AUTHOR'S NOTE

194 2 0
                                        

(Pagbigyan niyo na ako.. isang chapter nalang matatapos na ang story ko.. so heto na mag-eemote na ako..)

Kunting push nalang at matatapos ko na ang story nila SEBASTIAN, SAPPHIRE AT CHESKA.. and I must admit, this story has been the most emotional and heartbreaking story na nasulat ko. (and by far the longest story)

1st,  ayoko sa mga lalaking gwapong gwapo sa sarili kaya feel na feel nilang magtwo-time.. sa simula pa lang nag-aalangan na ako kung ipagpapatuloy ko ba o hindi kasi ako mismo hindi ko alam kung anong atake ang gagawin ko sa storya nila, At some point, I thought that Id delete this nalang kasi feeling ko mahihirapan talaga ako and yes.. nahirapan nga ako... pero narealize ko, hindi naman lahat ng story ay kelangang i-base lang sa gusto kong mangyari, i-base lang sa ideal man ko, i-base sa isang perfect guy.. because in reality, wala namang perfect eh, walang lalaking perpekto, they have flaws and imperfections.

Eh ganun talaga, may mga totoong Sebastian sa mundo.. mga lalaki na konting kalabit lang ay magpapadala na.. kasi ako mismo, hindi bilang author ng LOVE AND MISERY kundi bilang isang babae na nakatungtung sa isang mundong punong puno ng tukso ay hindi naniniwala na hindi pwedeng magbago ang isang lalaking minsan ng nagkasala.. kasi para sakin naniniwala ako na sa isang pagkakamali natututo ang isang tao, not that we have to commit mistake to learn but its how our life works.. magkakamali talaga tayo sa ayaw at sa gusto mo..

so what im trying to say.. lalaki si Sebastian, isang lalaking nagkasala pero handang gawin ang lahat para patunayan na nagsisisi sya.. naging mahina siya sa tukso pero matapang niyang hinarap ang consequences ng ginawa niya..

Si Cheska... oo alam ko masyadong immoral kung ipagtatanggol ko sya kasi nga.. diba mistress siya? marami akong kilalang mistress na tulad nya at hindi ko sila bet hahahaha, sa totoo lang nastress ako sa character ni Chesk, nakakafrustrate siya, ang tanga niya lang kasi kaya sa kanya ako mas nahirapan.. pero dahil sa pagsusulat ko nito napaisip ako, siguro may pinagdaanan sa buhay ang mga tulad nila kaya nila pinasok ang pagiging KABET hindi sa kinakampihan ko ang mga totoong Cheska sa mundo but everyone are fighting their own battles in life but I guess hindi rin yan rason para manira ka ng isang kasal.. Cheska was lonely, akala niya ang pagmamahal mula sa ibang tao ang bubuo sa pagkatao niya, ang pupuno sa kakulangan niya but she was wrong.. and she learned from her mistake.. nagkamali siya ng lalaking minahal but she pulled herself together at the end. Walang babaeng gustong maging kerida.. I mean walang matinong babaeng gustong maging other woman pero kung sakaling nasadlak ka sa ganyang sitwasyon, bakit di mo gayahin si Cheska, nagkamali pero nakabawi.. nadapa pero bumangon.. dahil narealize niya, IT SUCKS BEING A MISTRESS.. Why would you choose to be the other woman when you have a choice to be the only woman.

And lastly.. my favorite character.. I love Sapphire.. I love her strength, I love the way she is.. Life hits her hard, it knocked her down.. and it breaks my heart everytime im writing her miseries.. kaya nadedelay minsan ang updates ko when its Sapphire's turn for POV, ilang beses kong nirere-write dahil nasasaktan din ako sa tuwing nasasaktan siya.. babae din ako at naranasan ko ring maloko kaya tagos sa puso pati sa atay at balun-balunan ko ang sakit na nararamdaman ni Sapphire but Ive seen her grow.. from being nothing but a brokenhearted fucked up woman to a strong and firm Sapphire. Ginawang battlefield ang buhay niya, minsan siyang pinatumba ng pagsubok pero bumangon siya at nagawa niyang iangat ang sarili nya mula pagkalugmok.

Mahirap pakawalan ang mga characters nila kasi napamahal n sila sakin, maging si Cheska kasi narealized ko na wala talagang perfect ending... happy ending lang.

LOVE AND MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon