CHAPTER 15: SEBASTIAN

168 2 0
                                    

Hindi lang pala ako ang nakatanggap ng e-mail mula kay Sapphire. Tuwang tuwa ako ng makita ko ang pangalan niya pero gumuho ang mundo ko ng mabasa ko.

'I want an annulment.. and I want it very soon' yun lang pero sapat na para mawala ang katiting na pag-asang bumalik siya sakin.

'See? Hindi tayo mahihirapan sa annulment. Si Sapphire na mismo ang gumawa ng unang hakbang. All we need to do now is to show up.. Seb.. cant you see? We are really meant to be. So what do we do now?' She asked excitedly.

'Ikaw ang bahala, ikaw naman may gusto nyan.' Matabang kong sagot.

'Seb naman, i need your cooperation?' Bulalas nito ang I turned to face her.

'Bakit Cheska? When you plan to file annulment, did you consult me?' Walang gana kong tanong at mangiyak ngiyak siyang tumitig sakin. 'Well then, do as you please'

'Ano bang gusto mo? Na pare-pareho tayong maging miserable? Bakit di mo nalang tanggapin na ako na ang nandito ngayon at si Sapphire, baka nakahanap na siya ng iba.' She exclaimed.

'Oo Cheska, total pinagpipilitan mo ang sarili mo sakin pwes dalawa tayong maging miserable at kung nakahanap man ng iba si Sapphire? Ipagdadasal kung tratuhin sya ng maayos. Alam mo ba kung gaano kasakit yun para sakin Cheska? ALAM MO BA?' She took a step back ng magtaas ako ng ng boses. 'Sobrang sakit Cheska.. napakasakit na yung taong mahal na mahal mo ay makakahanap ng iba?' Hindi ko mapigilang maluha sa tuwing iniisip kong may iba ng nagpapasaya kay Sapphire. 'Pero magiging masaya ako para sa kanya, she deserves to be loved because she's nothing like you.. she's an amazing woman Cheska.. walang wala ka sa kanya.'

'Shut up.. shut up.. kung walang wala pala ako bakit natukso kang mahalin ako noon, minahal mo ako noon. Mahirap bang ibalik yun?' Umiiyak na tanong ni Cheska.

'Ikaw ang lapit ng lapit sakin at lalaki lang ako Cheska.. pero kahit kelan hindi kita minahal.. natukso lang ako at sobrang pinagsisihan ko yun.. lahat ng may koneksyon sayo pinagsisisihan ko.' Hindi ko na siya pinasagot at padabog kong sinara ang pinto. Ayokong makasakit, ayoko ring saktan si Cheska dahil pareho naming ginusto ang mga nangyari samin noon pero hindi ko mapigilang mamuhi sa kanya.. walang katulad ang pagiging makasarili niya.

'Nagfile na si Sapphire ng annulment? Sigurado ka?' Nagtatakang tanong ni Liro.

'Oo ba't parang gulat na gulat ka?'
Tanong ko bago lagukin ang in can na beer.

'W-wala lang. Matagal na rin kasing walang paramdam si Sapphire eh diba? Tapos biglang nagfile na ng annulment? Sagot ni Liro.

'Gusto niyang magset ng date para makaharap namin ang abogado nya.' Nakayukong sagot ko.

'Eh paano na yan.. edi goodluck nalang sa annulment na yan.. pare ano bang nangyari sa inyu ni Sapphire? How did everything turned out to be like this? Malayong malayo sa pinangarap mo para sa kanya.'

'Hindi ko alam Liro.. hindi ko alam. Kahit kelan hindi ko siya kinalimutan.. pero siguro tama na to.. kailangan ko na rin siguro siyang palayain... ' namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Gustong gusto ko na siyang makita, mayakap, mahalikan, mahawakan. Miss na miss ko na siya..

'Nagtext na si misis.. oh ano? Maiwan na kita dito? O ihahatid kita sa condo mo?' Sa condo namin ni Sapphire.

'Iuwi mo na ako.' Tumango lang si Liro.

Kanina pa ako nakauwi pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Ramdam ko parin ang pagkawala niya sa buhay ko, walang araw na hindi ako nangungulila kay Sapphire.. walang gabing hindi ko siya iniisip.. mahal na mahal ko siya.. walang nagbago sa ayos ng condo, kung paano niya to iniwan ay ganun parin, ang kwarto, ang pagkakaayos ng appliances, ng sofa, ng mga pictures.. lahat wala akong binago.. kasi para sakin ito nalang ang paraan ko para buhayin ang alaala naming dalawa ni Sapphire.. pumasok ako sa dapat sana nursery room ng magiging anak namin.. wala rin akong binago, ni isang gamit wala akong ginalaw..

'Baby Shanina.. galit ka rin ba kay daddy? Galit ka ba dahil pinabayaan kita at ang mommy mo? Anak? Hindi mo ba pwedeng tulongan si daddy na ibalik si mommy dito? mahal na mahal ko kayo ni mommy Sapphire mo anak.. at andami ko sanang gustong gawin para sa atin, andaming plano ni daddy para sa inyo ni mommy..' hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.. tinungga ko ang isang bote ng alak at di ko na namalayang nakatulog ako.

Nagising ako kinabukasan ng magring ang phone ko sa bulsa.

'Hello?'

(Seb? Where are you? Ngayon natin pupuntahan ang abogado ni Sapphire.')

'Okay.'

(Should I pick you up?)

'I have a car Cheska' I bitterly answered

(O-okay. Ill just send you the address)

CHESKA'S POV

Hinihintay ko sa labas ng law firm si Sebastian at hindi naman nagtagal ay dumating din siya.

'Lets go in' salubong ko sa kanya at kakapit sana ako sa braso niya pero umiwas siya kaya nagpatuloy nalang kami sa paglakad. Ilang katok lang at pumasok na kami.

'Atty. Sanchez?' Masiglang tanong ko

'Yes.. have a seat. Mr. Del Real.. and?' He turned to me.

'Cheska Alcantara.' I said.

'I see, have a sit' we nodded bago umupo and I stared at Seb and smiled when he stared back pero wala lamg siyang reaksyon.

'So since nandito na kayo, shall we start?' Nakangiting tumango ako at nanatiling tahimik si Sebastian.

'Ahh, nagpadala ho ng statement si Sapphire? Did she signed already the annulment papers? May representative ho ba siya dito?' Sunod sunod na tanong ko at ng lumingon ako kay Seb ay nakayuko lang siya.

'Wait Miss Alcantara.. I think we're having a misunderstanding here. My client is signing no annulment papers.' Saad nito.

'Ho?' Gulat na tanong ko at agad nag-angat ng ulo si Seb.

'Anong ibig niyong sabihin Atty? Hindi siya pumirma?' Tanong ni Sebastian at di ko matago ang iritasyon ko.

'Ano hong ibig niyong sabihin? Hindi po ba pinapunta niyo kami dito para ayusin na ang annulment papers, saka baka naman ho nagkamali lang ang representative nya.' Bulalas ko.

'What representative? Siya mismo ang kumunsulta sakin. In fact, personal ko siyang nakausap' The lawyer stated at parang nawalan ako ng lakas.. personal? She's back?

'N-nasa bansa na siya? Nakausap niyo talaga si Sapphire..' tanong ni Seb at nasasaktan ako sa sayang bumabalot sa mukha nito.

'Yes, sa katunayan nga ay pupu-' hindi na nito tinuloy ang sasabihin ng bumukas ang pinto at napatayo kami ni Sebastian ng pumasok ang isang babae na nakasout ng pulang dress..

'Goodmorning Atty. Sanchez..' sabay hubad sa sout nitong shades at tumitig sakin 'long time no see.. Cheska' parang tumigil sa pagtibok ang puso ko,.

'Sapphire?' Bulalas ni Sebastian.

'Hi.. babe' Sapphire murmured ...

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon