Chapter Twenty-Seven

594 10 0
                                    


      ILANG araw na ang lumilipas, walang Kristine na nanggugulo sa kanila.
     "Marahil ay natakot na malampaso ang mukha sa lupa!" Bahagyang natawa si Mina sa isiping iyon. Nang mapatingin siya sa kaniyang mag-ama. Napangiti siya dahil abala si Ephraim sa pagpapatulog sa anak. Ilang araw na din niyang hindi katabi sa pagtulog ang asawa, at nakikita niyang malalim ang mga mata nito. Kaya naman lumapit siya rito at niyakap mula sa likod nito. 
      "Honey, mamaya sa kuwarto ka na matulog, namimiss na kasi kitang katabi e," nakangiting aniya, nakita niyang matamis itong ngumiti sa kaniya at humalik sa kaniyang labi. Kaya naman nang makatulog ang anak, marahan na inilapag ni Ephraim ang anak sa crib nito at ng mailapag lumapit siya kay Mina at muling niyakap ang asawa. 
      "Thank you, ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos. Nahihirapan akong matulog sa sofa." Nakasimangot na aniya, 
       "Sorry kung pinahirapan kita, nainis lang kasi ako, pero ngayon okay na ako. Huwag ko lang ulit makikita ang mukha ng babaeng iyon," naiinis na aniya, "sa susunod na pumunta s'ya rito, may kalalagyan na talaga s'ya!" Nanggigigil na wika ni Mina. 
       "Hon, mas possesive ka pa sa akin a, hindi ka dapat mag-alala, dahil kahit anong gawin ni Kristine hindi niya ako maa-agaw sa iyo." Saad ni Ephraim. Mahigpit na niyakap ni Mina ang asawa,                  "Na miss ko yung mga yakap mo, hon." Aniya, kaya natawa si Ephraim sa kaniya. 
      "Pinatulog mo ba naman ako sa salas, e, di wala tuloy yumayakap sa iyo sa gabi." Anito, "Ayus lang ba kung sa susunod kapag nagalit ka aa akin. Huwag mo na akong patulugin sa sofa. Hindi ko talaga kayang matulog doon," 
      Matamis na ngumiti si Mina at humalik sa labi ng asawa. "I love you!" Malambing na aniya, kaya naman mahigpit silang nagyakap. 

     "AKALA ba nang babaeng iyon ay nanalo na siya, humanda siya sa akin, hindi pa ako tapos!" Galit na wika ni Kristine. Kaya naman kinuha niya ang cellphone at mayroon siyang tinawagan. Matapos niyang i-dial ang number, agad na nagring ito, ilangbsaglit lang, sinagot ito kaagad. 
      "Kristine, mabuti at tumawag ka, malapit na kami." Anito, nang nasa kabilang linya. 
      "Good, maghihintay ako." Aniya, matapos ng kanilang agad na tinapos ni Kristine ang tawag.
      "Tignan natin kung makawala ka pa rito." Tumatawang wika nito. 

      ABALA sa pagpapasuso si Mina sa kaniyang anak, nang marinig niyang may nagdo-doorbell, kaya naman naki-usap siya sa kaniyang kasam-bahay na tignan kung sino ang tao roon. Mabilis namang tumalima ito at pinuntahan ang gate. Nang buksan nito ang gate, nagulat ito kung sino ang nasa labas nito. 
      "Miss, ano po ang kailangan ninyo?" Magalang pa din nitong tanong kahit alam naman nito ang pakay ng dumating.
      "Nariyan ba si Ephraim, paki sabi na narito ako," anito, 
      "Naku, mam. Wala po si sir, umalis po at baka mamaya pa pong hapon ang dating." Saad nito. 
      "Ganoon ba," nakangiting wika nito at saka itinulak ang katulong at mabilis na pumasok sa loob. 
      "Naku mam! Baka magalit po si ate Mina kapag nalaman niya na pumasok kayo rito!" Kinakabahang wika ng katulong. 
     "Hayaan mo nga ako!" Galit nitong Wika. Kaya naman binuksan niya ang pinto, at agad na hinanap si Mina. 

     Napatulog na ni Mina ang anak, kaya naman inilagay na niya ito sa higaan at marahan na tinapik ito. Nang masiguro na na mahimbing na ay lumabas na muna siya upang kumuha ng makakain. 
     Pagbaba niya ng hagdan nakita niyang biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon si Kristine. 
     "Bakit narito ang higad na ito? Naghahanap na naman yata siya ng away," wika ni Mina sa sarili. Kaya naman matapang niya itong hinarap. 
     "Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kapag nagbalik ka rito, ilalampaso ko ang pagmumukha mo aa lupa!" Matapang na wika ni mina rito. Ngunit sa halip na masindak, matapang itong humarap kay Mina. 
     "Ang sabi ko sa iyo hindi pa tayo tapos," kaya naman kinuha niya ang cellphone at may tinawagan. "Papasukin mo na siya dito!" Anito, matapos nuon ay agad na pinutol ang tawag. 
      Napalingon sila ng bumukas ang pintuan, pumasok doon ang isang matandang babae na may kapit-kapit na bata, tila nasa pito o walong taong gulang na ito, at kamukhang-kamukha ni Ephraim. 
      Nagtatakang tumingin si Mina kay Kristine. Nang makalapit ito, hinawakan ni Kristine ang bata sa kamay at iniharap kay Mina.
       "This is my Daughter, Samantha Mondrego." nakangising pagpapakilala ni Kristine sa kaniyang anak. kung tatanungin mo kung bakit Mondrego? dahil anak namin ito ni Ephraim, dapat ay ikakasal na kami pero tinakbuhan niya ako, pero bago nangyari iyon may nangyari sa amin at ito ang bunga!" saad nito kay Mina, nakita ni Kristine ang reaksyon sa mukha ni Mina, kaya naman ngumiti siya rito at muling nagwika. 
     "Una ko siyang natikman, at una kaming nagka anak, kaya naman akin siya at hindi sa iyo." natatawang wika ni Kristine. kaya naman bumaling siya sa anak. "Umalis na tayo, wala naman pala ang daddy mo rito, bumalik na lamang tayo sa ibang araw." anito, at naglakad na sila palabas ng pinto. 
       Tahimik lang si Mina nag mga oras na iyon, pinipilit na unawain ang sitwasyon. kaya naman pabagsak siyang naupo sa sofa at napayuko na lang, "Hindi talaga magpapatalo ang malanding babae na iyon at nagbitbit pa ng bata, pero talagang kamukha ito ni Ephraim, A girl version of my husband. paanong nangyari ito" pilit na iniisip ni Mina ang sagot sa kaniyang katanungan ngunit parang nais lamang sumakit ng kaniyang ulo. humingi sya ng tubig upang maibsan ang nararamdamang inis dahil sa nangyari.
     "Isang tao lang ang makakasagot ng lahat ng ito. walang iba kundi si Ephraim lang." aniya, 
      Kinagabihan dumating si Ephraim galing sa kaniyang trabaho, agad siyang agtungo sa kanilang silid, nakita niyang nakahiga lang ang asawa kaya naman lumapit siya rito at humalik sa labi nito. "kuusta ang maghapon mo?" tanong ni Ephraim. Ngunit hindi kumibo si Mina. kaya naman muuli niya itong tinanong. 
       "Napagod ka ba, ang tahimik mo. maliligo na muna ako tapos pupuntahan ko na muna si Carlayle. na miss ko ang baby natin. hinahanap hanap ko yung ngiti niya sa akin." masayang saad ni Ephraim sa asawa. ngunit nananatili lang tahimik si Mina. 
       Agad siyang nagpalit ng damit at naghugas ng kamay. paglabas niya ng banyo, tahimik pa rin si Mina kaya naman nag-alala na si Ephraim. lumapit siya kay mina at niyakap ito. nakita niyang lumuluha ito kaya naan agad niyang tinanong kung ano ang nangyari. 
      "Bakit, may nangyari ba habang wala ako?" nag-aalalang tanong ni Ephraim.
      "Hon, dumating si Kristine," wika ni Mina, pagkarinig nuon ay nangunot kaagad ang noo ni Ephraim. "Anong ginawa niya sinaktan ka ba niya?" tanong niya ngunit uiling lang si Mina at myuling nagsalita.
      "Hon, sabihin momay nangyari ba sa inyo ni Kristine, sabhin mo sa akin ang totoo, alam mo na ayaw kong nagsisinungaling ka sa akin. kaya sabihin mo may nangyari ba sa inyong dalawa? gusto kong sa iyo mismo manggaling ang totoo," mahabang wika ni Mina sa asawa. 
      Marahan na tumango si Ephraim, kaya mas lalong umiyak si Mina.            "Bakit hindi mo sinabi sa akin!" galit na wika nito sa asawa.
      "Dahil hindi ko naman alam ang tunay na nangyari, nagising na lang ako na hubad na kaming dalawa sa kama ko, ang huling naaalala ko ay kumain kaming dalawa, matapos nun, nahilo ako, then iyon na nga hubad na kami. pero belived me Mina hindi ko alam kung may nangyari ba talaga sa amin o wala." paliwanag ni Ephraim. 
      "Nagbunga ang nangyari sa inyo, dumating si Kristine kanina na may kasamang bata, nasa pito o walong taon yata ang edad, at kamukhang kamukha mo siya!" Saad ni Mina habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi.
      Nagulat si Ephraim sa sinabi ng asawa, kaya naman yumakap siya rito at nag wika. 
       "Hindi ako naniniwala na akin ang batang iyon, isang paraan lang ang maaaring makapag patunay na anak ko ang batang iyon, ipapa- DNA test natin siya" 

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon