Maagang umalis si Seb dahil may kelangan daw siyang gawin, may tumawag din kasi sa kanya kanina, urgent ata. Matagal na rin akong tumigil sa pagtatarabaho dahil yun ang gusto nya, Im trying to call him kasi nangako siyang sasamahan ako sa monthly check up ko nakalimutan niya kasi ata na ngayon yun.
'The number you have dialed is either unattende or out of coverage area. Please try your call later' kanina pa unattended ang phone niya kaya nagpasya nalang akong umalis mag.isa.
'Where are you?' Tanong ni Lyka sa kabilang linya.
'Papunta akong hospital bakit?' I answered.
'Ahh wala, tatambay sana akobsa inyo mejo bored na kasi ako dito sa office.'
'Ganun ba? Akala ko nga busy kayo eh kasi maagang umalis si Seb, urgent daw. Kasama mo ba?' Tanong ko.
'Ha? Hindi naman pumasok si Seb ngayon eh.' Nagtatakang sagot ni Lyka,
'Eh bat sabi niya may emergency daw?' I asked.
'Baka sa site, hindi ko rin kasi nachecheck si Liro eh'
Kanina pa natapos ang usapan namin ni Lyka at di pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi niyang hindi naman daw pumasok si Seb sa opisina at nagtext din si Liro na wala din daw sa site pero sabi niya baka naman daw may surprise na namang iniisip si Sebastian. Maya maya lang ay dumating na ako sa hospital.
'Mrs Del Real malapit na hong matapos si Dr. Alcantara, hintayin niyo na lang ho siya dito.' Tumango lang ako at naupo na rin. I checked my wristwatch, pasado alas 10 na pala.
'Ahmm excuse me, maya-maya pa ba si Doc? Bibili muna sana ako ng tubig eh' paalam ko habang hinihimas ang tiyan.
'Ahh sige Mrs. Del Real' nakangiting tumango ang babae kaya lumabas muna ako, mejo napaaga din naman kasi ako eh.
Nasa cafeteria ako at bumili na rin ng makakain dahil mejo nagutom na rin kasi ako. Maaga kasi akong umalis dahil ayokong matraffic eh, may kapunuan ang cafeteria kaya naisipan kong makishare nalang muna sa tatlong nurse na nag-uusap.
'Hi, pwedeng makishare?' Nakangiting tanong ko.
'Ayy oo, sure..' sagot nung isang nurse.
'Salamat.' Nakangiting tumango lang sila at di na rin ako umimik, nagbilin din naman ako sa babae na itext ako pag tapos na si Dr. Alcantara, nagsimula na akong kumain ng magsalita ang isang nurse.
'Oo nga pala, nakita niyo ba si nurse Cheche?' Hindi ko gustong marinig ang pinag-uusapan nila pero syempre nasa isang table lang kami kaya rinig na rinig ko.
'You mean yung anak ni Director Leon? Yung nabuntis?'
'Oo, antagal kayang di nagpakita yun dito.' Nagpatuloy lang ako sa pagkain 'dumiretso nga kay Doc Darwin eh, yung pinsan niya? Kanina pa yun dun' naalala ko, Darwin nga pala ang first name nung OB ko, Kaya pala busy si Dr. Alcantara.
'At take note, diba ang sabi sabi eh iniwan ng boyfriend yun? Hoy ha, kasama nya kaya kanina. At.. ang gwapo.. they looked perf. talaga! Maganda naman si Nurse cheche kaya for sure magandang bata yun. Ang swerte ha!' Bulalas nung isa.
'Oo nga nakita ko rin, napaka-yummy nung boylet.' Di ko sinasadyang mabilaukan kaya lang naubo ako, agad naman akong binigyan nung isang nurse ng tissue.
'Okay ka lang? Here oh, uminom ka.' Dahan dahan nitong tinapik ang likuran ko.
'O-oo. Pasensya na.' Saad ko at ngumiti lang sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/34698692-288-k627366.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE AND MISERY
RomansaDalawang magkaibang babae. Iisang pag-ibig, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na hindi lang ikaw ang nagmamay-ari?