I saw her brought the shot glass on her mouth.

'Cheska' i muttered... lumiwanag ang mukha nito ng makita ako.

'Babe.. you're here.' Nagmamadaling lumapit ito sakin. Halatang kanina pa siya umiinom. She tried to touch me pero umiwas ako.

'Can we talk.' Matipid kong saad. She sighed at bumalik sa mini bar, nagsalin siya ulit ng Skyy sa shot glass at diretsang nilagok.

'Yeah.  Sure! Anything you'd like to drink?' She asked without looking at me.

'You accused her of consumnating marriage? Are you out of your mind?' She glance at me then she grin.. lasing na siya. 'Cheska!' Singhal ko but she just laugh, nilapitan ko siya ng akmang magsasalin na naman siya ng alak ay kinuha ko ang baso at inihagis sa hangin, nagulat siya sa ginawa ko at nasampal ako, pero nagbago agad ang reaksyon ng mukha nito matapos akong sampalin.

'I-Im sorry Seb.. b-binigla mo ako' mangiyak ngiyak na saad nito.

'Cheska.. lets stop this! Tama na, tigilan mo na to. Im trying to fix everything.. sinusubukan ko ng ayusin ang marriage namin ni Sapphire. Utang na loob, tigilan mo na kami..' I said and she glowered at me, halatang galit na galit siya sa sinabi ko.

'No! After all Ive done for you, ito ang igaganti mo? When your dad was hospitalized and you had nothing because you gave up your job to find her, I paid everything for you, his medications, at kung hindi dahil sakin, matagal ng naipakulong ng daddy ko ang sugarol mong ama, pati ang farm niyo? Matagal na sanang nawala sa inyo kung di lang ako nagmakaawa sa daddy ko.. wala kang utang na loob. ' panunumbat nito at kung di lang siya babae, malamang pinatulan ko na siya.

'If I only had a choice that time, I would have not accepted your help, at kung alam ko lang na ganito ka kasama Cheska..hindi sana kita nilingon nung araw na tinawag mo ako.. babawiin ko na ang annulment case.. sana palayain mo na ako' i said before I turned my back on her pero pinigil niya ako, she keep pulling my arm..

'No.. hindi ako papayag.. mahal kita... mahal na mahal kita. Hindi ko kaya.. hindi ko kakayanin.. ano bang gusto mo? Lumuhod ako? Gagawin ko, just tell me.. sabihin mo lang kung anong gagawin ko para ako naman ang piliin mo.. Seb please.. mahal kita.. mahal na mahal kita.' She begged at ayoko man siyang nakikitang nagkakaganito, hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.. hindi ko siya kayang piliin.

'Cheska.. tama na.. hindi mo kelangang magmakaawa.. look at yourself.. I'm sorry.. i'm so sorry.. but I cant choose you. I dont love you Cheska.. sana matanggap mo yan' pinilit kong tanggalin ang kamay niya at ng makawala ako sa pagkakahawak niya nagmadali akong lumabas pero sunod parin siya ng sunod hanggang sa labas ng unit niya ay sinundan niya ako, umiiyak na nagmamakaawa.

'Seb no.. please.. no. Dont leave me, ako ang mahal mo.. ako lang ang mahal mo.' She pleaded, she tried to kiss me but I held her shoulders..

'T-tama na.. Cheska.. ano-'

'Hayop ka!' But before I could even say a thing biglang sumulpot si Sapphire at kinaladkad palayo sakin si Cheska at pinagsasampal.

SAPPHIRE'S POV

Hindi ko alam kung bakit grabe ang kaba ko.. ikalawang pagkakataon ko na tong tumapak sa teritoryo ni Cheska pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon.. hindi kasi ako mapalagay na hinihintay lang si Seb sa unit namin.. napahawak ako ng mahigpit sa shoulder bag ko habang unti unting bumubukas ang elevator.. pero parang natuyo ang dugo ko sa katawan ng makita kong pinipilit ni Cheskang halikan si Seb kahit niyuyugyog na nito ang balikat niya.

'Hayop ka..' Napalingon sakin si Seb but it was too late.. I grabbed Cheska by the hair and pushed her to the ground.. hindi paman siya tuluyang nakakatayo ay sinampal sampal ko siya.

'Haliparot ka, malandi kang animal ka.. putang ina mong babae ka.' i yelled at her while pulling her hair..

'Ano ba.. bitawan mo ako.' Panlalaban nito, she's trying to push me, kicked me pero hindi ko siya binibitawan..

'Sapph no.. Sapph..'sinusubukan akong ilayo ni Seb but the more he pulled me away ay mas kumakapit ang kamay ko sa buhok nito.

'Sapphire.. tama na.. tama na..' sinusubukan niya parin akong itulak hanggang sa pareho kami nadapa sa floor 'let me go...' sigaw nito but this time, nahawakan nito ang buhok ko.. 'bweset ka..let me gooooo'

'Stop it.. stop it' Seb forcely pulled me pero pareho na kaming may kapit ni Cheska.. she pulled my hair but I got the chance to slapped her again and again,

'Ang kapal ng mukha mong kabet ka.... homewrecker...' I grabbed her blouse at kinaladkad ko siya patayo..

'Arayyyyy! Tama na...' she begged when she's no longer holding my hair...

'Stop it.. stop it.. tama na Sapph..' pumagitna na si Seb pero talagang ayokong bitawan ang buhok ni Cheska.. ibinuhos ko na lahat ng galit ko sa kanya.. unti unti na ring naglalabasan ang ibang tao.

'Oh my god, Oh God.. stop it.. tama na' dumating ang kaibigan ni Cheska at tumulong na paglayuin kami, Seb pulled me and Amy took her away..

'Hayop ka.. manang mana ka sa ina mong walang pinag-aralan..' sigaw nito.. at mas uminit ang ulo ko.. itinulak ko si Seb at agad ko siyang tinakbo, sinubukan akong pigilan ni Amy but I caught them off guard at sunod sunod na sampal ulit ang inabot ni Cheska sakin.

'Damn it.. tama na.' Hinila ako ni Seb..

'Ang kapal ng mukha mo Cheska.. papatayin kita.. papatayin talaga kita.. punyeta ka..' dinuro duro ko siya.

'Hindi mo lang matanggap na pumatol sakin ang asawa mo dahil boring ka.. wala kang kwentang asawa..' balik sigaw nito.

'Stop it Cheska... tama na' sigaw ni Seb na mahigpit akong hinahawakan hanggang sa may securities na dumating at pinilit kaming pababain.. Seb gently pulled me to the elevator..

'Hindi pa tayo tapos..' i pointed her.

'Talagang hindi pa' she replied.

'Tama na Cheska' sita ni Amy sa kanya. Nanginginig pa ang katawan ko sa galit habang nasa elevator kami hanggang sa makarating kami sa baba at naglakad papuntang parking lot, kinausap saglit ni Seb ang mga guardiya at humingi ng despensa.

'Sapph.. ' he stated while we're in the car.

'Pagsisisihan niya to.. she'll pay for this.' He sighed pero hindi na to.sumagot sa halip ay hinawakan niti ng mahigpit ang kamay ko..

LOVE AND MISERYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon