"Mina, malapit na kaya mo iyan, papapasukin ko si Ephraim para maalalayan ka." aniya ng doktora at saka sinabihan ang isang nurse na tawagin si Ephraim.
Agad na tumalima ang nurse at tinawag si Ephraim sa labas ng Delivery room.
"Sir Ephraim Mondrego, pinapapasok po kayo ni Doktora," anito, nagtaka naman si Ephraim sa Nurse kaya naman lumapit siya rito, pinag alcohol muna siya at pinagsuot siya ng hairnet, protective gloves at hospital gown bago tuluyang makapasok sa loob.
Nakita niya ang kaniyang asawa na pawis na pawis. "Mina, Honey!" aniya ng makalapit dito. agad na tumingin si Mina sa kaniya at agad na tumulo ang kaniyang luha.
"Ephraim," anito, at saka inabot ang kamay ng asawa. "Dito ka lang honey, please!" wika ni Mina. tumango lang si Ephraim at hinalikan ito sa psngi. "you can do It, hon." aniya, nang marinig nila ang tinig ng doktora.
"Okay Mina. just one more push nakikita ko na ang ulo ni baby." saad nito kaya naman humawak na si Mina sa kamay ni Ephraim at saka bumilang ng tatlo, "Ibibigay ko na ang lahat dito." wika ni Mina sa sarili kaya naman huminga siya at saka malakas na umire, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa.
Tila nakaramdam ng ginhawa si Mina ng maramdaman niyang nailabas na niya ang kaniyang anak.
"It's a baby Boy!" aniya ng doktora da kanila. napa "yes!" na lang si Ephraim ng ideklara ang gender ng kaniyang anak, nakangiti silang mag-asawa ng iabot ang bata kay mina. panay naman ang halik ni Ephraim kay Mina at banayad na halik sa bagong silang na sanggol. "I love you, Baby!" tila nais umiyak ni Ephraim ng mga oras na iyon tumingin siya sa mga ni Mina at Bumulong ito sa kaniya.
"I Love you, Ephraim," anito, dahil doon tuluyan nang napa-iyak si Ephraim. walang siyang masabi sa asawa, ang nararamdaman ni Ephraim ng mga oras na iyon ay sobrang kasiyahan.
"lalabas na ako, aasikasuhin ko na ang kuwarto na paglilipatan n'yo ni baby." wika niya sa pagitan ng kaniyang pagsinghot. maka-ilang ulit niyang hinalikan ang kaniyang mag-ina bago lumabas ng Delivery room.
Paglabas niya nakita niya ang mag-asawang Oliveros na naka-upo at naghihintay sa kanila. isang malapad na ngiti ang kaniyang isinalubong at niyakap niya ang mga ito.
"kumusta si Mina, maayos lang ba siya?" tanong ni tita celest sa kaniya.
"It's a baby boy!" pagbabalita niya. at nakita niya ang tuwa sa mukha ng mag-asawa at nagyakap ang mga ito.
"Thank's god at maayos niyang nailabas ang baby!" naiiyak na wika ni tita celest sa kaniya. kaya naman nagpaalam muna siya sa mga ito. inasikaso niya ang lahat upang mailipat na ang asawa sa silid.
Hindi naglipat oras komportable ng nakahiga si Mina sa kama. habang hawak naman ni Ephraim ang kamay nito. Nang maramdaman ni Ephraim ang bahagyang paggalaw ni Mina. kaya naman tumungin siya rito, nakita niyang gising na ang asawa. Kaya naman agad niyang kina-usap ito.
"Hon, kumusta ang pakiramdam mo?" malambing niyang wika rito.bahagya itong ngumiti sa kaniya at malumanay na nagsalita.
"I'm fine feeling ko pagod na pagod lang ako." anito, dahil sa sinabi ni Mina, masuyo niya itong hinalikan sa labi.
"Iyan, pampatanggal ng pagod." pabirong aniya rito. natawa nalag si Mina sa kaniya at saka humawak sa kamay ng asawa.
"Nasaan na si baby?" tanong ni Mina, "gusto ko s'yang makita"
"he's still in the nursery, mamaya narito na iyon. kaya huwag ka ng mag-alala." saad ni Ephraim. ilang saglit lang ay nakita nilang pumasok roon ang kaniyang tita celest at tito Mark.
"Hija!" aniya ng kaniyang tita ng makalapit ito sa kanila. humalik ito sa kaniyang noo at saka naupo sa gilid ng kaniyang higaan.
Abala silang nagku-kuwetuhan ng biglang bumukas ang pintuan. Agad silang natuwa nang isang nurse ang pumasok habang buhat ang kanilang anak.
"Ang baby namin narito na!" wika ng kaniyang tita celest. Maingat itong iniabot kay Mina at nagbilin na kailangan na niya itong pasusuhin. kaya naman agad na ginawa ni ina ang sinabi ng nurse.
"babalik na lang po ako dito para kuhain ulit siya. kailangan ko muna siyang ibalik sa nursery, kailangan pa po ninyo ang magpahinga." anito, kaya nagpasalat sila rito at lumabas na ito.
"Parang nakakatakot na hawakan, ang lambot niya at ang liit. pakiramdam ko mapipiga ko kapag hinawakan ko siya." wika ni Ephraim. natawa naman si Mina sa sinabi ng asawa kaya matapos niya itong pasusuhin, ipinakarga niya ito kay Ephraim, sa umpisa'y nag-alangan si Ephraim na hawakan ang anak, ngunit ng makarga na niya ito, tila ayaw na niya itong ipakarga sa iba.
"Ano nga pala ang ipapangalan natin sa kaniya," tanong ni Mina sa asawa.
"Earl Carlayle Galvantes Mondrego," sagot ni Ephraim habang nakatingin sa mukha ng anak, nagulat na lang siyang makita niyang biglang napangiti ang kaniyang anak ng banggitin niya ang buo nitong pangalan. parang nais tumalon ng puso ni Ephrai ng makita niya iyon sa anak, kaya inulit niyang sabhin ag pangalan nito. at nakita niyang muli ang reaksyon nito.
Napapangiti na lang si Mina sa asawa. nakikita niyang masaya talaga ito habang karga ang kanilang munting prinsipe.
"MANANG, naluto n'yo na po ba yung pagkain. kailangan ko nang bumalik sa ospital." wika ni Ephraim sa kaniyang kasambahay.
"tapos na, hijo. naihanda ko na dadalhin mo na lang." anito, nang isang katulong ang lumapit sa kanila.
"Sir Ephraim, may naghahanap po sa inyo sa labas," anito sa kaniya na ipinagtaka naman niya.
"Sino daw?" tanong niya rito, wala naman siyang inaasahang bisita, kung tungkol naman ito sa trabaho, inaayos na naman niya ang lahat. Nagkibit balikat lang ang katulong, kaya nagtungo na siya sa salas at tinignan kung sino ang 'di inaasahang bisita. nagulat na lamang siya ng makita niya kung sino.
"Mama," aniya. nang marinig siya nito agad itong lumingon sa kaniya at matamis itong ngumiti sa kiya.
"Kumusta mahal kong anak, it's been a long time." anito ng makalapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. "Ano ba ang mga pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Anong ginagawa n'yo rito?" tila galit na wika Ni Ephraim sa ina.
"Tsk… ganiyan ba dapat ang pagbati sa iyong ina?" mataray na anito sa kaniya. "I came here to visit, may kasama ako na siguradong miss na miss ka na!" maarte pa din nitong wika sa anak. kaya tumingin siya sa likod nito at nakita niya kung sino. tumayo ito sa pagkakaupo at nang humarap ito sa kaniya.
"K-kristine…" nauutal na wika ni Ephraim. lumapit ito sa kaniya at humalik sa kaniyang labi.
"kumusta Ephraim." malambing na wika nito
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...
