Parang nabuhayan ako ng loob when I finally reached my phone na hinagis ng matandang Alcantara sa pader.. sira na ito pero sinusubukan ko paring i-on, kinalikot ko ng kinalikot kahit napapaimpit na ako sa sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko.. nanginginig ang kamay ko habang kinakalikot ang cellphone.. and suddenly, umilaw ito pero blurred lang ang screen nito.. I dont know if it will work kahit on and off na ang lighting ng phone.. I should have bought samsung.. not Iphone.. Inaaninag ko ang phone and I press anything until numbers slightly appeared.. hindi masyadong klaru ang words basta pindot lang ako ng pindot until I heard something from my phone.. nagriring..nagriring ang kabilang linya... answer it.. answer it..LORD PLEASE.. HELP ME!
Napatalon ako ng marinig kong may sumagot..
'Tulong... tulong... naririnig niyo ba ako.. tulong..' bulong ko dahil baka marinig nila ako sa labas.. wala akong boses na marinig pero parang hangin lang na parang binabagyo na hindi ko maintindihan ang naririnig ko sa kabilang linya..
'Lyka.. is that you.. tulongan niyo ako... please.. nakidnap ako.. tulong..' umiiyak na ako habang nanginginig ang kamay ko na may hawak ng phone.. hindi ko alam kung may ideya na silang nakidnap ako.. 'tulongan niyo ako.. please.' naghalo na ang pawis, sipon at luha ko habang pinipilit kong may marinig sa kabilang linya.. and I cried hard when the light of my phone went out.. at wala na akong narinig.
'Diyos ko.. tulungan niyo ako.. tulungan niyo ako.. TULONGGGGG! TULONGGGGGG!' Nagsisigaw ako kahit sinabi na nila na walang makakarinig sakin, nagbabakasakaling baka.. baka lang naman may mapadaan sa lugar na to...
'Hoy.. tumahimik ka at nakakadisturbo ka samin' I bit my lower lip ng padabog na sinara ng may kapangitan na lalaki ang pinto.
'Diyos ko.. hanggang dito na lang ba ako? mamamatay na ba ako? Lord.. ahhhyyyy' impit kung sigaw ng maramdaman ko.ulit ang sakit sa may puson ko. 'T-tulong...'
Gabi na ng magising ako.. at kung paano ko nalaman? may isang maliit na bintana sa kwarto ko at dun ko lang inaaninag kung umaga na ba o gabi na.. napasinghap ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang demonyong Alcantara, kasunod nito ang isang pangit na lalaki na may dalang tray ng pagkain.
'Kumain ka.. baka isipin mong pinapatay kita sa gutom' nakangisi ito..
'Ano pa bang plano mo? Bakit mo pa pinapatagal? Patayin mo nalang ako.' My voice is shaking and I wanted to cry.. I wanted to hit him hard..
'Easy lang...masyado ka namang nagmamadali. Gusto kong mabaliw muna ang mga tao sa paligid mo bago kita patayin at ilagay sa balikbayan box at ipadala sa magaling mong asawa.' nanginginig ang kalamamnan ko sa narinig ko, natatakot ako.. takot na takot ako.. 'pagkatapos ako mismo ang magpapaalam sa gago mong ama sa nangyari.. hihingi ako ng tawad dahil ang anak ko ang sisisihin nila, si Cheska ang ikukulong nila.. hindi ako..' humlakhak ito ng humalakhak hanggang sa mabilaukan na ng sarili niyang laway.
'How dare you... anong klaseng ama ka.. hayop ka' napahiyaw ako sa sakit ng bigla niyang hinila ang buhok ko.
'Hindi ko anak si Cheska...' he whispered at mas lalong sumiklab ang takot na nararamdaman ko. 'anak siya ng malandi kong asawa sa iba at nung mamatay siya, dun ko pa nalaman' padabog nyang binitawan ang buhok ko at sunod sunod na pumatak ang luha ko.
SEBASTIAN'S POV
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok ng laway dahil sa kaba.. nakasunod ang kotse ko sa mga pulis, kanina pa kami bumabyahe papuntang LA UNION at hindi ko maiwasang manginig sa takot.. nagdadasal ako na sana.. sana walang masamang nangyari kay Sapphire.
'She's fine..' tinapik ni Liro ang balikat ko.. nasa backseat siya at si Lyka.. sila Cheska naman ay nasa kotse ni Derrick.. maya-maya ay huminto kami at may kausap na ibang pulis na taga rito sa LA UNION ang convoy namin, di rin nagtagal ay umusad ulit ang mga mobile ng police but this time may mga kasama ng pulis LA Union.
After almost 4 hours of travel, huminto kami.. sa di kalayuan matatanaw ang isang bahay sa tabi ng dagat.. malayo ito sa ibang resort at halos wala ka ng maaninag na ibang tao sa lugar maliban sa amin..mas dumoble lang ang kaba ko, lumapit ako kay Niko at saibang pulis.
'ano pang ginagawa natin dito? bakit hindi pa sila kumikilos?'
'Seb.. hihintayin munang dumilim bago kumilos ang otoridad.' malumanay na sagot ni Niko pero di paman ako nakakasagot ay dumating si Cheska na umiiyak.
'Nagmamakaawa ako.. wag niyong sasaktan ang daddy ko.. please.. wag niyo siyang sasaktan.. Seb..' humarap siya sakin at umiiyak.. wala akong makapang galit para kay Cheska dahil tulad niya.. sinisisi ko rin ang sarili ko sa nangyari.
'Maawa ka.. wag mong sasaktan ang daddy ko.. N-Niko.. please.. maawa kayo..' She cried hard at naaawa ako sa kanya pero hindi ko magawang maawa sa ama niya na nilagay ang asawa ko sa ganitong sitwasyon.
'Susukan namin pero hindi namin maipapangako sa inyo maam' sagot ng isang pulis. 'Dahil kapag nanlaban siya o ilalagay niya sa alanganin ang biktima o sino man sa atin dito, mapipilitan kaming unahan sya.' Mas lalong umiyak si Cheska at patakbong lumapit sila Derrick at Amy sa kanya.
'No.. no..' niyakap ni Derrick ang umiiyak na si Cheska.. napalingon ako ulit sa bahay.. nandun si Sapphire.. nasa bahay na yan ang asawa ko,
Panginoon ko.. hayaan niyo akong makita siyang buhay.. iligtas niyo ang asawa ko.. iligtas niyo si Sapphire.
'Men.. lets move.. get in your position..' My heartbeat is raising when I heard the head police murmured.. nakita kong napayakap si Lyka kay Liro..
'dad...' mas lumala amg pag-iyak ni Cheska. For the last time I watched sunset.. and I dont know why I feel so alone and scared... Ive never felt so scared my whole life until today..
SAPPHIRE...
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomanceDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?