CHAPTER 11: CHESKA

157 1 0
                                    

FAST FORWARD (1 YEAR AFTER)

Hanggang ngayon ay presko parin sakin ang pagkawala ng baby ko, mahina ang puso ng anak ko ng ipinanganak ko siya but he fought so hard, isang buwang din ang incubation ng anak ko pero bumigay din ito. At hindi ako makapaniwala na kahit nasa ganun sitwasyon na ang baby ko ay walang ibang ginawa si Sebastian kundi ang hanapin si Sapphire, hindi ko matanggap na pinipilit niya parin ang sarili sa babaeng iniwan na siya kaya ng mawala ang anak ko ay ginawa ko lahat para makuha siya, hindi ako papayag na pati si Seb ay mawala sakin.

'Uuwi na ako' pukaw ni Seb sa pag-iisip ko.

'Why dont you sleep here? I mean, after all we're already engaged baby' saad ko amd he just stared at me.

'You know how I felt about our engagement Cheska' sambit nito at parang sinaksak ang puso ko. 'I have to go' he said nonchalantly.

'S-sige but dad called, magdinner daw tayo bukas' pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

'Im not sure, baka busy ako' dumiretso siyang lumabas ng unit ko, sinubukan kong tatagan ang puso ko pero sa tuwing nagkikita kami ni Seb ay hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko but no, hindi ako susuko, he'll learn to love me.

Maimpluwensya ang pamilya ko, lalo na ang daddy ko. Halos lahat ng businessman ay kilala siya, sa kanya halos lumalapit ang mga kakilala nya para mangutang at mahilig mag-invest si daddy, kung noon ay wala akong pakialam, ngayon ay nagbago na dahil napatunayan ko na malaki ang nagagawa ng pera. Lahat kaya mong gawin, lahat kaya mong mapasunod at lahat kaya mong paikutin.

'Cheska, hindi ka ba talaga susuko jan kay Seb?' Tanong ni Amy.

'No, kahit anong mangyari ay hindi ako susuko sa kanya Amy. Mahal ko siya' sagot ko bago nilaguk ang shot glass na may lamang alak.

'Pero diba isinuko mo na siya noon?' She asked.

'Noon yun, dahil may Sapphire na siya at magkakaanak pa. I gave way dahil may asawa siya pero nung iwan siya ni Sapph at nawala ang anak ko, I just realized that we both need each other.' I stated.

'If you both need each other eh bat halos gabi-gabi kang lasing? I glance at Amy before I took another shot.

'Dahil hindi niya pa narerealize but time will come, he will' pursigido ako kay Seb. Handa kong gawin lahat para sa kanya. Para samin.

'And what if that Sapphire returns?' She blurted out at saglit akong natigilan.

'Ill never let her take him away from me again' sagot ko habang nakatitig sa engagement ring ko.

'But he's still married to her? Dagdag pa ni Amy.

'The hell I care. Do you think ill just give way without putting up a fight? A good fight? Ive come this far at hindi ko lang basta basta isusuko si Seb' pagmamatigas ko.

'What happened to my friend Cheska? I mean, what happened tp you? Where's the old you?' Seryosong tanong ni Amy. Lumagok muna ako ng tequila bago nagsalita.

'She's long gone. I burried the old cheska along with my precious one' sagot ko bago pumatak ang luha mula sa mata ko.

'Hay naku Cheska.. halika na nga. You've had too much.' Yaya ni Amy sakin, di na ako nagreklamo at tumayo na rin ako. How did my life became a mess? Siguro kung hindi lang ako naging anak ng daddy ko ay nakakalat nalang ako ngayon sa kalsada.

Tanghali na akong nagising at mejo sumasakit pa ang ulo ko ng magring ang phone ko.

'H-hello?' Sagot ko habang sapo-sapo ang ulo ko.

(San ka ba? Kanina ka pa hinahanap ni tito)

'H-ha? Maaga palang bumalik si daddy?' Napabalikwas ako ng bangon.

(Kahapon pa kamo, halika na)

Hindi na ako nagpaalam at agad akong naligo, hindi ko pwedeng galitin si papa dahil matagal na siyang galit sakin, mula ng madisappoint ko siya.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ko na dahil siguradong umuusok na sa galit ang daddy ko, ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang na-li-late. Halos magkandapa dapa na ako ng makarating ako sa kompanya.

'Si dad?' Tanong ko sa secretry niya.

'Nasa office niya po, kanina ka pa-'

'Oo alam ko, salamat' inayos ko ang damit ko bago ko pinihit ang doorknob. Inabutan ko si Amy at daddy na nag-uusap.

'Sir?' I dont call him dad when we're inside the company.

'You are late! Hanggang kelan ka ba magiging pabaya sa trabaho mo?' Singhal nito and I took a deep breath, lumingon ako kay Amy na pasimpleng suminyas na maupo na ako.

'Kasi po sumak-'

'Reasons.. you are really full of shits Cheska. Pinagbigyan na kita sa kagagahan mo sa lalaking yun, lahat ng hiling mo pinagbigyan ko because you promised to help in our businesses pero paano ka makakatulong kung mula sa simula pa lang ay puro disappointmemts ng binigay mo sakin' hinanda ko na ang sarili ko sa mga masasamang salitang ibabato sakin ni daddy.

'Eh kasi po sir galing kami ni Che-'

'Did I ask you to talk Amy? Inutusan ba kitang sumagot?' I just bowed my head when Amy shook her's.

'Yan.. pag-aralan mo yan' kinuha ko ang mga papeles na inilahad niya sakin.

'I closed a deal with Mr. Barromeo in the States pero uuwi ang anak nitong babae sa Pilipinas para icheck ang site at para magsupervise na rin and I want you to be in charge in making sure that his daughter is fine.' Imbes na sumagot ay tumango lang ako 'dont screw this up Cheska dahil malaking tao si Mr. Barromeo at oras na pumalpak ka, malilintikan ka sakin. This project will make us well known around the world at hindi lang asia, maraming koneksyon si Mr. Barromeo and just a recommendation from him will make our company bigger than ever, understood?' Matigas na saad ni daddy.

'Yes sir' tipid kong sagot, hindi ganito ang daddy ko noon pero nang mabuntis ako at nalaman pa niyang kasal sa iba si Seb ay nag-iba na ang pakikitungo nito sakin.

'Sige na, umalis na kayo' tumayo kami ni Amy at ng makalabas ng opisina at pareho kamimg huminga ng malalim.

'Kinakabahan tuloy ako sa project nato.' Bulalas ko at napabuntong hininga ako.

'Basta, just dont mess up okay?' Tumango lang ako bago kami naghiwalay ni Amy..

And I have no idea that something really big is going to happen.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon