CHAPTER 41: SAPPHIRE

187 1 0
                                    

Para akong nanlumo.. hindi para sa sarili ko kundi para kay Cheska.. oo galit ako sa kanya, galit na galit dahil sa pagsira niya sa buhay ko pero hindi ko maiwasang maawa, all this time she's been searching for love na pinagdamut ng sarili niyang ama sa kanya.. nagagawa nyang lahat para sa pag-ibig dahil buong buhay nya, inaasam niyang mahalin at pahalagahan sya. She may have done something to me, pero pareho lang kaming nawalan.. nawalan siya ng anak at ng ina.. pareho kami ng naramdaman dahil naramdaman ko lahat ng sakit ng mawala sakin si mommy at ang baby ko.. iniwan ko si Seb pero nanatili siya sa piling ng asawa ko.. nanatili siyang nagmamahal sa kanya. Pareho lang kaming biktima ng pagkakataon, pareho lang kaming may ipinaglalaban.. at pareho lang kaming nagmahal.. nagkasala sya, nagkasala din ako. Kahit sino ayaw ang ganitong sitwasyon pero pinaglaruan kami ng tadhana.. pareho kaming nagmahal ng isang lalaki. Pareho kaming nasaktan at naloko, bumangon at lumaban, nasa ganitong sitwasyon kami dahil pinili kami ng pagkakataon, hindi dahil kami ang pumili ng sitwasyong to, dahil kahit sino ayaw makaranas ng sakit na pareho naming dinanas ni Cheska..

Nagmahal lang siya.. sa maling tao, sa maling pagkakataon at oras.. nagmahal siya ng lalaking nakatali na ang puso sa iba.. now I envy her.. naiinggit ako sa klase ng tapang na meron siya, sa klase ng dedikasyong pinakita niya.. ako? binagyo din ng tadhana ang buhay ko pero minsan akong sumuko, nagpatalo sa problema at tumakas but Cheska.. she remained firm and strong, mas pinatibay ng buhay ang loob at pagkatao niya at- napatayo ako ng may marinig akong putukan sa labas.

'A-anong nangyayari..' bulong ko sa sa sarili.

'Daddy.. wagggg' narinig ko ang sigawan sa labas at sinubukan kong tumayo pero mas lumala ang sakit ng puson ko at nakatali ang paa ko.

'Nasaan si Sapphire..' Oh my God.. si Sebastian.. he found me.

'S-Seb..' I tried to shout, to scream but my pain gets worse. 'n-nandito ako..'

Napasinghap ako ng biglang bumukas ang pinto at tumakbo patungo sakin ang daddy ni Cheska napahiyaw ako ng bigla niya akong pinatayo at itinutok ang kutsilyo sa leeg ko at ang baril nakatutok kay.. Sebastian?

Pumasok si Seb na may dalang baril na nakatutok kay Leon Alcantara na hinohostage ako.. humakbang si Seb kaya napaatras si Leon.

'Daddy nooooo...please drop your gun.. pakawalan mo na si Sapphire' umiiyak na pakiusap ni Cheska.

'Pakawalan mo ang asawa ko..' nanggigigil na sambit ni Seb.

'S-Seb..' bumaba ang tingin niya sakin at nakita ko ang takot sa mga mata niya.. Oh Seb..

'Bitawan mo siya...' may ibang pulis na pumasok na rin..pero nakatuon ang atensyon ko sa ama ni Cheska na isang maling galaw ko lang ay mapapatay ako, kay Cheska na nakatayo, umiiyak at sinusubukang pakalmahin ang demonyo nyang ama..at kay Seb.. lay Seb na nanginginig ang kamay na may hawak na baril, We're forming a triangle.. pumikit ako ng mas dumiin ang kutsilyo sa leeg ko, naramdaman ko ang hapdi sa balat ko.

'Sige.. subukan niyo.. subukan niyong lumapit at sabay kaming mamamatay ng babaeng to.' pagmamatigas nito.

'hold your fire men.. hold your fire.' sigaw ng isang pulis ng akmang may magpapaputok na.

'tama na.. maawa ka.. bitawan mo ang asawa ko. pakawalan mo na siya..' Seb's face soften at nanginginig ang boses niya.

'NO!' sigaw ng daddy ni Cheska..

'Oh my God.' napatili si Cheska. 'Sapphire..' sinundan ko ang paningin niya at naramdaman kong may likidong gumagapang sa binti ko...my tears fell when I realized....its blood.. blood is flowing down my thighs..

'No... nooooooo... p-please nooo' Naghysteria ako at pinipilit kong gumalaw ng maramdaman ko ang sakit na gumapang sa puson ko.. 'huwagggggg...'

'Tumigil ka..' bulyaw ng daddy ni Cheska pero patuloy ako sa pagkilos dahil hindi ko na kaya ang sakit..

'WAG!' Sigaw ni Sebastian..

'Ayaw mong tumigil ha edi sabay na tayong magbyaheng impyernooooo'

'NOOOOOOOO!' halos sabay na sigaw ni Sebastian at Cheska.. tumakbo patungo samin si Seb.

'Daddyyyyyy!' at sunod sunod na pagputok ng baril ang narinig ko bago dumilim ang paningin ko.

------------------------------------

I feel like being carried and I tried to open my eyes but it felt so heavy.. I heard a lot of voices but I cant recognized anyone.

'One.. two ...three.' I heard someone count then I felt something cold behind me..

'Si Seb... God noooooo..' I know his voice.. I know him..

'Liro..' Liro.. 'Sang hospital sila dadalhin..' Sila? I heard Lyka sobbed. Patuloy parin ang ingay sa paligid ko, patuloy ang paggalaw ng hinihigaan ko.. at walang tigil ang ingay ng ambulansya... Then I suddenly felt dizzy.. I feel so empty, I closed my eyes and drifted away.

____________________________________

I feel like im being pulled by someone... Im being touched by someone.. nooo, maraming kamay, a lot of voices.. I could hear their heartbeat.. I could feel everyone's in panic mode.. I breath.. I breath again..and I tried to open my eyes.. then I heard someone says..

'She's back.. vital signs went back to normal..' napasinghap ako ng maaninag ang maraming mukha na nakapaligid sakin.. Inikot ko ang paningin sa paligid, and all I saw are unfamiliar faces na may mga tabon sa mukha.. then I saw some machines.. tapos biglang may narinig akong ingay.. ingay mula sa isang machine.... napadako ang paningin ko sa kabilang kama... someone's lying in their..

'Doc Reyes.. I need your help.. he's losing it..' nagsimula na namang magkagulo sa loob at mas lumakas ang ingay mula sa isang machine.. Nasa hospital ako.. im weak.. and I could barely see clearly.. 'Doc.. he's not gonna make it.. he's losing it...' nagmadali itong umalis at may kinuha. nakasunod lang ang paningin ko sa bawat galaw nila and I cried upon realizing that... Its Seb..and he's losing it...

'N-nooooo..' I whispered and no one seems to hear me.. 'N-nooo S-Seb... please nooo.' then I heard it again..

Parang ako ang namatay ng mahagip ng paningin ko ang machine na kanina pa tumutunog...

'Doc...' they all stopped..and the last thing I heard before I fell into a deep sleep is... Flat line...


AUTHORS NOTE:

Hello kung sakali mang may magreak sa ahhmm mga pangyayari sa loob ng ospital.. pasensya na po kasi ano, tinamad akong iresearch ang mga equipments sa loob ng hospital saka ang mga right terms pagmay-inooperahan saka wala talaga akong kaalam alam sa mga medical terms kasi puro assets, debit, debt, credit, cash flow at audit ang naeencounter ko sa loob ng classroom namin... hahahahaha. Langya!

Saka isipin niyo naman, katulad ko business.ad din ang tinapos ni Sapphire kaya wala din siyang alam sa mga nakikita niya sa loob ng emergency room. hahaha (lusot)
Saka, nalilito at nahihilo na rin siya kaya wala na siyang time na isa-isahin ang mga machine at medical terms (lusot again) and lastly, kagagaling niya lang sa traumatic na kidnapping melet kaya ganun, tuliro pa si dear Sapphire kaya kayo ng bahalang umintindi. hahaha

SALAMUCH LOVES.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon