(But wait, before anything else. Sa last part kasi sa last chapter na sinabi ni Sebastian 'SI LYKA' no loves, it should be 'SI SAPPHIRE!' at ilang beses ko ng sinubukang i-edit pero ayaw talaga mapalitan eh kaya heto ako at pinapaliwanag ko sa inyo and im sure na na-gets niyo naman. Salamat)
SAPPHIRE
Hindi talaga ako mapakali, hindi pa tumatawag si Sebastian at kanina pa ako pabalik balik ng paglalakad. I tried to call him and Lyka, even Liro pero pareho silang hindi matawagan. Ano bang nangyayari?
'Damn it.. bakit pareho silang hindi matawagan?' padabog na umupo ako sa sofa at pinipilit paring tawagan si Seb.
Itanggi ko man pero parang konektado ang mga nangyayari, paano kung tama ako? paano kung hindi lang ako nagpapakapaanoid? What if something or someone is trying to harm me? Or Seb? yung sa Tagaytay, yung insidente kagabi at ngayon ang nangyari sa site nila Seb? What if everything is connected to each other? At paano kung tama kami ni Seb ng hinala? Kung tama kami, then Cheska went way too far, nagawa niyang manakit ng ibang tao dahil- Naputol ang iniisip ko ng biglang nagring ang phone ko, napabalikwas ako ng tayo at agad kong sinagot
'hello? Yes this is Sapph- WHAT? OH MY GOD! Saang hospital?' naiiyak na tanong ko. 'Jesuuusss, sige pupunta na ako jan' nagmamadali kong kinuha ang bag ko at agad na lumabas ng unit.
Palabas na ako ng building ng mahagip ng mga mata ko si Cheska na patakbong papasok ng building.
'Anong ginagawa niya dito?' bulong ko sa sarili ko pero bago paman ako nakagalaw ay umalingawngaw sa buong paligid ang isang malakas na pagsabog.. natulala ako ng sa isang iglap lang ay makita kong nagkagulo ang mga tao at mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makitang ang mismong pinagparkingan ko ng kotse ang pinanggalingan ng pagsabog.
'What the- ayyyyyyy!' napahiyaw ako ng biglang may magtakip ng mukha ko gamit ang isang piraso ng tela.. 's-sino..' sinubukan kong manlaban pero talagang malakas ang taong nakayakap sa likuran ko, kinaladkad niya ako papasok sa isang itim na van.. 'tulong...t-tul-' Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil biglang umikot ang paningin ko at nawalan ako ng malay and the last thing I heard is the slamming of the van's door.
(after almost 3 hours of being unconscious)
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko, I blinked thrice before I fully opened my eyes.. parang ang bigat ng pakiramdam ko, sinubukan kong tumayo but I failed when I noticed the my feet are being chained.
'Jusko..' bulong ko sa sarili, nagsimula ng umahon ang kaba ko ng mapagtantong nasa loob ako ng isang kwarto.. pinakiramdaman ko ang sarili ko.. Was I raped? no, hindi ako na-rape! sinubukan kong gumalaw pero hindi kahabaan ang kadenang nakatali sa paa ko kaya di ako makapaglakad ng maayos. Nasa isang kama ako, nilibot ko ang paningin sa buong kwarta, maliban sa kamang inuupuan ko at mesang nasa harap ko, wala ng ibang gamit sa loob ng kwartong to.
'Nasaan ako? Nasan akooooo!' nagsimula na akong maghesterya dahil sa kabang nararamdaman ko.
'Anong nangyayari? Tulong.. tulong!!' sigaw ko pero bukod sa palagay ko ay ingay mula sa mga alon ng dagat ay wala na akong ibang naririnig na ingay..'tulong!!!" I kicked and kicked, nagbabakasakaling masira ang kadena na nakatali sa mga paa ko.
'TULONGAN NIYO AKOOOOOO!'
Napamura ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na mukha.. Holy Fuck!
'ang ingay mo.. sa tingin mo may makakatulong sayo dito?' nanlumo ako ng makita kung sino ang nasa likod ng pangingidnap sakin..
'IKAW?' mangiyak-ngiyak na sambit ko.. Im dead!
CHESKA'S POV
Nasa loob ako ng opisina ko at kausap ko si Amy, nagsorry ako sa kanya at nangako akong magbabago na ako dahil narealized kong tama ang mga sinabi nila sakin.. kelangan ko lang simulan, I just need to take the first step and everything will follow.
'So this is it? Magsi-' Natigil ng usapan namin ng magring ang phone ko.
'wait Amy..' nakangiting tumango ito ng sagutin ko ang phone ko.
'Hello? HA?' Napahawak ako sa dibdib ko, napansin ko ring napatayo si Amy.. 'sigurado ka? ngayon lang? Oh God..' hindi ko maintindihan ang sarili ko ng marinig ko ang balita, worries rose from my heart.
'anong nangya-'
'im sorry Amy..ill talk to you later' dali-dali kung kinuha ang sling ko at patakbong lumabas ng opisina.
Sumabog daw ang bagong site nila Seb? hindi ko matawagan si Sebastian at kahit anong gawin ko ay di ko maiwasang matakot.. Why is he not answering? pinaharurot ko ang kotse at panay ang dasal ko na sana okay lang si Seb.. sana okay lang sya.. bahala na kung anong mangyari, dederetso ako sa condo nila, for the last time, I just want to know that he's fine.
Patakbong tinungo ko ang condo building nila kaya di ko namalayan na halos nagkasalubong lang kami ni Sapphirre.. dumiretso ako sa elevator at siyang pagpress ko palang ay nawindang ako ng marinig ko ang isang malakas na pagsabog mula sa labas.. tumakbo ulit ako sa labas ng building at napansin ko agad na sa parking lot na pinagmulan ng pagsabog, nagsimula ng magkagulo ang mga tao at nagsitakbohan mula sa parking area, nagpapanic na ang mga tao, I took my phone to call Seb again ng may mahagip ang mata ko sa may di kalayuan.. parang may isang taong kinakaladkad papasok sa isang van..
'Oh my god..' I blurted out upon realizing that the woman getting dragged is... Sapphire? 'Tulong.. tulong may kini-' nabunggo lang ako ng mga taong nagkakagulo dahil sa pagsabog..tumakbo ako patungo sa van but I am too late dahil nakaalis na ito..
'SAPPHIREEEEEEE!' sigaw ko kahit alam kong imposibleng marinig niya ako because the last thing I saw was she fainted..
'Cheska? Cheska!' kabado akong napalingon at si Sebastian na pawisan ang nalingunan ko.
'Seb?' my voice is shaking..
'Cheska.. anong gina-'
'Sapphire's gone...' I butt in and he seemed confused..
'What are you saying?'
'Si Sapphire...' I paised and his eyes darkened.. 'she's kidnapped.
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomansaDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?
