EPILOGUE

1.5K 21 3
                                        


       "Tita Shy!" Pagtawag ni Samantha kay Shyreen. Nananakbo ito palapit sa kaniya at yumakap. "Tita Shy, why your tummy are so big?" Inosenteng tanong nito. "Hindi tuloy ako makayakap sa iyo ng maayos." Anito, natawa naman si Shyreen sa sinabi ng bata, nang maramdaman nito ang bahagyang paggalaw ng tiyan nito, na ikinagulat naman ni Samantha.
      "Tita, your tummy, it's moving?" Nanlalaki ang mata nito habang nagtatanong.  
      "There's a baby inside me, that's why it's moving." Nakangiting paliwanag ni Shy sa bata. 
      "E, paano po nakapasok ang baby diyan? E, ang laki ng baby, Tinatanong ko din si mommy kung saan niya nabili si Carlayle, kasi gusto ko pa ng isa pa nang baby." Anito, tawa naman ng tawa si Shyreen sa mga sinasabi ng bata.
       "Sam, anak. Hindi binibili ang baby, paglaki mo malalaman mo din kung saan nanggagaling ang mga baby. For now stay innocent." Sagot ni Shyreen, at saka niya marahan na hinimas ang ulo nito. 
      "Pareho kayo ni mommy ng sinabi. Sabi niya paglaki ko malalaman ko din daw kung saan nanggagaling ang baby." Nakasimangot na wika nito.
       "Mabuti pa tawagin mo na ang mommy mo, aalis kami ngayon." Utos nito sa bata na agad naman na tumalima.
       "Okay, tita." Anito at saka nanakbo patungo sa silid ng ina. 
       Ilang saglit lang ay bumababa na sa hagdan si Mina kasama ang asawa. 
      "Saan ba ang punta n'yo?" Tanong ni Ephraim sa asawa. 
      "Sasamahan kong magpa check-up si Shy. Ngayon kasi malalaman ang gender ng baby nila ni Math, and i want to know first. Excited na ako sa baby nila." masayang wika ni Mina. 
      "Gusto mo pala ng baby, puwede naman nating sundan na si Carlayle." Natatawang wika ni Ephraim. 
      "Oo nga ano," aniya, saka marahang lumapit si Mina kay Ephraim, nang makalapit marahan niyang pinagapang ang mga kamay sa dibdib ng asawa patungo sa balikat nito. "We can deal with that later, wait for me," aniya, habang nilalaro ng isang daliri ang mga labi ng asawa at saka niya hinalikan si Ephraim sa labi."
       Nagulat lang sila ng mayroon tumikhim sa kanilang likuran. Nilingon nila ito at nakita nilang si Shyreen iyon na naka krus ang braso sa dibdib. 
    "Mina, mabuti pa umalis na tayo, mamaya na iyang landian niyong dalawa." Anito sa mag-asawa. 
     Natawa na lamang sila sa sinabi nito at saka naghiwalay. "Hon, baka malate na ako ng uwi, Sa labas na kami kakain ng lunch, ikaw na muna ang bahala sa mga bata." Saad ni Mina habang isinusukbit ang bag sa kaniyang balikat. Humalik siya sa asawa at saka sabay sila ni Shy na lumabas ng bahay. 
     "So, saan ang punta natin pagtapos natin sa ob-gyne?" Tanong ni Shyreen. 
     "Punta tayo ng mall, may mga bibilhin ako para sa mga bata," sagot niya kaya naman sumakay na sila ng kotse at nagmaneho na si Mina patungo sa kaibigan nilang Ob-gyne. 

       "Congatulations, Mina! your five week pregnant." masayang pagbabalita nito. "Naku parang kailan lang masusundan na pala si Carlayle, alam na ba ito ni Ephraim?" 
      "Hindi pa, i want to surprise him." aniya,
      "Akalain mo iyon ginawa mo akong sangkalan para lang dito," wika ni Shyreen sa kaibigan. 
     "Kailangan kasi na kapanipaniwala ang dahilan ko. kailangan na hindi siya magduda, kaya sinabi ko na ikaw ang magpapacheck-up." paliwanag ni Mina. kaya naman tumayo na siya sa upuan at nagpaalam na sa doktor. 
     "Maraming salamat, aalis na kami, babalik na lamang ako next month para sa check up." aniya, matapos nila sa doktor, agad silang nagtungo sa mall upang mamili ng mga damit para sa mga anak. matapos ay sinunod niya ang paggo-grocery.
      Inabot sila ng tanghali sa pag-iikot lang sa mall kaya naman nag-aya na si Shyreen na mag lunch sa isang Fastfood chain. Masaya silang nagku-kuwetuhan nang may lumapit sa kanila. 
      "Liho-Mina Galvantes?" nag-aalangan na tanong nito. Napakunot ang noo ni Mina habang nakatingin sa lalaki at inaalala ang mukha nito. 
     "Wait don't tell me na nakalimutan mo na ako? It's me Mark San Andres!" Anito, nang nakangiti. Nang maalala na ni Mina ang lalaki.
     "What are you doing in here?" Masayang tanong nito sa kaibigan. 
     "Namamasyal lang kasama ng asawa ko," anito nang lumapit ang isang babae at humawak sa kaniyang braso. 
     "Babe, sino sila?" Tanong nito. 
     "Siya si Mina, naging classmate ko siya sa college. Mina this is my wife, Joan leviste San Andres." masaya nitong pagpapakilala sa dalawa. Kaya naman nagkamay ang mga ito.
      "It's nice to meet you, Mina." Aniya ni Joan. "Me too, grabe hindi ko man lang nalaman ang pagpapakasal mong bruho ka!" Wika ni Mina sa kaibigan. Bahagya itong natawa habang inaalalayan ang asawa na makaupo sa katabing mesa nila Mina. 
      "Sa argentina kami nag pakasal, well, it's a long story kaya hindi ko na iku-kuwento." Anito, "excuse lang oorder lang ako ng pagkain namin. Babe, makipag kuwentuhan ka muna sa kanila habang kumukuha ako ng pagkain natin." Wika nito sa asawa at saka ito naglakad patungo sa counter. Nang maiwan sila, biglang nagtanong si Joan kay Mina. 
     "Gaano na kayo katagal na magkaibigan ni Mark, bakit ngayon lang kita nakita at nakilala?" Seryosong tanong ni Joan.
      "Since college days, after graduation sabay din kaming na assign sa iisang departamento pero nalaman ko na lang na nagresign siyang bigla at nalaman ko na lang na nagtayo siya ng isang security agency. Ilang buwan ang lumipas, pinuntahan niya ako sa bahay at kina-usap. Inaalok niya akong maging isang agent pero i resist." Aniya, kaya tinanong siyang muli ni Joan, "Why, hindi mo ba gusto, na maging part ng project niya?" 
      "Hindi naman sa ganoon kaya lang, ayoko kasing mabigo ang mga taong nagpapa-aral sa akin. Gusto kong ipakita sa kanila na worth ako sa paghihirap at pag aalaga nila sa akin." Nakangiting wika ni Mina. 
     "Well our agency is still open if you want, malugod ka naming tatanggapin." Anito, saka dumating si Mark dala ang mga pagkain. 
     "Here you go, babe. Kain ka na." Malambing na wika nito sa asawa saka nito hinalikan sa ulo. naupo si Mark sa tabi ni Joan at sabay silang kumain nang mapansin niya ang kasama ni Mina.
    "Hey, is it you Shy?" anito habang nakatingin kay Shyreen.
    "Yes it's me, dimwit! ano naman sa iyo, buwiset ka, kanina pa ako rito pero ngayon mo lang ako napansin." inirapan niya ito saka napatingin kay joan. kaya naman ngumiti siya rito at humingi ng paumanhin. "Sorry, ito kasing asawa mo, si Mina napansin niya ako hindi samantalang magkakakilala kami noon. ganoon na ba kalaki ang ipinagbago ko para 'di mo ako makikilala hudas ka!" anito, na inis na inis kay Mark. 
      "Sorry na, hindi naman kasi talaga kita nakilala dahil ang laki na nang tiyan mo, sino ba ang malas na lalaki ang napang asawa mo?" pabirong wika nito sa kaibigan. 
      "Do you know, Mathaias Aragon?" aniya, na ikinatango ni Mark. "Siya ang malas na lalaki na naging asawa ko." aniya, habang nakangisi. na ikinagulat naman ni Mark. "What the heck! you mean Mathaias Aragon na private investigator, naging classmate ko siya sa ilang subjects matalino ang taong iyon, akalain mong nabulag mo siya" natatawang birong nito. ngunit bigla na lamang siyang hinampas ni Shyreen sa balikat. "kung hindi mo lang kasama ang asawa mo at kung hindi lang din malaki ang tiyan ko, bugbog ka talaga sa akin, sorry ulit joan ito kasing asawa mo ang lakas mang-asar" aniya, na ikinatawa ni Joan. 
     "Feel free, gusto mo tulungan pa kita," wika ni Joan habang kumakagat ng fries, dahil doon nagkatawanan na lamang silang apat. 
     Mahaba pa ang naging kuwentuhan nila nang magpaalam na ang mag-asawang San andres. "Mauuna na kami Mina," wika ni Mark sa kaibigan. 
     "Okay, bye. ingat kayo sana magkita tayo sa ibang araw para naman maipakilala kita kay Ephraim, matutuwa iyon na makilala ka." wika ni Mina sa kaibigan. saglit siyang tumayo upang makipag beso beso kay Joan. "sana magkita pa tayo, para naman magkakilala pa tayo maigi." saad ni Mina kay Joan. "don't worry if i have time, magkita tayo minsan." sagot nito. at saka sila naglakad palabas ng Fastfood. 
     Nang matapos na rin silang kumain at nakapag pahinga, nagpasya na silang umuwi. inihatid ni Mina si Shyreen sa bahay nila ni Math at saka siya nagmaneho pauwi na sa kanila. 
     Pagdating nila, nakita niya ang kaniyang mag-aama na naglalaro. masaya si Mina na nakikita niya ang mga ito na masaya. kaya naman lumapit siya rito at tinawag ang mga ito. 
     "Honey, I'm home!" aniya, saka napalingon ang mga ito sa kaniyang direksyon. "Mommy!" sigaw ni samantha nang makita siya. tumakbo ito palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Mommy bakit ang tagal mong umuwi, namiss tuloy kita," nakalabing anito sa ina. 
     "I'm sorry, sweety. May mga pinuntahan kasi kami ni tita shy." sagot ni Mina habang hawak sa pisngi ng anak. saka niya ito hinalikan. Palapit na si Ephraim habang buhat ang anak na si Carlayle. Panay ang pasag nito ng makita siya kaya naman mabilis siyang lumapit rito at kinuha sa asawa ang anak. 
      "Hello my little prince, how was your day with dad, are you having fun with him?" malambing na tanong niya sa anak na ikinatawa naman ni Ephraim. lumapit ito at humalik sa kaniya. 
     "kumusta ang lakad n'yo ni Shy," tanong ni Ephraim. 
     "Maayos naman" aniya, "Iimbitahan ko sina mama na maghapunan dito. nami-miss na sila ng mga bata e," aniya, saka inilapag si carlayle sa crib na nasa salas.
     "That's a good idea, Hon. kanina lang hinahanap ni Sam sina mama, nami-miss na daw niya." saad ni Ephraim sa asawa.
     "sige sasabihin ko na rin na dito na sila matulog para naman magkaroon sila ng mahabang oras sa mga apo nila." aniya, kaya naman tinawagan na ni Mina ang kaniyang mga magulang. Nang maka-usap niya ito, agad na siyang naghanda nang kaniyang mga lulutuin para sa hapunan nilang mag-anak. matapos ang ilang oras na pag aasikaso, siya naman at mga ang bata naman ang kaniyang inintindi. 

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon