ILANG BUWAN ang lumipas, nagdesisyon si Mina sa bahay na ni Ephraim manirahan, pagdating nila sa mansyon agad silang sinalubong nang mga katulong.
"Welcome back, sir Ephraim!" Masayang wika ng mga katulong.
"Salamat sa inyo, nagawa n'yo ba ang lahat ng sinabi at binilin ko sa inyo?" Tanong niya rito.
"Opo, the baby's bed Room and we also clean the master's bed room as you said." saad ng mayordoma habang nakangiti sa kanila.
"Salamat po," aniya ni Mina sa matanda.
Yumuko ito sa kaniya at nagwika. "Trabaho po namin ang pagsilbihan kayo, señorita Mina." Magalang nitong wika sa kaniya.
"Naku, Mina na lang po. Kinikilabutan ako kapag tinatawag ako ng ganiyan, paki-usap" wika ni Mina sa matanda.
"Ikaw ang bahala." Anito kay Mina. "Ephraim, tama ka. mabait siya bagay kayong dalawa." Saad ng matanda na tila kinikilig pa.
"Di' ba, ang sabi ko sa inyo, mabait ang babaeng mahal ko," malambing na wika ni Ephraim habang nakayakap sa likod ni Mina.
"Binola mo na naman ako, ang mabuti pa magpahinga na muna tayo, alam kong napagod ka sa pagmamaneho. Malayo din ang naging byahe natin." Nakangiting aniya ni Mina. Kaya naman hinawakan siya ni Ephraim sa kamay at saka dinala si Mina sa silid nila.
Nagtaka si Mina na sa ibang silid siya dinadala ni Ephraim, at her surprise. The room they went, was the room we're they first made it. "Hindi ba, ito iyong silid na-" nag aalangan na tanong ni Mina.
"Oo ito nga iyon, matapos ang gabing iyon hindi ko na tinulugan ang silid na ito, gusto ko kapag bumalik ako rito kasama kita. Katulad ngayon." Saad ni Ephraim na nakangiti sa kaniya. "Espesyal ang silid na ito para sa akin. Pero kung ayaw mo rito doon na lang tayo sa isang silid." Aniya ni Ephraim sa kaniya, kaya muli nitong hinawakan ang kamay ni Mina. Ngunit pinigilan siya nito.
"Sandali lang, wala naman akong sinabi na ayaw ko, gusto ko ang silid na ito, dahil dito natin nabuo ang baby natin." Aniya ni Mina, lumapit siya rito at Ipinalibot niya ang kaniyang braso sa leeg nito at tumingin sa mga mata ni Ephraim. "Ito na ang love nest nating dalawa at dito na rin tayo gagawa pa ng mga susunod pa nating anak," nakangiting aniya. "Salamat sa lahat, hon." Malambing na anito at saka humalik sa labi ni Ephraim. Napangiti naman ito sa ginawa ni Mina kaya naman niyakap niya ito at muling inilapat ang mga labi rito.
"I love you, Mina." Aniya, matapos itong halikan.
" I love you too.
"MALAKI na ang tiyan mo, hija!" Wika ng kaniyang tita Celest ng dumalaw ito sa kaniya. Natawa lang siya sa sinabi nito.
"Kabuwanan ko na po kasi, medyo nakakaramdam na din po ako ng kakaiba nitong mga nakaraang araw kaya sinabihan ko na si Ephraim na maghanda na." Nakangiting aniya habang hinihimas ang malaki niyang tiyan. Nang maramdaman niyang gumalaw ang bata sa kaniyang sinapupunan.
"O, grabe, medyo masakit na din ang paggalaw niya sa loob!" Wika niya.
"Hija, malapit ka nang manganak. Baka bukas makalawa tumindi na ang sakit niyan. Kaya maigi na nakahanda na kayo sa lahat." Anito habang hawak ang tiyan ni Mina. "Excited na akong makita ang apo ko!" Masayang wika ng kaniyang tita celest.
"Kung excited kayo, mas lalo kami, tita celest." Masayang aniya ni Mina. "Kung alam n'yo lang, sobrang nae-excite ang asawa ko sa paglabas ng anak namin. Siya pa ang nag design ng silid ni baby." Nakangiting saad ni Mina.
Masayang nagku-kwentuhan ang dalawa ng biglang dumating si ang kaibigan niyang si Shyreen.
"Mina!" Sigaw nito habang papalapit sa kaibigan. "Na-miss kita girl!" Tila maiyak-iyak na anito sa kaniya.
"Grabe ka, almost two months lang tayong 'di nagkita. Kumusta naman ang camp oliveros?" Tanong niya rito.
"Ganoon pa din, puro pasaway. Mabuti na lang at palagi akong pinupuntahan ni Math sa kampo." Nalulungkot na ako roon. Balak ko na munang magpahinga. Baka mag file ako ng leave next week. Mag out of town na muna ako, yung malayo kay Mr. Playboy!" Nakasimangot na saad ni Shyreen.
"Galit pa rin ba kayo sa isa't isa, kailan ba matatapos iyang away n'yong dalawa?" Napapangiti na lang si Mina dahil sa kaibigan. "Alam mo bakit hindi mo s'ya gamitan ng cold treatment. Gaya ng dati, h'wag ka lang magiging marupok. Alam ko na mahal mo s'ya. Pero kailangan mo na siyang tikisin para maisip niya na napapagod ka rin sa ugali niya." Paliwanag ni Mina sa kaibigan. Nang marinig nilang magsalita ang kaniyang tita celest.
"Ang tinutukoy ba ninyong Mr. Playboy e, iyong mahaba ang buhok na kulay amber ang mata at matangkad?" Tanong nito na ikinatango naman nilang dalawa.
"Iyon ba?" At itinuro nito ang lalaki na papalapit na sa kanila kasama si Ephraim. Pareho itong may bitbit na paper bag. Nang makalapit ang mga ito sa kanila,
Agad naman na tumayo si Mina upang salubungin ang asawa. Humalik si Mina kay Ephraim at saka bumalik sa pagkakaupo.
"Kumusta ang lakad n'yo?" Tanong ni Mina sa dalawa.
"Ayus naman, kayo nakapag meryenda na ba kayo? May mga dala kaming pagkain. Ipapahanda ko kay manang," wika ni Ephraim saka tinawag ang katulong. Matapos iabot rito ang mga paper bag, lumapit siya kay mina, pinatayo niya ito, at saka siya ang naupo sa inuupuan nito. Nagtaka naman si Mina sa ginawa ng asawa kaya, hinampas niya ito sa balikat.
"Pinatayo mo ako para ikaw ang maupo!" Inis na aniya ni Mina. Natatawa naman si Ephraim kaya naman tinapik niya ang kaniyang mga hita.
"Dito ka maupo, mas gusto ko na naka-upo ka rito para mas mayakap kita." Malambing na wika nito sa kaniya. Bahagya namang napangiti si Mina.
Simula ng ikasal sila ni Ephraim, mas naging malambing ito sa kaniya. Wala siyang ginusto na hindi niya nakuha. Aaminin niya na ini-spoiled talaga siya nito. Kahit abala ito sa trabaho, hindi ito nagkulang sa kaniya. It always makes time for her.
Simula ng magbuntis siya at nagresign sa trabaho bilang police, naroon na lang siya sa mansyon, madalas silang lumalabas ni Ephraim, para kumain sa labas o kaya ay mamasyal at bumili ng ibang kailangan niya sa panganganak. Every week na din ang balik niya sa kaniyang ob-gyne upang mamonitor ang lagay ng baby nila.
"Mabuti na lang at nagka-ayos kayo kaagad, nag-uumpisa pa lang ang relasyon ninyong dalawa bilang mag-asawa, kaya magpaka tatag kayo. Huwag padadala sa damdamin, unawain ang bawat isa, at mas lalo pa ninyong mahalin ang isa't isa." Anito sa kanila. Ngumiti lang si Mina at nagpasalamat sa payo ng kaniyang tita celest.
"Salamat po tita, 'di po namin kakalimutan ang mga sinabi n'yo." Saad ni Ephraim.
Matapos ang mahaba nilang kuwentuhan, nagpaalam na ang kaniyang tita celest.
"Mag-iingat po kayo, tita." Wika ni Ephraim at Mina.
"Kayo rin." At saka humalik ito sa pisngi nilang dalawa. Sumakay ito ng kotse at umalis na ito.
"Napaka bait talaga ni tita." Wika ni Mina. "Simula ng mamatay ang mga magulang ko, sila na ni tito Mark ang tumayo kong magulang." Saad ni Mina habang naglalakad sila patungo sa hardin. Ngunit pagdating nila roon, isang eksena ang kanilang nakita.
Tila nagulat naman ang dalawa ng makita silang mag-asawa.
"Mayroon na ba akong dapat malaman tungkol sa inyong dalawa?" Nakangiting wika ni Mina sa dalawa niyang kaibigan na si Mathaias at Shyreen.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomantizmIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...
