"CONGRATULATIONS CAPTAIN!" sigaw nang mga kasama ni Liho-Mina sa trabaho.
"Salamat, hindi ko naman mararating ang posisyong ito kung hindi dahil sa tulong ninyo. kaya salamat." aniya sa kaniyang mga kasama.
"This is called for a celebration, treat ni Captain Galvantes!" wika ni Ronald isa sa kaniyang mga kasama. "Dahil alam naman nating lahat na hindi umiinom si Cap, siya na ang magbabayad lahat, 'di ba Cap?" tanong nito kasabay ng pagtaas ng kilay.
Natawa na lang si Mina ng marinig ang sinabi nito sa kaniya. kaya naman upang matigil ito sumang-ayon na lamang s'ya rito."Pasaway ka talaga, Ronald! Fine ako na ang bahala sabihin n'yo lang!" aniya saka lumabas nang silid. alam niya na kapag nagtagal pa siya roon ay mababaon na siya sa utang dahil sa kakakantiyaw ng kaniyang mga kasamahan.
Tatawa-tawa na lang siya habang palabas ng silid.
patungo na siya sa kaniyang bagong opisina, dahil na promote na siya bilang isang Police Captain.
Habang inaayos ang kaniyang mga gamit, biglang bumukas ang kaniyang pinto,
"Captain Galvantes!" pagbati nang taong pumasok sa pintuan.
"General Oliveros, what a pleasant surprise!" wika niya rito, sumaludo muna siya rito bago nakipagkamay.
"Congratulations, Captain Liho-Mina Galvantes, deserved mo ang posisyong iyan, maganda na magaling na pulis pa, dapat gawan ka nila rito ng banner at ikaw ang gawin nilang model ng distritong ito." asayang wika nito kay Mina.
"Thank you, sir. Pero ang gawan pa ako ng banner, no thanks!" aniya, habang tumatawa.
"I'm serious, maraming kaso ka nang nalutas ofcourse with the help of your team, gusto ko na may pamarisan sila. well, kaya nga pala ako narito ay para imbitahan kayo mamaya, there's a party at my house, wedding anniversary namin ng aking esposa kaya sana makadalo kayo. malay mo doon mo na rin makilala ang The one mo." pabirong aniya nito sa kaniya. natawa lang si Mina sa sinabi ng heneral.
"Naku sir, wala pa sa isip ko ang bagay na iyan, I'm focus on my work, If i found the right guy for me, i promise to my self na mag-e-early retire ako kapag ako'y nag asawa." wika niya sa heneral na ikinatango lang nito.
"It's your decision, Hija. for now just do your job and more achievements to come, good luck. And aasahan ko kayo mamaya sa party!" anito, at nagpaalam na sa kaniya.
Naiiling na lang siya dahil sa mga sinabi nito, naging malapit sa kaniya ang heneral dahil ito ang tumulong sa kaniya na makapasok at makapagtapos bilang pulis, kaya nagsumikap siya upang maibalik dito ang lahat ng kabutihan na ipinagkaloob nito sa kaniya,
"Kailangan ko na maghanda para mamaya," aniya at saka tinapos ang kaniyang mga trabaho.Matapos nuon ay nagpunta siya sa isang department store upang bumili ng damit dahil nais niyang maging presentable, sigurado na maraming malalaking tao ang dadalo sa party.
isang night gown ang kaniya napili na kulay blue at isang silver glittered stelleto.
Matapos niyang mamili ay umuwi na siya upang makapagpahinga.SA PARTY . . . .
Naglalakad na papasok ng gate si Liho-Mina nang may sumalubong sa kaniya na isang ginoo. Inalok nito ang mga braso upang kaniyang kapitan para siya'y maalalayan. Ngumiti naman si Mina rito at nagpasalamat.Nang siya'y makapasok agaw tingin ang kaniyang itsura dahil sa kulay ng kaniyang damit, nangibabaw ang kaniyang malaporselanang kutis, Sa kaniyang tangkad na five feet eight inches ay nadagdagan pa ang kaniyang taas dahil sa kanyang suot na stelleto. Ang kaniyang suot na gown na kita ang kaniyang makinis na balikat at may slit hanggang hita. kaya sa kaniyang bawat hakbang ay lumilitaw ang kaniyang mahaba at maputing hita.
Walang lalaki na hindi mapapalingon dahil sa taglay niyang ganda, pati ang kaniyang mga kasama sa trabaho ay talagang humahanga sa kaniya.
Nakita ni Mina na palapit sa kaniya si Heneral Oliveros kasama ang butihin nitong may bahay at agad siyang nagbigay galang dito at yumakap.
"Hija, I'm glad you came!" anito, sa kaniya.
"Sorry! tita celest, mukhang na late yata ako." aniya, na tila nahihiya pa siya.
"No, Hija! you just came in time. Ang mabuti pa dito ka sa tabi ko, samahan mo kami at ipakikilala kita sa mga kaibigan ko." kaya naman hawak ang kaniyang kamay, iginiya siya sa isang malaking mesa kung saan naroon ang mga matataas na tao sa lipunan, mayroong senador, heneral, councilor, mayors at ang presidente na matalik pa lang kaibigan ni General oliveros.
matatamis na ngiti ang ibinibigay ni Mina sa bawat tao na ipinapakilala sa kaniya ng kaniyang Tita Celest, hanggang isang lalaki ang lumapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...