Chapter Six

1.2K 19 0
                                    

"HEY, buddy!" bati ni Mathaias sa kaniyang kaibigan na si Ephraim Mondrego, 

        "Kumusta, Mabuti naman at naisipan mo akong puntahan, sira ulo ka! Pustahan tayo na may kailangan ka sa akin kaya ka narito." Seryosong wika nito na naka krus ang mga braso sa dibdib. Nakita ni Ephraim na nagkamot ito ng ulo, kaya kumpirmado na may kailangan ito. "I knew it, sabihin mo na kaagad," Anito saka inaya ang kaibigan sa loob ng bahay. inalok niya itong umupo upang makapag usap sila ng maayos. inilagay ni Mathaias ang dala niyang beer at barbique sa center table. 

        "Dude, It's about Mina," wika ni Mathaias. 

        "What about her? may nangyari ba sa kaniya?" anito habang binubuksan ang beer. 

        "Well, She's pregnant.," saad ni Mathaias sa kaibaigan. Dahil doon naibuga ni Ephraim ang beer na nasa kaniyang bibig, at saka tinanong muli ang kaibigan.

        "What did you say, did i heard it right?" wika nito na tila mabubulunan pa.

        "Dude she's pregnant and—" naputol ang kaniyang pagsasalita ng sumabat si Ephraim sa kaniya.

        "Nabuntis mo si Liho-Mina!?" sambit nito. 

        "Damn it, Ephraim, makinig kang maigi, hindi ako ang nakabutis sa kaniya at bakit ko gagawin iyon sa kaibigan ko? look, para ko nang kapatid si Mina at gagawin ko ang lahat para mahanap ang hudas na nakabuntis sa kaniya," seryosong wika nito. "Kaya ako narito ay para humingi ng tulong sa iyo. Gusto ni Mina na mahanap kaagad ang hudas bago lumaki ang kaniyang tiyan." paliwanag ni Mathaias sa kaibigan. 

        "Okay, i'll help you." sagot nito. "Gusto kong maka usap si Mina, papuntahin mo siya dito bukas." wika nito sa kaibigan. "kailangan kong malaman kung saan nag-umpisa ang lahat." paliwanag nito sa kaniya. 

        "Sure, pero kailangan ko muna siyang kumbinsihin, alam mo naman na may pride si Mina. kapag nalaman niya na humingi ako ng tulong sa iyo, siguro na bubugbugin niya ako." natatawang wika nito sa kaibigan.

        "You ca do it, buddy! ikaw pa malakas ka sa kaniya, alam natin na marupok ang isang Liho_Mina Galvantes sa mga taong mahal niya." Wika nito na may halong pang-aasar. 

        "Yeah right, ganoon lang talaga magmahal nang kaibigan si Mina, she can be a fine mother and a wife someday." saad ni Mathaias. 

        "Nauna nga lang ang anak, ipanalangin mo na makita natin kaagad ang hudas na sinasabi mo, dahil makiki-isa ako sa pagbugbog dito." anito at nakipag cheers sa kaibigan. 

KINABUKASAN…

        "What a stupid thing you do, Math! humingi ka ng tulong sa iba?" galit na galit na aniya ni Mina kay Mathaias. "SMalinaw ang sinabi ko tayo lang ang dapat na makakaalam ng sitwasyon ko, gaano ba kahirap na intindihin iyo, Math!" 

        "Mina, Magaling si Ephraim sa mga ganitong kaso, i don't know if you heard about him." paliwanag ng binata sa kaibigan, nakita niya na nangunot ang noo nito ng marinig nito ang pangalan,

        "You mean Ephraim Mondrego, lagi kong naririnig ang pangalang iyon, but i never met him personaly." wika ni Mina, 

        "See, ganoon siya kagaling, kaya please pumayag ka na makipagkita sa kaniya. Tutulungan ka niya ng libre!" saad nito ng may ngiti sa labi.

        "H'wag mo akong lokohin, Math. alam kong hindi iyon magiging libre kung hindi ka makikipag deal sa kaniya. I know you well, babayaran kita kapag nakasahod na ako." wika ni Mina habang nakaharap sa kaniyang laptop.

        "Mina, hindi mo ako kailangang bayaran, ipunin mo na lang ang pera para sa magiging baby mo, sa mga pangangailangan mo, you know that money is nothing to me, pera lang iyon. kaya kong kitain ulit iyon. ang mahalaga maging maayos ka at ang magiging anak mo." wika ni Mathaias kay Mina.

        "Bakit ba kasi hindi ako magkagusto sa iyong hudas ka! sa ugali mong iyan magiging masuwerte ang babaeng mamahalin mo. kaya lang kapag iniisip ko na magkakagusto ako sa iyo, kinikilabutan ako!" saad ni Mina na umakto pa na tila kinikilabutan. Natawa na lamang si Mathaias sa mga sinabi niya. " Mabuti pa lumayas ka na sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo." aniya habang pinalalabas ang kaibigan sa kaniyang opisina. 

        "i'll send you Ephraim's Address. puntahan mo siya, okay?" anito habang tumigil sa paglalakd palabas ng opisna ni Mina.

        "Fine, lumayas ka na!" wika ni Mina habang itinutulak si Mathaias palabas ng pinto. Nang makalabas ito agad niyang isinara ang pintuan at nagbalik na sa kaniyang upuan. ilang saglit lang ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Mathaias, kaya agad niya itong binasa. naka saad doon ang address ni Ephraim Mondrego. 

        "Pupuntahan ko na nga lang ito, baka kulitin pa ako ng siraulong si Math kapag hindi ko pa ito pinuntahan."" kaya naman pinatay niya ang kaniyang laptop at naglakad na palabas ng kaniyang opisina.

        Habang nagmamaneho, naiisip niya kung ano ang itsura ni Ephraim Mondrego, "hindi kaya matanda na ito? o, kaya panget?" wika niya sa kaniyang sarili. "Susme, lord. Sorry po sa pagiging judgemental ko." kaya naman itinigil na niya angpag iisip at tumutok na lang sa kaniyang pagmamaneho.

        Wala pang isang oras ay naratiung niya ang lugar ni Ephraim, tumigil siya sa isang malaking gate at saka bumaba nang kaniyang sasakyan.

        Humanga si Mina dahil sa laki ng bahay na nasa kaniyang harapan. agad niyang pinindot ang doorbell. ilang segundo ang lumipas ay may nagbukas ng gate. Isang babae ang unipormado ang nakita niya, kaya tinanong siya nito.

        "Ano po ang kailangan n'yo?" magalang na anito sa kaniya.

        "Nariyan ba si Ephraim Mondrego?" tanong niya sa katulong.

        "Narito po, sino po sila?" tanong ulit nito sa kaniya.

        "Paki sabi na ako si Liho-Mina Galvantes, inaasahan niya ako ngayon." wika niya rito.

        "Ganoon po ba, pasok na po kayo!" anito saka nilakihan ang bukas ng gate. mas lalong humanga si Mina ng makapasok siya sa loob. Mga mamahaling kagamitan ang naroon, kaya naging alangan siya sa kaniyang pagpasok.

        "Upo ka muna, tatawagin ko si Sir Ephraim. sasabihin ko na narito ka na." wika ng katulong sa kaniya.

        Kaya naman naupo si Mina sa isang napakagarang sofa. isang katulong ang lumapit sa kaniya at inabutan siya ng isang baso ng juice at sandwich. 

        "Salamat," aniya ng tinanggap niya ang baso sa katulong. ngumiti ito sa kaniya at naglakad na ito palayo sa kaniya. ilang minuto pa ang lumipas nang makita niyang may bumababa na sa hagdanan, kaya tumayo si Mina at inayos ang sarili. ngunit ang 'di inaasahan ni Mina ay ang lalaking tila nag slow motion ang paglapit. nakatitig lang si Mina rito kahit nasa harapan na niya ang lalaki. Kaya naman bahagya itong tumikhim upang gisingin ang diwa ng dalaga. 

        "Ehem! Captain Galvantes, if i'm not wrong." wika nito sa kaniya.

        "What the fuck! parang mahuhubad ang panty ko sa lalaking ito, boses pa lang ay kinilig na ako!" saad ni Mina sa sarili, kaya ng makabawi siya ay nagpakilala siya rito.

        "Liho-Mina Galvantes!" Aniya habang nakikipag kamay dito. "The heck, ang lambot ng kamay niya, dinaig pa ang kamay ko!" aniya ni Mina sa sarili. Hindi na nakatiis si Mina, kaya tinanong niya ito. 

        "Have we met?" tanong niya.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon