Chapter Twenty-six

608 11 0
                                    


    "Anak, I'm sorry. kung hindi ko sinama si Kristine dito, wala sana kayong problemang mag-asawa." hingi ng paumanhin ng ina ni Ephraim. lumapit naman si Ephraim sa kaniyang mama at niyakap. 
    "It's okay, mama. Alam kong maiintindihan ako ni Mina, nakakatakot siyang magalit, pero mabait at maunawain ang aking asawa, at hindi ko siya mamahalin kung hindi sa maganda niyang katangian." paliwanag nito sa ina. Ngumiti lang ito at tumango.
    "ikaw na ang bahala, ihingi mo na lang ako sa kaniya ng sorry." alam kong galit pa siya ngayon, babalik na lang ako kapag, maayos na ang lahat" anito, hinawakan siya nito sa pisngi at naglakad na pasakay ng kanilang sasakyan kung saan naroon na ang kaniyang papa. kumaway muna ito bago umandar ang kanilang sasakyan.
     Wala na ang kaniyang mga magulang, namulsa siya at bumuntong hininga, napahawak siya sa kaniyang batok dahil iniisip niya kung paano ipapaliwanag kay Mina ang tungkol kay Kristine. kaya naman naglakad na siya patungo sa silid nila.
     Nasa tapat na siya ng pintuan, kaya naman marahan siyang kumatok at bahagyang binuksan ang pinto. 
     Matapos ang nangyari sa labas ng bahay, hindi na kina-usap pa ni Mina ang asawa, napansin iyon nang ina ni Ephraim ngunit nanatili itong tikom ang bibig. 
     Nang makapasok si Ephraim sa loob nakita niyang wala sa kama ang kaniyang asawa. Nang mapansin niya ang ilaw sa banyo, kaya lumapit siya rito. 
      Nakita niya si Mina, umiiyak ito habang nasa harap ng lababo. lumapit siya rito at niyakap mula sa likod nito. 
      "Honey, I'm sorry about what happen lately, hindi ko alam na pupunta si Kristine dito," paliwanag niya sa asawa ngunit hindi pa rin ito kumikibo, inalis ni Mina ang mga braso niya sa pagkakayakap at lumabas ng banyo dala ang kahon ng tissue, patuloy pa din ito sa pag-iyak habang nakahiga sa kama. sinundan ito ni Ephraim at naupo sa gilid ng higaan. 
     "Honey, i feel that your mad at me, i can explian everything." aniya, doon biglang lumingon sa kaniya si Mina at naupo, 
     "Siguraduhin mo lang na maganda ang paliwanag mo dahil kung hindi," napatigil sa pagsasalita si Mina nang tumingin siya sa asawa. "dahil kung hindi, sa labas ka matutulog." anito, na ikinalunok ng ilang beses ni Ephraim. kaya naman nagsimula ng magkuwento si Ephraim sa asawa.

      "Kristine was my childhood friend, Anak siya ng kaibigan ni Papa sa negosyo. bata pa lang ako noon ng ipakilala siya sa akin, simula noon palagi na itong pumupunta sa bahay, hanggang sa isang araw, ipinagkasundo kaming dalawa. A fix marriage, bata pa lang kami ng ipagkasundo kaming dalawa. Nang tumuntong kami ng college nagdesisyon ako na lumipat ng ibang school, nagalit si Kristine at ayaw nitong pumayag na malayo ako sa kaniya, ngunit hinayaan lang ako ng parents ko. They say that i'm old enough to decide for my self, supportive sila sa akin. Kahit may kakayahan sila na tulungan ako, hindi ako pumayag. i want to live on my own, without their help. Nagta-trabaho ako at the same time nag-aaral din ako. kahit pinadadalhan nila ako ng pera, ngunit hindi ko iyon ginagastos, iniipon ko lang. One day dumating si Kristine sa apartment na tinutuluyan ko, sinabi niya na inaayos na nila ang lahat para sa kasal namin, pero nagalit siya ng sabihin kong hindi ako magpapakasal sa kaniya. nagalit ito at nagwala, sinabi ko sa kaniya na hindi ko siya mahal, wala akong nararamdaman na espesyal para sa kaniya. mas lalo itong nagalit sa akin, kaya nagbitaw siya ng salita na kung hindi ako mapupunta sa kaniya mabuti pang hindi rin ako mapasakamay ng iba." tumingin si Ephraim sa asawa at nakita niyang tahimik lang itong nakikinig sa kaniya. dahil doon napangiti siya rito at itinuloy ang kaniyang kuwento.
      "Matapos ang pangyayaring iyon, lumipat ako ng ibang lugar, yung hindi niya alam o nang parents ko. Doon nga ako nalipat sa school n'yo. nakilala ko Mathaias, classmate ko siya sa ibang subjects at ka-team mate ko sa basketball." Hinawakan niya ang kamay ni Mina at tumingin sa mga mata nito. 
       "Doon kita nakita, kasama mo si Shyreen. your both cheering to our team, nagiging ganado ako maglaro kapag naroon ka at nagchi-cheer para sa amin. Gusto ko nang magpakilala sa iyo nun kaya lang nasabi sa akin ni Math kung ano ang pangarap mo, kaya nag-decide ako na huwag muna, gusto ko munang maabot mo muna ang mga pinapangarap mo bago ako magpakilala sa iyo, i don't  care if it will takes a lot of years, isa pa, i don't have that courage para magpakilala na sa iyo. pinipilit na ako ni Math pero ang sabi ko, darating din ang oras na magkakakilala din tayo. until that day came, yung gabi na may nangyari sa atin. pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong pagsisihan iyo sa huli. Pero nakita ko sa Iyo ang sintomas ng mga tao na naka-take ng gamot na may aphrodisiac, naka encounter na ako ng ganitog kaso, kaya nang makita ko na nahihirapan ka na, hindi na ako nagdalawang isip pa. hindi ko na napigilan pa ang sarili ko," mahabang saad ni Ephraim, nang marinig niyang nagtanong si Mina. 
      "Bakit hindi mo ako pinigilan, puwede ka naman na tumanggi at hayaan na lang ako. or puwede mo naman akong ibabad sa malamig na tubig ng mga oras na iyon?" seryosog tanong nito. 
     "Tinanong kita, pero ang sabi mo ituloy ko lang dahil kung hindi papatayin mo ako, natakot lang ako sa iyo!" natatawang anito, dahil doon pinaghahampas siya ni Mina sa balikat. tawa naman ng tawa si Ephraim dahil sa asawa, nag tumigil ito niyakap niya si Mina at ginawaran ng halik sa labi. 
      "nagpapasalamat ko na nangyari iyon, dahil kung hindi, hindi kita magiging asawa ngayon at hindi rin ako magkakaroon ng anak na katulad ni Carlayle. Mahal na mahal kita, Mina at hindi ako papayag na mawala kayo ng anak natin sa buhay ko. Ikamamatay ko kapag nangyari iyon." seryosong aniya ni Ephraim sa asawa. Niyakap naman siya ni Mina, ramdam niya ang sinseridad ng mga sinabi nito sa kaniya. 
      "Ngayon na alam mo na, kung sino si Kristine sa buhay ko. galit ka pa rin ba?" anito, 
      "Naiinis pa rin ako, kaya doon ka sa salas matutulog, " nakangiting anito, 
      "Honey!" wika ni Ephraim.
      "Huwag mo akong ma-honey-honey, naiinis pa rin ako kasi hinayaan mong halikan ka ng haliparot na iyon!" sigaw nito. wala naman nagawa si Ephraim kung hindi dalhin ang unan at kumot na inihagis sa kaniya ni Mina. 
      Nang makalabas ng silid si Ephraim ay isinara ni Mina ang pinto at ini-lock ito. nahiga siya sa kama at niyakap ang kaniyang unan. 
     Magaan na ang kaniyang pakiramdam. ngunit alam niyang hindi pa nagtatapos ang gera laban sa babaeng haliparot. 
     "kailangan kong maghanda, hindi niya makukuha ang asawa ko, over my beautiful body!"

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon