"Hon, can i ask you something." Malambing na wika ni Ephraim sa asawa. "Sure, ano ba iyon?" Anito, nakangiti ito at nakatingin sa mukha ng asawa.
"Kilala kita, i know that your knitting something behind my back, i can feel it." Aniya, habang nakatingin sa kalye at nagmamaneho. "Sabihin mo sa akin. Baka maka-tulong ako."
"Hon, ang dapat mo lang gawin ay ang sumunod sa agos, may mga hinihintay pa ako at kapag natapos iyon at saka tayo kumilos. One week, iyan lang ang palugit ko. Kaya sinabi ko kay Kristine na magpunta sa bahay next week." Paliwanag ni Mina kay Ephraim. "Katulong ko sina Math at shy dito. Kaya huwag kang mag-alala." Aniya, habang naka hawak sa braso ni Ephraim. Tumingin lang si Ephraim kay Mina at matamis na ngumiti rito. "May tiwala ako sa iyo, isa lang ang paki-usap ko, mag-iingat ka sa mga hakbang na gagawin mo, ano man ang kailangan mo sabihin mo kaagad sa akin." wika ni Ephraim. Ngumiti si Mina at hinalikan ang asawa sa balikat. "I Love you, Ephraim Mondrego." saad bi Mina. Dahil doon agad na kinabig ni Ephraim ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang maiparada niya ito agad niyang hinablot si Mina palapit sa kaniya. "Your always turning me on, my dear wife," aniya at saka mariin na hinalikan sa labi ang asawa.
Nang makarating sila sa kanilang bahay, nakita nila si manang na karga ang kanilang munting prinsipe upang salubungin silang mag-asawa.
"Mabuti naman at dumating na kayong dalawa, kanina pa kayo hinahanap ng anak n'yo. kayo na ang bahala sa kaniya at ako naman ay mag-aasikaso sa kusina." anito, saka naglakad papasok ng bahay, mahigpit namang niyakap ni Mina ang anak. pinupog naman ito ng halik ni Ephraim "Kumusta ang baby namin, naging good boy ka ba kay manang, baka naman pinahirapan mo siya a," aniya sa anak.
Nakita nilang mag-asawa na tumawa lang ang kanilang anak kaya naman natawa na lang din silang dalawa.ILANG araw nang abala ang mag-asawa, sinabi na ni Mina ang kaniyang plano kay Ephraim, upang maging mas epektibo ang plano ni Mina.
abala si Mina sa pakikipag-usap sa kaniyang mga tauhan ng makita niya si Mathaias na papalapit sa kaniya.
"Math!" bati niya rito. Agad niya itong niyakap ng makalapit ito sa kaniya. "Kumusta ang pinalakad ko sa iyo?" aniya,
"Well, mabuti pa pumasok na muna tayo." anito, "Well, tama ang hinala mo. I've already check everything na makapagpapatunay." at ibinigay niya ang mga papeles at litrato na makapagpapatunay ng mga hinala ni Mina.
Lahat ng iyon ay tinignan ni Mina, at bahagyang natuwa naman siya sa resulta, kaya naman nagpasalamat siya sa kaniyang kaibigan.
"Thank you, Math." aniya, "Kumusta na kayo ni Shyreen?" tanong niya rito. nakita niyang nalungkot ang mukha nito. at saka siya sinagot. "Well, after ng ipinaki-usap mo sa akin, she's gone again." saad nito sa kaniya.
"Masyado na kasi siyang nasaktan, Math. Oras na siguro para malaman niya ang totoo, sabihin mo sa kaniya kung bakit mo ginagawa iyon. sigurado ako na maiintindihan ka niya." wika ni Mina sa kaibigan.
"Paano kung hindi, natatakot ako Mina." sagot nito sa kaniya.
"Subukan mo muna. alam natin na may pagka childish ang ugali ni Shyreen, but i know, we know that she's matured enough to understand you. just give it a shot, kung hindi ka niya patawarin, suyuin mo, huwag mong sukuan. Alam kong mahal mo siya at ganoon din siya sa iyo. Math, be strong insake of love. para kay shyreen." wika niya habang matamis na nakangiti sa kaibigan.
Dahil doon nabuhayan si Math sa mga sinabi ni Mina. kaya naman nagpaalam ito kaagad kay Mina matapos nang kanilang pag-uusap."KRISTINE, anong ginagawa mo rito. hindi ba't sinabi ng asawa ko na next week tayo mag-uusap." galit na wika ni Ephraim,
"Iba naman na usapan iyon, itong gagawin ko ay para sa iyo. Ephraim, i miss you!" anito, kaya lumapit ito sa kaniya. ngunit sumenyas siya na huwag lumapit. ngunit nagpilit pa din ito, kaya itinulak ito ni Ephraim palayo sa kaniya palayo.
"Don't do it, if i were you." seryosong wika nito kay Kristine. Nang biglang lumabas si Mina mula sa banyo ng opisina ni Ephraim. nang makita siya ni Mina, agad ito natawa habang papalapit sa asawa.
"Aba't ang hitad ay naligaw! hindi ba ang sabi ko, sa susunod na linggo pa ang usapan natin, hindi ka ba makapag hintay. O, wait nangangati ka kaya ka narito, bakit akala mo ba papatulan ka ng asawa ko." nakangising wika nito kay Kristine. Hindi naman ito maka sagot dahil sunud-sunod ang pagsasalita ni Mina at hindi siya nito binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita.
"Don't you dare touch my husband, kung gusto mo pang nakakabit iyang kamay mo sa braso mo." banta nito, habang nakatingin ng matalim kay kristine.
Agad na natakot si Kristine kaya naman, nagmamadali itong lumabas sa opisina ni Ephraim. mabilis na napalingon si mina sa gawi ng asawa ng marinig niya itong pumalakpak.
"That was scary! pero huwag kang mag-alala hindi talaga ako magpapahawak sa kaniya, takot ko lang sa iyo." anito, tumayo ito mula sa kaniyang swivelchair at lumapit kay Mina. Hinimas niya ang magkabilang balikat nito at banayad na hinalikan sa gilid nang noo. Nang makita niyang kalmado na ito, saka niya itong inaya na umupo muna.
"Hey, you're okay? wala na siya huminga ka na ng malalim." agad namang sinunod ni Mina ang sinabi ng asawa. Kalmado na siya kaya naman niyakap siya ni Ephraim. "Isang araw na lang, nakahanda na ang lahat. Ano man ang mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita at hindi iyon mababago ng sitwasyon." aniya, habang nakayakap sa asawa.
"I know, Ephraim. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin at hindi ko hahayaan na isang katulad lang ni Kristine ang sisira nang pagsasama nating dalawa. pagkatapos ng lahat ng ito, gusto ko sanang magbakasyon sa Batangas kahit isang linggo lang. gusto kong magrelax." wika ni Mina.
"Walang problema, kahit isang buwan pa tayo doon, tutal nami-miss ko na rin ang tabing dagat." wika niya. "at paki-usap huwag mo na akong paglalabahin, ilang araw kong ininda ang mga sugat ko sa kamay!" natatawang aniya sa asawa.
Natawa na lang din si Mina sa sinabi ni Ephraim. "Don't worry, hindi na iyon mangyayari. dahil ang gusto ko sa amin lang ng anak mo ang lahat ng oras mo." sabay halik sa mga labi ni Ephraim. "sigurado ako na naroon na sila Galves, kaya umuwi na tayo." aya nito sa asawa.
Pagdating nila roon, nakita nila si Galves kasama ang iba pa nilang kasamahan, nang makita silang papasok ng bahay, agad na nagtayuan ang mga ito at sumaludo kay Mina.
"Captain, ngayong tapos na ang trabaho namin, gusto sana naming magpaalam at magpasalamat kasi kahit wala ka na sa serbisyo nagtiwala ka pa rin sa amin, at saka sigurado kami na matatagalan na naman ang pagkikita natin. Basta kapag may kailangan ka, handa kaming tulungan ka." wika nito kay Mina.
"Maraming salamat sa inyo." wika ni Mina. kinuha niya ang bag at inabutan ng sobre na may lamang pera. "Ito ang bayad ko sa serbisyo n'yo, kayo na ang bahala riyan. bawal tanggihan magagalit ako!" seryosong wika ni Mina. Dahil alam niya na hindi ito tatanggapin ni Galves. kaya naman natawa na lamang it at nahihiyang inabot ang pera.
"Maraming salamat sa tulong n'yong lahat. Paalala huwag kayong mawawala sa binyag ni Carlayle sa susunod na buwan." aniya,
"Noted, Captain Mina!" sagot ng mga ito sa kaniya. natuwa naman si Mina sa mga ito. "Salamat ulit, Maaari na kayong umuwi. Hindi ko na kayo pipigilan pa dahil alam kong may pamilya din kayo na naghihintay sa inyo." kaya naman isa-isa na itong lumabas ng kanilang bahay.
Nang sila nalamang ang naroon, naupo muna sila sa sofa kasama ang kanilang anak, isinandal ni Mina ang kaniyang likod sa sofa at pumikit kasabay ang malalim na buntong-hininga. napansin naman ito ni Ephraim kaya naman lumapit pa ito sa kaniya at inakbayan.
"Magiging maayos din ang lahat." aniya,
"Sana nga, nawa'y umayon ang lahat sa plano." sagot naman ni Mina.
"Honey, narito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan." wika naman ni Ephraim.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...