Chapter Thirty-three

602 9 0
                                    


     TULAD ng nais ni Mina nagbakasyon silang pamilya sa batangas upang makapag relax at upang makalimutan din ng bata ang mga nangyari.
      Nakangiti si Mina habang pinagmamasdan na naglalaro si Ephraim at Samantha sa tabing dagat. Naghahabulan ang mag-ama habang siya naman ay kasama ang kanilang munting anghel na si Carlayle. 
      Ilang saglit lang nagbalik na sa kanilang cottage ang mag-ama at naupo. Lumapit si Samantha sa kaniya at yumakap.
      "Mommy, can we go back here tomorrow?" Malambing na wika nito kay Mina. 
     "Sure, pero kayo na lang ni Daddy, gusto na munang magpahinga ni mommy bukas." Paliwanag niya sa anak habang nakangiti rito. 
    "Sige po,"magalang nitong sagot sa kaniya at muling siyang niyakap. Matapos ang paglalambing ni Samantha kay Mina pumalit naman dito si Ephraim. Yumakap din ito sa kaniya at humalik sa labi nang asawa. 
    "i never expect that i will have a family like this," wika ni Ephraim. kaya naman humarap si Mina kay Ephraim at tumingin sa mga mata nito. 
    "binuo natin ang pamilyang ito, tayong dalawa na magkasama. naging mabuti at mapagmahal kang ama sa mga anak natin, at naging mabait na asawa. kaya deserved mo ang ganitong pamilya." anito, iniyakap ni Mina ang kaniyang mga braso sa leeg ni Ephraim at masuyong dinampian ng halik sa mga labi ang asawa. "Ngayon na tapos na ang issue kay Kristine, siguro naman matatahimik na tayo." saad ni Mina habang nakapikit ang nakasandal ang ulo sa dibdib ni Ephraim. 
Matapos ang kanilang bonding sa tabing dagat nagdesisyon na silang umuwi. Pag-dating nila sa kanilang bahay, inabutan nila si General Oliveros sa salas na naghihintay. Nang makita silang papasok agad sila nitong sinalubong. lumapit ito sa anak nilang si Carlayle at kinarga. tuwang-tuwa naman ang bata ng kuhain naman siya ng kaniyang daddy lolo, ngunit si Samantha ay nagtago sa likod ni Mina. kaya naman ipinakilala siya ni Mina sa general.
      "Sam, sweety. This is your daddy lolo, General Mark Oliveros." pagpapakilala ni Mina rito. kaya naman lumapit si Mina kasama si Samantha sa heneral. 
      "Hi!" malambing na wika ng heneral sa bata. "We finally meet, huwag kang matakot, alam ko na ngayon lang tayo nagkita pero naikuwento ka na sa akin ng iyong Mommy, sana maging close din tayo, just like Carlayle." anito, habang karga ang kanilang munting anghel. 
tumingin naman dito sa Samantha at nakita nitong tla tinatawag siya ng kaniyang kapatid na lumapit. kaya naman without hesitation, agad na lumapit si Sam dito at yumakap. 
      "D-daddy lo, puwede ko po ba kayong yakapin?" anito, kaya naman matamis na ngumiti ang heneral kay Sam at mahigpit itong niyakap. "ofcourse sweety, yakapin mo lang ako hanggat gusto mo!" masaya nitong sagot sa bata. kaya naman mabilis na niyakap ni Samantha ang kaniyang Daddy lo. "Ngayon may Mommy at daddy ako, may kapatid din ako na kasing cute ko, at ngayon may Lolo na ako, Yey!" masayang wika ni Samantha. 
      "Just wait hija, kapag nakilala mo ang mommy la mo, sure ako na magkakasundo kayong dalawa." wika nang kaniyang Daddy lo na ikinalaki ng mata ni Samantha. "Really daddy lo? e, bakit hindi n'yo po siya kasama?" tanong nito. 
      "Well, may mahalaga kaming pag-uusapan nang mommy at daddy mo. is it ojkay kung iwan mo muna kami, napaka importante kasi nito," wika ng heneral sa kaniyang apo, kaya naman tumango ito at muling yumakap at humalik bago ito naglakad patungo sa kaniyang silid kasama ang yaya na si Marie. 
       Nang sila na lang ang naiwan, naupo sila sa sofa at seryoso ang mga mukha na nagtanong, "Tito Mark, ano itong importanteng pag-uusapan natin." wika ni Ephraim. 
     "Hindi n'yo pa ba nababalitaan, kagabi lang ay nagkaroon ng Rambulan sa kulungan, dahil doon may ilang preso ang nakatakas, at kasama roon sina Roan at Kristine," pagsa-saad nito sa kanila ikinagulad ng mag-asawa. 
    "Wait tito, you mean magkasama na tumakas an dalawa?" kunot noong tanong ni Mina. tumango naman ang heneral sa kaniya. "Yes, kaya ako nagpunta kaagad dito upang balaan kayo, sigurado na babalikan kayong dalawang iyon, nais kong mag-ingat kayo. Ayokong mapahamak ang mga apo ko." anito, kita sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. 
       "Don't worry Tito Mark. mabuti na lang po at agad mo kaming binalaan. sigurado na maghihiganti ang dalawang iyon kaya nagplanong tumakas. Mabuti na lang at narito kami, kaya ligtas ang mga bata." wika ni Ephraim.
      "Pero 'di tayo dapat paka kampante, kailangan pa din natin mag-ingat." wika ni Mina. kaya matapos ang kanilang usapan, agad na nagpaalam ang heneral sa kanilka.
      "babalik na ako ng maynila, mag-iingat kayo rito, ano man ang mangyari, tawagan ninyo ako kaagad." bilin nito sa mag-asawa. kaya naman matapos ang paalamanan, umalis na ito sakay ng sariling sasakyan. 

      "Hon, nangangamba ako," wika ni Mina sa asawa. kaya naman niyakap ito ni Ephraim. "Huwag kang mag-aalala bukod kay tito Mark at tita celest, si Math at shy lang ang tanging nakaka-alam ng lugar na ito. alam kong magiging ligtas tayo rito." paninguro ni Ephraim kay Mina. kaya naman tumango lang si Mina at ngumiti sa asawa.

      "DOC Shy, uuwi ka na?" tanong nang isa sa mga police trainee kay Shyreen. "Sabay ka na, ihahatid ka na namin sa inyo." alok nito. ngunit tumanggi si Shyreen.
    "Salamat na lang, may sasakyan ako." Aniya, kaya naman umalis na ang mga ito at naiwan si Shyreen na nagpapasok ng gamit sa loob ng kaniyang sasakyan. halos patapos na siya nang biglang may humintong sasakyan sa tapat niya. nagulat siya nang may mga kalalakihan na lumabas doon, nakatakip ang mga mukha nito at pilit siyang isinasakay sa van. 
       "Hindi naman siya makasigaw dahil takip-takip ng isang lalaki ang kaniyang bibig. Inaatake na ng kaba si Shyreen dahil hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga lalaking dumukot sa kaniya. naramdaman niyang itinatali ng mga ito ang kaniyang kamay at nilagyan ng panyo ang kaniyang bibig. matapos nuon ay tinakpan ng tela ang kaniyang ulo. marahil ay upang hindi niya makita ang kanilang dadaanan. 
      Wala pang tatlopung minuto, naramdaman ni Shyreen na tumugil na ang sasakyan. matapos nuon ay tinanggal na ng mga lalaki ang takip sa kaniyang ulo. 
      Hinatak siya ng isang lalaki papasok sa isang luma at abandonadong building. pagpasok nila nakita niya ang isang grupo ng mga kalalakihan na kinaka-usap nang tila mag-asawa. kaya nang makalapit sila itinali siya sa isang upuan. 
     "Very good boys!" wika ng isang babae. nagulat na lang si Shyreen ng makita kung sino ang babae. 
     "This bitch! ano ba ang kailangan niya sa akin?" tanong ni Shyreen sa sarili. 
     "Sigurado ako na alam nito kung nasaan ang mag-asawa. mabuti pagsalitain nyo na iyan." utos ng isang lalaki. 
     "Oh no!" aniya, God please help me!"

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon